PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes, inaming "bad year" ang 2025 para sa local films

MMFF 2025, mas mababa ang kinita kumpara sa MMFF 2024.
by PEP Troika
Published Jan 26, 2026
joey reyes local movies
FDCP Chair and CEO Joey Reyes on the state of local movies in 2025: " Nowadays, pag nanood ka ng sine, dapat may dahilan kang manood. Hindi dahil nagpapalipas-oras ka lang. Saka ang naging resulta rin, ang ginagawa ng sinehan, pinapaganda ang sinehan. Yung experience. Saka isipin mo, magkano ba yung mamahaling sinehan? Almost PHP1,000. Who can afford that?"
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF

JERRY OLEA

Nag-aalala ang ibang mga artista sa magiging epekto ng Artificial Intelligence (AI) sa local movie industry.

“Minsan may AI. Magiging problema yan,” pagmamatuwid ni FDCP Chairperson and CEO Jose Javier Reyes noong Enero 22, 2026, Huwebes, sa Power Plant mall, Rockwell Center, Makati City matapos ang Cinema Prive screening ng The Secret Agent.

“But as of now, with our level of technology sa bayan na ito, hindi pa natin poproblemahin.

“Ang problema natin is manatili itong pelikula. Like, pag kinakausap ko ang mga producer, andaming nawalan ng loob dahil sa resulta ng numbers ng MMFF.”

Read: FDCP Chair Joey Reyes, FAP nagbabala laban sa scam auditions

MMFF 2025 Unofficial Box-Office results: Call Me Mother, Shake, Rattle & Roll: Evil Origins and Unmarry are top-grossers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MMFF 2025 BOX-OFFICE RESULTS

Ang kinita ng 51st Metro Manila Film Festival ay mas mababa kesa sa hinamig ng 50th MMFF. Bakit kaya?

Paliwanag ni Direk Joey: “Last December, hindi celebratory ang tao dahil katatapos lang ng disaster sa Cebu dahil doon sa bagyo.

“Yung politics. Ang gulu-gulo. Tapos ikatlo, dahil magulo ang politics, hawak mo ang pera mo. Nag-iingat ka.

“Saka ang tao, hindi gumasta noong Pasko [sa sine]. Ang tao, gumasta, kumain.

“So, hindi lang fault ng… sabi nila, ‘Ahhh dahil sa Netflix!’ Ang tao, hindi celebratory noong Pasko.

“At ang economy, yung tao, humawak sa pera… Noong December 30, nagpunta ako sa Alabang Town Center, walang tao sa sinehan.

“Pero punumpuno lahat ng restaurant. Ikinain ng tao yung pera nilang pang-entertainment, hindi ba?

“So ang sagot, ano ang gagawin natin para mapabalik ang tao sa sine? Until you realize, it’s a worldwide problem.

“Maski sa Amerika, ganyan. Ang Korea, bagsak na bagsak. Indonesia lang ang bumobongga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Direk Ruel S. Bayani, bumagsak na rin ang movie industry ng Indonesia last year…

“Pero not as bagsak… so nag-iiba na ang habits ng tao. Tapos yung mga tao, nanonood na lang sa cellphone. Hindi ba, portable entertainment,” pagmamatwid ni Direk Joey.

“So we have to adjust. We have to adjust. Nowadays, pag nanood ka ng sine, dapat may dahilan kang manood. Hindi dahil nagpapalipas-oras ka lang.

“Saka ang naging resulta rin, ang ginagawa ng sinehan, pinapaganda ang sinehan. Yung experience.

“Saka isipin mo, magkano ba yung mamahaling sinehan? Almost PHP1,000. Who can afford that?

“Ang mga nanonood ng sine are those who can afford. Ang sabi ko, paano na yung masa? E, masa ang base ng Philippine cinema.

“So, kailangang hanapan ng paraan para mapabalik sila. Although we are really making extra effort to convince cinema theater owners to bring down the price.

“Nakausap namin ang SM. Sabi nila, ang maximum nila is PHP300. Ang SM, sabi nila, PHP300. Mura sila, yung SM. Yung iba, kanya-kanyang diskarte yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMFF 2025 Unofficial Box-Office Results as of January 6, 2026

philippine movies in 2025: "IT WAS A BAD YEAR"

Pawang lumampas sa P100M-mark ang 2025 movies na Call Me Mother, Meet, Greet & Bye, My Love Will Make You Disappear, at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Ang Magellan, bigong ma-shortlist sa kategoryang best international feature ng 98th Academy Awards o Oscars.

