GORGY RULA
Nakausap ng PEP Troika ang film producer ng Mentorque Productions na si Bryan Diamante, pagkatapos niyang mag-release ng official statement kaugnay ng sex video ni Ron Angeles na kumalat umpisa Pebrero 28, 2026, Sabado.
Si Ron ay isa sa exclusive talents ng House of Mentorque.

Sabi ni Bryan nang nakapanayam namin sa DZRH noong Biyernes, Marso 20, agad silang kinontak ni Ron nang pumutok ang iskandalo.
“Ang una naming ginawa is lumapit sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
"Ayan, CICC ng pamahalaan natin, which is actually the coordinating council sa lahat ng cybercrime investigation na nangyayari sa bansa,” pahayag ni Bryan.
Read: Ron Angeles, nagsampa ng reklamo kaugnay ng leaked video scandal
INVESTIGATION RESULTS ng Cybercrime Investigation and Coordinating CenteR (CICC)
Kaagad na kumilos ang naturang ahensiya at nagulat daw sila sa initial results ng investigation makalipas ang tatlong linggo.
Ayon kay Bryan, organized crime daw ang pangyayari at ginagawa ito ng isang grupo na ang binibiktima ay ilang aktor at personalidad.
Aniya: “Nagulat ako dun sa mga impormasyong nakuha, because ah, initially, nakita namin na yun pala, itong mga aktor at mga personalidad, they were lured to have this intimate moment with this girl.
“Hindi nila alam na recorded pala."
So far, anim na personalidad ang naglabas ng statement tungkol sa kumalat na sex videos.
Sila ay sina Ron, Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nikko Natividad, Andre Cue, at Nico Locco.
Pero ang nadiskubre ng CICC, iilan lang daw itong mga lumabas, pero marami pa raw ang hindi kumalat.
Karamihan din ay kuha raw years ago, habang ang iba ay kailan lang nangyari.
PAANO IN-APPROACH SI RON ANGELES?
At ang may kagagawan ay hindi lang iisang babae. May iba pang involved para matuloy ang pambibiktima sa ilang kalalakihan.
Bulalas ni Bryan: “Nung nalaman namin at may solid evidence kami, hindi lang yung mga babae yung mga perpetrators.
“Actually, may mga lalaki na parang sila yung tumatayong tagakumbinse para makipag-meet up yung mga personalities dito sa mga babae.
“Hindi lang itong mga babae yung nagwo-work. Meron silang mga lalaki na nangungumbinse na parang kabarkada na parte sila nung organized crime, no?
"Sila yung nakikipag-usap na, ‘Uy, may chicks dito,’ parang ganyan.”
Kagaya nung sa kaso ni Ron, kinaibigan daw siya ng mga lalaking ito at ipinakilala sa babaeng nakasama doon sa video.
“Hindi naman sobrang matalik, naging acquainted. Alam mo naman iyang mga ganyan, na naging barka-barkada na nakilala ng ganito.
“Ron gave his trust to that person, ang ending, ganun pala yung magiging kalagayan.
“At saka ito, talagang sinasabi ko sa inyo, whatever you saw, yung mga lumalabas na video, I think that’s not just the video, mas marami pa,” sabi pa ni Bryan.

NOEL FERRER
MAGKANO ANG ORIGINAL PRICE NG SEX VIDEOS?
Itong nangyari kay Ron ay mga dalawang taon na raw ang nakaraan, at sa tingin ni Bryan Diamante ay matagal na itong binebenta online.
Magaling daw silang magtrabaho, at nakikipagtransaksiyon sila sa mga interesadong bilhin ang mga video nang napakamahal.
“Grabe! I think they’re selling the videos last year pa ito, sa Telegram, twenty thousand to thirty thousand per video.
“And we found out na talagang intelihente ang pagkabuo, at hindi lang iilan ang talagang… organized crime talaga siya,” saad ni Bryan.
Mukhang expert daw ang gumagawa nito para hindi sila kaagad ma-trace.
“Actually, yung mga nakikita niyo sa X, parang second-hand lang iyan.
“Originally, dun binebenta sa telegram, twenty to thirty thousand. And then the accounts were actually opened abroad.
'“The bank accounts were opened abroad. So mahirap i-trace,” sambit ni Bryan.
“Matalino yung pagkagawa, e. Most of the mga kasama, mga Pinoy. Pero naintindihan how this works para mas mahirap silang makilanlan initially.
“Talagang yung mga bangko, kunwari magbabayad ka. Ikaw, gusto mong mapanood yung video, magbabayad ka.
"Ang mangyayari, CIMB account yung ginagawa. Which is ang CIMB, wala, wala, personal opening ng account iyan sa ibang bansa —particularly sa Singapore,” pagsisiwalat ni Bryan.
