PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Kingdom: Magkabilang Mundo series sa TV5, kanselado

...ayon sa reliable sources ng PEP Troika..
by PEP Troika
Published Mar 1, 2026
The Kingdom: Magkaibang Mundo on TV5
Dahil sa problema sa budget, hindi na raw matutuloy ang proyektong The Kingdom: Magkabilang Mundo sa TV5.
PHOTO/S: TV5 on YouTube

GORGY RULA

Dalawang reliable sources na ang nagkumpirma sa PEP Troika na hindi na itutuloy ang malaking project ng TV5 at APT na The Kingdom: Magkabilang Mundo.

Pero hintayin pa rin natin ang official statement mula mismo sa TV5.

NEW MANAGEMENT, NEW PLANS FOR TV5

Ang sabi lang ng isang napagtanungan namin—bagong management, bagong plano—pagkatapos umalis ang president at CEO ng MediaQuest na si Ms. Jane Basas.

Ilang linggo na rin naming napapag-usapang may problema talaga sa proyektong ito nina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Cristine Reyes, Sue Ramirez, at Ryza Cenon dahil sa malaking budget na kinakailangan.

Piolo Pascual at the script reading for The Kingdom: Magkabilang Mundo series
Piolo Pascual at the script reading for The Kingdom: Magkabilang Mundo series held on January 8, 2026
Photo/s: MQuest Ventures on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman sinabi sa amin kung magkano ang aabutin, pero may narinig kaming PHP200M daw!

Kaya, ayon sa sources, hindi na-approve.

Okay naman daw ang ibang sisimulang drama series dahil hindi ganun kalaki ang budget na hinihingi.

Itong A Secret in Prague nina Andrea Brillantes at Enrique Gil ay kailangang ituloy dahil kasado na ang lahat para simulan ang taping.

Hindi na puwedeng umatras dahil bayad na raw ang mga plane tickets, accommodation, at iba pang kailangan sa production na kukunan sa Czech Republic.

Itong The Kingdom: Magkabilang Mundo lang daw talaga ang mahirap i-go.

Meron pa raw sa mga boss na nagsabing bakit kailangang i-teleserye ang isang pelikulang hindi naman kumita?

Maganda ang konsepto, kakaiba, at okay talagang isapelikula, pero sa laki ng budget, hindi raw ito kumita sa Metro Manila Film Festival 2024.

Usap-usapan ito after ng festival dahil kahit pumangalawa ang pelikula sa top grosser, ayon sa mga industry insiders, lugi pa rin daw. Diumano'y hindi nabawi ang gastos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya nung nawala na sa management ng TV5 si Ms. Basas, naiba na ang plano at nabaril na itong teleserye version ng The Kingdom.

Paano na ang mga artistang kasali rito?

Tiyak na ang iba riyan ay naka-block na sa schedule nila ang taping ng The Kingdom: Magkabilang Mundo.

Ang huling sinabi raw kasi sa kanila ay magsisimula na bandang third week of March. Pero ito na ang latest na nasagap namin tungkol sa proyektong ito.

Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."

JERRY OLEA

Noong nakaraang linggo lang ay may narinig na kaming ayaw na rin daw itong ituloy ni Derek Ramsay.

Derek Ramsay at the script reading for The Kingdom: Magkabilang Mundo series
Derek Ramsay at the script reading for The Kingdom: Magkabilang Mundo series held on January 8, 2026.
Photo/s: MQuest Ventures on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasira na raw kasi ang schedule niya sa kahihintay sa pagsisimula ng taping.

May ilang mga artistang bahagi nito na inalok na rin daw ng ibang network para sa sisimulan nilang proyekto. Pero wala kaming ideya kung tinanggap na ba nila ito.

Malalaman natin kapag lumabas na ang pangalan nila sa sisimulang drama series.

May nagsabi rin sa PEP Troika na pinangakuan daw si Piolo Pascual ng ibang teleserye. Wala lang ideya kung ano ang proyekong ito.

Nakakapanghinayang naman at nakakalungkot dahil tila nababaon sa problema ang TV5.

Okay na sana yung mga magaganda at top-rated shows ng ABS-CBN ang napapanood, pero nawala dahil sa naputol na partnership with ABS-CBN.

Lumipat ang mga programang ito sa AllTV, kaya tumaas ang viewership ng naturang TV network.

Ang latest: naungusan na ng AllTV ang TV5 sa ratings.

Matatandaang Enero 8, 2026, nag-script reading ang cast ng The Kingdom: Magkabilang Mundo.

Kinabukasan, Enero 9, usap-usapan na nag-step down si Ms. Jane Basas bilang presidente at CEO ng MediaQuest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enero 20, ini-announce ni Willie Revillame na ang game show niyang Wilyonaryo ay hindi mapapanood sa TV5 kundi sa online platform lamang.

Pebrero 2026 dapat ang premiere sa TV5 ng reality competition na Artista Academy hosted by Julia Barretto and Xian Lim, pero na-postpone iyon.

Totoo kayang hindi maganda sa feng shui ang number “five”?

Sa pagkakaalam ko, masuwerte ang numerong singko sa Chinese philosophy.

Kinikilala ng Ancient Chinese Buddhism ang five elements—Earth (dilaw), Wood (luntian), Fire (pula), Metal (puti), at Water (itim).

Sa Ancient Chinese Philosophy ay lima ang direksyon—Timog, Hilaga, Kanluran, Silangan, at Gitna.

Ang lima ay sagradong numero para sa mga diyosang sina Athena, Ishtar, at Venus.

Read: Iwa Moto vs. Hajie Alejandro: Who's telling the truth?

NOEL FERRER

Ang hirap ng sitwasyong kinasasangkutan ng TV5. Pero ano ba talaga ang saloobin ng mga nagtatrabaho rito?

Napakahirap namang sa iisang tao itinuturo ang lahat.

Magandang malaman kung paano ba umabot dito ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At si Piolo, dahil siya ang kasama sa lahat mga proyektong sinasabing napakamahal ang budget na pagprodyus, maganda rin sigurong makunan ng statement dito, pati na sa proyektong kasosyo siya na project naman ng anak niya.

Paano kaya makakaahon ang TV5? May mga natira pa namang puwedeng i-turn around ang sitwasyon nila, sana.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa problema sa budget, hindi na raw matutuloy ang proyektong The Kingdom: Magkabilang Mundo sa TV5.
PHOTO/S: TV5 on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results