Naputol na nga bang talaga ang ugnayan ng negosyanteng si Matthew Lhuillier at artistang si Chie Filomeno?
Usap-usapan ng netizens ngayon sa social media ang muling paglitaw sa Instagram feed ni Matthew ng mga larawan ng ex-girlfriend niyang si Jolie Jurkovich.
May mga nakapansing tila in-unarchive ng binata ang mga old posts niya with Jolie matapos kumalat ang balitang naghiwalay na sila ni Chie.

Ilang netizens ang nag-point out na noong September 2025, sa kalagitnaan ng mga usaping may relasyon sina Matthew at Chie, hindi raw makikita sa feed ng una ang mga larawan nila ni Jolie dahil diumano'y itinago niya ang mga ito.
Read: Chie Filomeno spotted with rumored boyfriend Matthew Lhuillier
SOFIA ANDRES's CRYPTIC POST ABOUT chie-matthew BREAKUP?
Mas lalo pang uminit ang usapan dahil sa umano'y pahaging ni Sofia Andres sa TikTok noong March 12, 2026.
Kasunod ito ng pagkalat ng brteakup rumors kahit hindi pa naman umamin publicly sina Chie at Matthew, na kabilang sa isa sa pinakamayamang angkan sa Cebu,
Nag-upload si Sofia ng bagong trend mula kay
Ang maikli ngunit makahulugang caption niya: "Oh u know"
Sa comments section, bumuhos ang suspetsa ng netizens na tila patama raw ito ni Sofia kay Chie.
Tanong ng isang netizen, "ano pong meron hindi ko gets????"
Sagot ng ilan, hiwalay na raw kasi sina Chie at Matthew.
Napansin din ng netizens na bumalik na sa pagpu-post ng sexy pictures si Chie na ilang buwang hindi niya ginawa matapos maugnay ang pangalan niya kay Matthew.
Read: Did Sofia Andres react to Chie-Matthew rumored breakup?
Dating malapit na magkaibigan sina Sofia at Chie.
Ngunit nakumpirmang may iringan sila noong October 2025, nang sinabi ni Chie na blocked si Sofia sa kanyang Instagram account.
Noong buwan ding iyon inamin ni Jake Cuenca na break na sila ni Chie. Although may mga nagsabing September pa raw sila naghiwalay.
Noong buwan ding iyon nagsimulang maugnay si Chie kay Matthew, na pinsan ni Daniel Miranda, ang long-time partner ni Sofia at ama ng kanyang anak.
Mula noon, nagpatutsadahan na ng cryptic posts sa Instagram ang dalawang aktres.
Read: Chie Filomeno accuses "Sofia" of malicious smear campaign
