PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lifetime free fuel incentive ni Hidilyn Diaz, "drawing" lang

Hidilyn Diaz, hindi nga ba apektado sa pagtaas ng presyo ng gasolina?
by PEP Troika
Published Mar 11, 2026
hidilyn diaz free fuel
After winning the Philippines’ first Olympic gold medal in 2020, weightlifter Hidilyn Diaz was promised several incentives, including lifetime free fuel. With oil prices rising due to the conflict in the Middle East, some netizens have expressed envy over the supposed perk. In reality, however, Hidilyn has yet to enjoy such a benefit.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Isa sa napagdiskitahan ng ilang netizens ngayong dumadaan tayo sa krisis dala ng pagtaas ng langis ay ang first Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo.

Isa sa premyong ipinangako kay Hidilyn nang nasungkit nito ang gold medal sa weightlifting noong 2020 Olympics ay ang lifetime free fuel mula sa isang independent oil company sa ating bansa.

Kaya ang iniisip ng ibang mga kababayan natin, hindi siya maaapektuhan sa mabilis na pagtaas ng gasolina dala ng giyera sa Middle East.

Read: Hidilyn Diaz's cash incentive PHP55M na; free-for-life perks, ang haba ng listahan!

HIDILYN DIAZ, LIFETIME FREE FUEL?

Sa isang Facebook account ng isang grupo ng riders at vloggers, may isang Kuya Oman na nag-emote para kay Hidilyn.

Sabi nito: “Habang maraming Pilipino ang napapakamot na lang sa ulo sa tuwing tumataas ang presyo ng gasolina… may isang tao sa Pilipinas na hindi kailangang mag-alala.

“Noong 2021, matapos makuha ni Hidilyn ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa, maraming kumpanya ang nagbigay ng gantimpala bilang pasasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa sa mga iyon ang Phoenix Petroleum. Ang kanilang regalo? Lifetime free fuel.

“Ibig sabihin, sa tuwing daraan siya sa isang Phoenix station para magpa-gas… hindi niya kailangang isipin kung magkano na naman ang presyo kada litro.

“At sa panahon na pabago-bago ang presyo ng langis sa buong mundo, isa lang ang sigurado.

“May isang Pilipino na naka-‘easy mode’ pagdating sa gasoline.

“At nakuha niya iyon… sa pagbubuhat ng bigat para sa buong bansa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang daming nag-react at napapa-“sanaol.”

Marami rin ang nagtanggol kay Hidilyn na pinaghirapan daw nito ang suwerteng natamo.

Bilang manager ni Hidilyn, Sir Noel Ferrer, ano po ang masasabi mo riyan?

Read: Anne Curtis’s Dubai flight diverted amid Middle East tensions

NOEL FERRER

Naku! Sanaol talaga.

Medyo naiiling na lang ako.

Si Haidie ay tumatahimik na lang at idinadaan na lang sa punchline.

Pero drawing naman talaga ang lifetime na fuel supply.

Hanggang doon na lang muna at baka may mam-bash pa sa amin sa pag-take up nito ngayong napaka-crucial na panahon.

Pero waley ang lifetime supply na fuel na nai-commit.

Ang tanong tuloy ng iba, kaninong lifetime ba ang tinutukoy nila?

Idinadaan na lang sa comedy ang lahat, pero OK na OK talaga kung seseryosohin ang pagbibitaw at pagtupad sa salita.

JERRY OLEA

Araykupung singsing!

Maliwanag, hindi lifetime supply of fuel ang nakamit ni Hidilyn Diaz.

Kaya malamang sa alamang na napapaaruuuyyy rin ang bulsa ni Hidilyn sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa tayo sa Facebook shoutout ni Edu Manzano: “HINDI KO UGALING MAGYABANG SA MGA MAMAHALING LUGAR NA NAPUPUNTAHAN KO PERO KANINA GALING NGA PALA KO SA GASOLINAHAN.”

edu manzano post

Kuwela rin yung post niya na nasa sachet ang gasolina: “BUY NOW!!! LIMITED STOCKS!” Pero sa pagtawa natin, napapangiti rin tayo nang sakdal pait. May nararamdaman tayong kirot at takot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
edu manzano post

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, sa Spain ikakasal sa May 2026?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After winning the Philippines’ first Olympic gold medal in 2020, weightlifter Hidilyn Diaz was promised several incentives, including lifetime free fuel. With oil prices rising due to the conflict in the Middle East, some netizens have expressed envy over the supposed perk. In reality, however, Hidilyn has yet to enjoy such a benefit.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results