Trigger Warning: Mention of sexual abuse
JERRY OLEA
HULYO 21, 2024, matapos ang GMA Gala, inakusahan ni Sandro Muhlach ang dalawang Kapuso independent contractors ng panghahalay umano sa kanya. Matapos sumambulat ang eskandalo, nagsalita si Gerald Santos at isang unnamed male talent-news researcher ng TV5 kaugnay sa naranasan nilang sexual abuse or molestation.
Read: Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko
AGOSTO 23, 2024, nakatsikahan ng PEP Troika sina Direk Joel Lamangan at Jim Pebangco sa French Baker sa Cash n’ Carry, Brgy. Palanan, Makati City. Napag-usapan namin ang sexual harassment or exploitation, na siyang tema ng pelikulang Bayad Puri (1997) ni Direk Joel.
AGOSTO 24, 2024, nalathala sa PEP Troika ang tsikahang iyon. Bahagi ng pahayag ni Direk Joel: “Noon pa, meron nang ganun, day! Hindi lang nabubulgar, dyusko!
“Panahon pa ng kopong-kopong, meron na yun. Dyusko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Andami!
“Andami na noon, 'neng. Hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…
“Matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong yan. Hindi naman yan bago.”
Read: Joel Lamangan nagkomento sa sexual abuse sa showbiz
AGOSTO 25, 2024, nag-post si Ahron Villena sa Facebook (published as is): “My nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyari ung mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.
“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un! Tandang tanda ko ung kelangan ko magplaster sa eksena cameo role lang ako my tumutulong na sakin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo sya. Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan.’
“Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka pero dahil baguhan pa lang ako noon OO lang ako ng 00 kasi kelangan ko din kumita ng pera pero malamang hindi mo na maalala kasi sigurado ako hindi lang ako ang ginawan mo ng ganun.
“Nung ininterview ako sa fast talk noon hindi kita pinangalanan kasi my respesto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sakin hindi ako nagsalita. Kaya sana tahimik kana lang din.
“Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganung bagay!”
Walang binanggit na pangalan si Ahron ngunit nahinuha agad ng netizens na si Direk Joel ang kanyang tinutukoy.
Read: Did Ahron Villena take a swipe at director Joel Lamangan?
SETYEMBRE 7, 2024, sa shooting ng pelikulang Fatherland sa Cavite City, maingat si Direk Joel sa pagsasalita tungkol sa isyu nila ni Ahron.
“Sana plasteran na lang nila ang mga bibig nila. Huwag na silang magsalita ng kung anu-ano. Huwag na nilang sakyan ang isyu,” himutok ni Direk Joel.
“Naku! Kung anu-ano yung mga sine-say. Huwag na nating banggitin, baka sumikat pa.”
Read: Joel Lamangan, ayaw patulan ang pasaring ni Ahron Villena
AGOSTO 2, 2025, imbitado si Sandro Muhlach sa GMA Gala noong araw na iyon pero minabuti niyang hindi dumalo.
Read: Sandro Muhlach, dadalo ba sa GMA Gala 2025?
MARSO 12, 2026, napabalitang tapos na ang kontrata ni Sandro Muhlach sa Sparkle GMA Artist Center.
Read: Yasmien, Maxine, Pancho, Sandro tapos na ang kontrata sa Sparkle
MARSO 15, 2026, ipinagdiwang ni Ahron Villena ang ika-39 kaarawan sa pamamagitan ng Badminton Cup sa Premiere Badminton Court sa Cainta, Rizal.
GORGY RULA
Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikulang All About Her, na isa sa full-length films sa 8th Sinag Maynila (Sine Lokal, Pang-International) na gaganapin sa Marso 23-29, 2026 sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
DIREK JOEL LAMANGAN DENIES "PLASTER" ALLEGATION OF AHRON VILLENA
Sa mediacon ng All About Her noong Marso 12, Huwebes, sa Quezon City Sports Club, E. Rodriguez Avenue, Quezon City, naungkat muli kay Direk Joel ang plaster issue nila ni Ahron Villena.
“Walang katotohanan yung sinasabi niya na ano, dyusko, hindi totoo yon, neng!” bulalas ni Direk Joel.
“Sa totoo lang, iniligtas ko nga siya dahil ang maglalagay sa kanya ng ano ay isang baklang ano, make-up artist. Sabi ko, ‘Ako na lang, ako na lang.’
“Wala naman akong desire ganun-ganunin siya. Alam ko naman…”
Nagpantasya ba siya kay Ahron?
Mabilis na tugon ni Direk Joel, “Never, dyusko.”
Nagkita na ba sila ni Ahron mula nang pumutok ang plaster issue nila noong Agosto 2024?
“Hindi. Mumurahin ko siya pag nagkita kami. Hindi totoo kasi,” paninindigan ni Direk Joel.
“Hindi totoo. Andami-dami ko nang nilagyan nang nilagyan nang nilagyan ng ganun to protect them from tsismis.”
May balak ba siyang mag-reach out kay Ahron?
“Bakit ako magre-reach out sa kanya? Siya ang may kasalanan. Siya ang nagbulgar-bulgar na wala namang katotohanan,” saad ng septuagenarian director.
Ano ang magiging reaksiyon niya sakaling mag-reach out sa kanya si Ahron?
“Baka mamura ko. Gusto mong sumikat? Bakit ako ang ginagamit mo? Wala namang ganoon!”
Paano kung mag-sorry sa kanya si Ahron?
“Hindi ko alam.”
If ever, willing ba siyang makatrabaho muli si Ahron?
“Hindi na ako ang maglalagay ng plaster. Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Direk Joel.
Read: Joel Lamangan, dinepensahan si Coco Martin sa maling paratang
NOEL FERRER
Best Picture sa 7th Sinag Maynila indie filmfest last year ang idinirek ni Joel Lamangan na Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.
Ang bida roon na si Rita Daniela ay itinanghal na best actress.
May chance bang mag-best actress sina Yuki Sonoda at Kelley Day na bida sa All About Her?
“Siyempre sasabihin ko, ‘Yes!’ E, andito ka sa presscon ng All About Her!” sambit ni Direk Joel.
“Andiyan pa ang producer!”
ALL ABOUT HER
Nasa cast din ng All About Her sina Tony Labrusca, Angelica Cervantes, Pancho Magno, Jim Pebanco, Itan Rosales, at Marco Gomez.
“Ang All About Her ay tungkol sa mga beauty contest na napakahilig ng mga Pilipino, di ba? Mga pagandahan, beauty contest,” lahad ng multi-awarded director.
“Ito ay tungkol sa dalawang babae na naghangad maging Miss Global Philippines, na meron palang masamang intensiyon ang isa sa kanila…
“Tinatalakay nito ang problema ng mga pumapasok sa pagandahan, na hindi naman tayo puwede lahat sa ganoong pagandahan.”

Makaka-relate ba sa pelikula ang Pinoy moviegoers na mahilig sa beauty pageant?
“Oo, kasi makakakita sila ng maraming beauty contestants, andoon, mga naka-bathing suit,” saad ni Direk Joel.
“Ipapakita ang maraming nangyayari behind-the-scenes, kung bakit nananalo, kung bakit natatalo. Ganoon.
“Iba ang ending nito — crime pays.”
Ang gala premiere ng All About Her ay sa Marso 23, Lunes ng 5:00 P.M. sa Gateway Cinema 17, Cubao, Quezon City.
Read: James Blanco opens up about estrangement from kids: "Napakasakit."