Ano ang assessment niya sa kalagayan ng mga pelikulang Pilipino noong nakaraang taon?

“It was a bad year,” pag-amin ni Direk Joey.

“OK, it was a bad year in terms of number. It was also a bad year in terms of creative output.

“But then, you know, we need hope… In order to need hope, you need producers to invest more money. Hindi ba?

“Kung ia-assess mo yung dalawang nagwagi [sa takilya] ng MMFF, yung pampamilya ni Vice Ganda, at saka yung pambarkada, Shake, Rattle & Roll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka tama naman yung sinabi nila, wala talagang pambata.

“So super-kumita, yung Vice, hindi ba? At saka OK — I wouldn’t say super-kumita — pero OK ang Shake.

“So, sabi ko, yung pampamilya at yung pambarkada, OK. At makikita mo yan, wala kayong napansin? Mas pumalo after New Year, yeah.”

Noong Kapaskuhan ay marami raw sa taga-National Capital Region ang umuwi sa kani-kanilang probinsiya.

“Nagsialisan! At bakasyon. Ang mga nanood, after New Year,” sey ni Direk Joey.

“Tapos, isa pang playdate na mas reliable, is November. Yung playdate ng Meet, Greet & Bye.”

Nobyembre 12, 2025 ipinalabas sa mga sinehan ang nasabing family drama movie nina Joshua Garcia, Piolo Pascual, Maricel Soriano, Juan Karlos, at Belle Mariano.

meet greet & bye
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Direk Joey: “Nakasabay naman siya sa disaster ng Cebu. So it’s beyond anybody’s control. Sino naman ang may gusto nung bumahang ganun sa Cebu.”

Ang mga sumunod na Pinoy films na ipinalabas sa local cinemas bago ang 51st MMFF ay Finding Santos noong Nobyembre 19; KMJS’ Gabi ng Lagim The Movie at Salvageland noong Nobyembre 26; Jackstone 5, Ang Happy Homes ni Diane Hilario, at Nasaan si Hesus? noong Disyembre 3; The Heart of Music noong Disyembre 10; at Mandirigma noong Disyembre 17.

Pananalig ni Direk Joey: “Unang-una kasi, kapag hindi bongga ang pelikula mo, hindi ka papanoorin.

“Pag bongga naman ang pelikula mo, malulugi ka.”

Read: GMA-7 tops 2025 in ratings and digital

LOCAL FILMS IN 2026

Sa Pebrero 4 ang showing ng A Spring in Prague nina Paolo Gumabao at Sara Sandeva.

Pebrero 11 ang playdate ng The Loved One nina Anne Curtis, Jericho Rosales, at Catriona Gray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pebrero 18 ang pagpapalabas ng The Lotto Winner nina Albert Martinez at Kylie Padilla, kasabay ang Batang Paco nina Ai-Ai delas Alas at Empoy Marquez.

At nakapuwesto sa Pebrero 25 ang showing ng Until She Remembers nina Charo Santos-Concio, Boots Anson Roa-Rodrigo, at Barbie Forteza.

NOEL FERRER

Lahat na ng efforts, ginawa ng MMFF at MMDA para matulungang i-promote ang ating mga pelikula kaya sana, appreciative na lang lahat sa mga efforts nito.

As in, we really went out of our way to promote Filipino movies not only here kundi pati sa ibang bansa na nagawa pang i-nega ng iba.

But it is easy to clarify and debunk the naysayers.

The sheer attendance of the people sa Dubai, UAE, at ang resounding warm reception nila sa Filipino film delegation are seen in all accounts naman sa mainstream at social media.

Pati nga ang mga artistang nagsidalo pati na mismo ang First Lady at MTRCB Chair na naroon din ay saludo sa mga nanganap sa MMFF activity overseas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung head ng nangasiwa roon na si Andi Minodin, managing director, Ad Asia Media and Marketing, Dubai, UAE, ay nagbigay ng pahayag patungkol dito.

