PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado emosyunal sa prayer rally para kay Bong Revilla

Nahaharap si Bong sa kasong graft and malversation of public funds.
by PEP Troika
Published Feb 8, 2026
Lani Mercado at the prayer rally for her husband, former Senator Bong Revilla
Lani Mercado on husband Bong Revilla's graft case: “Hinarap niya ito sa kabila ng sakit at malaking sakripisyo. Isinuko niya ang kanyang dangal at kalayaan dahil alam niya at nating lahat ang katotohanan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsagawa ng prayer rally ang mga supporters ni former Senator Bong Revilla sa Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, ngayong araw ng Linggo, Pebrero 8, 2026.

Nagbigay ng panalangin at mensahe ang iba’t ibang church leaders, religious groups, mga pari, pastor ng protestanteng denominasyon, pati ang Muslim community.

Dumalo ang maybahay ni Bong na si Congresswoman Lani Mercado-Revilla kasama ang mga anak nilang congressmen, sina Bryan at Jolo, pati na rin si Cavite Vice Governor Ram Revilla at Atty. Inah Revilla-del Rosario.

Lani Mercado (2nd from L) with her daughter, Atty. Inah Revilla- del Rosario, (L) and son, Cavite Vice Governor Ram Revilla (3rd from L)
Lani Mercado (2nd from L) with her daughter, Atty. Inah Revilla- del Rosario, (L) and sons, Cavite Vice Governor Ram Revilla (3rd from L) and Congressman Jolo Revilla (R)
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tantiya ng mga staff, halos 15,000 katao na karamihan ay mga taga-Cavite ang dumalo na may dalang kandila, at hindi umalis hanggang sa natapos ang seremonya.

More than 15,000 people allegedly attended the prayer rally for former Senator Bong Revilla in Kawit, Cavite
More than 15,000 people allegedly attended the prayer rally for former Senator Bong Revilla in Kawit, Cavite.
Photo/s: Gorgy Rula

Hindi napigilan ni Cong. Lani na maiyak nung nagbigay ng pangwakas na panalangin ang ilang pastor at pari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinundan ito ng isang audio-visual presentation na nagpakita ng pagsuko ni Bong sa Camp Crame at pagdadala sa kanya sa Quezon City Jail Male Dormitory.

LANI MERCADO'S SPEECH

Sa talumpati ni Cong. Lani ay ipinahayag niyang marami raw ang nag-udyok sa kanyang asawa na huwag sumuko at magtago na lang.

Pero hinarap daw ng dating senador ang kaso dahil gusto niyang patunayang wala siyang pagkakasala at diumano'y mali ang mga akusasyon laban sa kanya.

Bahagi ng talumpati ni Cong. Lani: “Marami ang humimok sa kanya na iwasan ang mga batikos at akusasyon.

“Marami ang nag-udyok na magtago.

"Ngunit hinarap niya ang lahat nang taas noo at buong tapang.

“Hinarap niya ito sa kabila ng sakit at malaking sakripisyo.

“Isinuko niya ang kanyang dangal at kalayaan dahil alam niya at nating lahat ang katotohanan.

"At kakampi ang katotohanan, tiyak tayong masisilayan ng dala nating liwanag ang kadilimang bumabalot sa atin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“There is no greater power than prayer and it is through our prayers that justice will prevail.”

Read: BLIND ITEM: Aktres pineke ang pagbubuntis para makaganti sa Aktor

JERRY OLEA

Dumalo rin ang ilang mayors, konsehal, at iba pang pulitiko sa lalawigan ng Cavite.

Tumangging magpa-interview si Cong. Lani sa media na nag-cover sa naturang pagtitipon.

Kailangan daw niyang maging maingat sa mga sasabihin.

Ang kanyang pakiusap, na sinabi rin niya sa kanyang mensahe, ay huwag basta-basta maniwala sa mga naipo-post sa social media.

“Maraming masisiwalat at kailangang maisiwalat ang katotohanan at hindi kasinungalingan.

“Huwag tayong basta-basta maniwala sa fake news na nakikita natin sa social media.

“Huwag tayo basta magpabilog sa mga nababasa natin. Mag-fact check po tayo, at ang pagmamahal dito sa ating puso ang siyang manaig sa katotohanan.

“Ang pagmamahal natin sa Panginoon ang siyang manaig para makita natin ang liwanag, para makita natin ang katotohanan.”

Sa Pebrero 9, Lunes ng umaga, ay haharap sa Sandiganbayan si Bong para sa kanyang arraignment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay nahaharap sa kasong graft and malversation of public funds through falsification of public documents.

Tungkol ito sa diumano'y partisipasyon ng action star sa anomalous PHP92.8-million flood control project sa Bulacan.

Samantala, ang mga susunod na araw ng Pebrero 2026 ay sadyang—interesting.

Naudlot ang coup sa senado, at nanatiling senate president si Tito Sotto.

Sa Biyernes, Friday the 13th. Sa Sabado, Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

"Sa Pebrero 17, Martes, ay Chinese New Year. Unang araw ng Year of the Fire Horse, kasabay ang Mardi Gras o Fat Tuesday. Huling araw ng Carnival.

At sa Pebrero 18, Ash Wednesday, the first day of Lent.

Alin kaya sa mga natatanging araw na ito ang may pahiwatig sa kapalaran ng dating senador? Maging kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, at Sen. Chiz Escudero?

Read: Restaurant ni Matteo Guidicelli, warak dahil sa "freak accident"

NOEL FERRER

PRAYER NOT PROTEST

Ang Ecumenical Prayer Rally for Truth, Integrity, Due Process, and Justice para sa dating senador ay hindi raw kilos-protesta kundi isang panawagan ng konsensiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panalangin din daw ito para sa kapayapaan ng bansa at ang pananaig ng katotohanan.

“Mas pinili naming manalangin kaysa sumigaw. Sa gitna ng ingay at intriga, pananampalataya ang aming sandigan,” ang sabi ng isa sa mga religious leader na dumalo.

Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Cong. Lani sa lahat ng dumalo lalo na sa mga Caviteñong nagpapakita ng suporta sa kanyang pamilya.

“Maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na naniniwala, nagdarasal, at naninindigan para sa katotohanan.

“Ang inyong presensiya at panalangin ang nagbibigay ng lakas sa aming pamilya sa panahong ito ng pagsubok.

“Buong tiwala kami na makakamtan muli ang hustisya para kay Bong.

"Sa tulong ng Diyos at sa tamang proseso ng batas, ang katotohanan ay lalabas at mananaig,” saad ni Cong. Lani.

Hindi naman ito ang unang beses na naaresto at na-detain si Bong.

Noong June 2014, nag-issue ang anti-graft court ng warrant para sa pag-aresto sa kanya for the plunder case kaugnay ng Priority Development Assistance Fund scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanatili ang action star sa detention facility ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame until December 7, 2018.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado on husband Bong Revilla's graft case: “Hinarap niya ito sa kabila ng sakit at malaking sakripisyo. Isinuko niya ang kanyang dangal at kalayaan dahil alam niya at nating lahat ang katotohanan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results