Kaagad namang na-take down ng CICC ang ilang videos, pati yung kay Ron Angeles.
Pero kumalat na ito dahil sa pagpapasa-pasa ng mga nakapanood.
“Ngayon lang talaga kumalat talaga siya. It was not known for how many years. Mga dalawang taon na ito nakalipas.
“They’ve been selling it for a long time.
“Yung dati, nung binebenta ng twenty to thirty thousand sa Telegram. Nung nag-leak siya, puwede mo nang mabili ng 50 pesos to 100.
“The crime is still continuing until now. Ang nangyayari ngayon, privately, they’re selling it. And we want to put a stop on it also,” saad ng film producer ng Mentorque.
Kaya nakiusap siya sa lahat na sana, huwag nang ipagpatuloy ang pagkalat nito.
“And panawagan namin sa mga kababayan na sana, be responsible also on social media.
“Alam niyo, may pamilya din kayo. May kakilala din kayo. Hindi biro yung pinagdadaanan ng mga personalidad na ito.
"And there are more than sa kuwenta namin, mas marami pang hindi lumalabas dun sa lumabas na video ngayon,” sabi ni Bryan.
Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno
JERRY OLEA
BRYAN DIAMANTE encourages OTHER VICTIMS to file complaints
Nag-file na ng complaint si Ron Angeles sa tulong ng CICC.
Nakikiusap silang lumabas na rin sana ang iba pang nabiktima at sumama sila sa pagsampa ng reklamo para mas bumigat ang kaso ng mga taong may kagagawan nito.
“Initially po, CICC is helping us out,” pakli ni Bryan Diamante. “Anti-Voyeurism [ang kaso], but, of course, kami again, that’s why we’re really calling those other victims… Anti-Voyeurism will not just… hindi iyan magiging enough.
“We wanted na talagang lahat ng mga nandito, makasuhan at pinakamabigat talaga na ano ng batas na puwedeng ipataw, lalo na pag marami sila. Kasama sila to file a case.”
Meron na rin daw nakipag-ugnayan sa kanila, dahil ang ibang nasa video ay kakilala rin daw niya. Willing daw silang makipagtulungan.
“After namin na-post today, marami din ulit ang tumawag, marami din ang nakikipagtulungan ngayon. And we wanted them to be ano talaga, to be put to justice.
“Kami, willing din kami to help others with the same situation as Ron.
“Because, una muna, marami rin akong kilala bukod kay Ron. May mga iba na, actually, lumapit din.
“Gusto lang talaga namin na pabigatin pa yung kaso, dahil maraming naging biktima. And we want this to stop also, e!” bulalas ni Bryan.
Makikipag-ugnayan din daw sila sa Film Academy of the Philippines (FAP) para mahikayat ang mga aktor na nabiktima na sumama sa kanilang magsampa ng reklamo laban sa mga gumawa nito.
“Kasi yung iba, wala lang talaga akong connect din sa ibang managers saka sa ibang mga talent.
“But it doesn’t mean na kailangan to speak publicly… lalo na, I think marami din yung natakot.
"Because yung iba na hindi pa lumalabas, they haven’t even seen their videos.
“Pero siyempre familiar, they had this incident with this girl and in the same place. Hindi lang nga lumalabas yung sa kanila,” sambit ni Bryan.
Dapat daw talagang mapanagutan ito, kahit sinasabi ng iba na mga lalaki naman daw ang biktima.
Sabi ni Bryan Diamante: “Kasi kapag hindi mo mabigyan ng leksiyon, di ba, ang iba [ay] sinasabi lagi, 'Lalaki lang iyan okay lang, palagpasin na lang, okay lang iyan.'
“Ang mangyayari lang diyan, there will be more. Okay lang sana kung malakas ang loob.
“Yung iba, iba yung pinagdaanan ng pamilya, and the humiliation.
"This is technically abuse.
“Saka sa abuso naman, [it] knows no gender. Ang abuso, hindi lang babae, hindi lang bata… Ngayon, pagdating dito, I think sa pamahalaan din siguro, because massive.
“Ang sabi ko, it’s an organized crime,” tugon ni Bryan.
Ang CICC ang siyang humahawak ng mga reklamo sa online fraud, phishing, at iba pang cybercrimes.
Sa mga biktima sa sex video, tumawag lang daw sa hotline 1326.
Ang pagkuha, pagpapakalat, pangongopya, at pagre-reproduce ng sex videos nang walang consent ng mga taong involved ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Ang parusa sa violation ng batas na ito ay pagkakakulong mula tatlo hanggang pitong taon at multang nagkakahalaga ng PHP100,000 to PHP500,000.