Ani Andi: “Ad Asia Media and Marketing’s first event for the year, MMFF Konsyerto Para sa Pilipino was big and very successful. The event is well attended and the venue was full.

“We even had to decline requests of our kababayan to enter the premises as per security protocol. Thank you MMFF for trusting us with this project.

“To Chairman Don Artes and Atty Rochelle Macapili Ona, salamat sa tiwala, at ipagpatuloy niyo ang maganda ninyong ginagawa para sa mga kababayan nating tumatangkilik ng mga likhang Pinoy.

“See you all in next year’s Metro Manila Film Festival overseas event!”

Sana, magtulungan talaga tayo para mapaunlad pa ang ating industriya.

Read: OSCARS 2026: Sinners breaks record with 16 nominations

GORGY RULA

Nabanggit na noon ni Direk Joel Lamangan na ang isa sa kinatatakutan niya ay kapag papasukin na ng AI ang industriya ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa social media na ito at ang dami na tayong nakikitang content gamit itong AI.

Read: Direk Joel at Direk Joey, nangangamba sa AI at vertical shorts

AI SHORT FILM FESTIVAL

Kamakailan lang ay nakapanayam namin sa DZRH ang actor-director na si Ihman Esturco kasama si Ms. Charmel dela Cruz ang CEO ng Palit Ph, ang bagong crypto wallet na inilunsad nila sa Pilipinas bago natapos ang 2025.

ihman esturco charmel dela cruz ai short films
Ihman Esturco and Charmel dela Cruz
Photo/s: Courtesy of Ihman Esturco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi nila sa amin na sa Abril 2026 ay ang grand launch nitong Palit Ph at isasabay raw nila rito ang kauna-unahang AI Short Film Festival.

Magkakaroon sila ng competition ng short film, gamit ang AI para sa launching ng kanilang crypto wallet.

“Sinabi ko kay Charmel, bakit hindi natin gawin yung first AI Short Film Festival in the Philippines,” pakli ni Ihman.

“Sabi ko, gamitin itong platform na ito para maintindihan ng mga ordinaryong tao. Gagamitin ko yung AI, yung tipong ganun.

“Kasi, kahit anong sabihin mo, pag tumingin ka sa social media, hindi mo na alam kung ano yung totoo at kung ano yung hindi.

“Sabi ko, aba, kailangan i-embrace natin yung technology. Para at least… kaya ko in-introduce itong AI Short Film Festival, kasi maraming filmmakers ngayon na ginagamit itong platform na ito, might as well, gagamitin ko yung Palit Ph para mas maintindihan ng tao yung tamang proseso ng paggamit ng wallet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang ganyan ang nasa isip ko.”

Medyo hesistant kami riyan dahil lumalabas na wala na talagang artistang magagamit kundi AI na lang.

Paliwanag ni Ihman: “Tingin ko naman ang… it’s embracing the technology, no?

“Kailan lang kausap ko si Direk Chito Roño, may gagawin siyang pelikulang may combination ng AI.

“Kumbaga, dapat i-embrace natin yung ideya na yun na nandito na tayo sa makabagong henerasyon para hindi tayo mawawala, hindi ba?

“Kasi, kung hindi natin pag-aaralan, baka lalo tayong mawala, mapag-iwanan tayo.

“At dapat mga artista, mag-ingat kayo. Dapat magpursige kayo bilang artista. Magseryoso kayo sa craft nyo as an actor.

“We need to embrace this technology,” sabi pa ni Ihman.

Si Ihman ang nagpasimuno rin sa Arizona, USA, ng Asian International Film Festival Arizona.

Ngayon ay gusto niyang gamitin ito dito sa Pilipinas at itong AI Short Film Festival para sa malaking project na pinaghahandaan nila.

Read: Willie Revillame finally speaks up about past relationship with Sugar Mercado

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair and CEO Joey Reyes on the state of local movies in 2025: " Nowadays, pag nanood ka ng sine, dapat may dahilan kang manood. Hindi dahil nagpapalipas-oras ka lang. Saka ang naging resulta rin, ang ginagawa ng sinehan, pinapaganda ang sinehan. Yung experience. Saka isipin mo, magkano ba yung mamahaling sinehan? Almost PHP1,000. Who can afford that?"
PHOTO/S: Jerry Olea / MMFF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results