GORGY RULA
Isa ako sa naintriga sa ipinost sa Instagram ng senior vice president ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes, kung saan ka-meeting niya ang dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Halos iisa ang tanong ng karamihan: may niluluto bang show ba pagsasamahan ng dalawa?
Matagal na kasing hindi nagkaka-show si John Lloyd at kung anu-ano ang naririnig nating kuwento na gagawin daw nitong show o baka magkapelikula. Pero wala pa rin siyang nasimulan.
Kasama nila sa meeting si Tracy Garcia ng Sparkle at nandoon din ang iba pang hindi namin kilala.
Ang nakilala namin na kasama sa meeting ay si Mikki Gonzales, na sa pagkakaalam namin ay nasa Crown Artist Management ni Maja Salvador, na siyang nagma-manage dati kay Lloydie.
Nasa caption ng IG post ni Ma’am Annette: “Ending the work week with exciting conversations.”
View this post on Instagram
Noong Biyernes, April 17, 2026, naganap ang meeting at ngayong Sabado ito ipinost ni Ma’am Annette.
Tinanong ng PEP Troika si Ma'am Annette kung may pinag-uusapan ba silang project na pagsasamahan ng mga magulang ni Elias.
“Exploring pa lang hehe,” text niya sa PEP Troika.
Mula nung nagkahiwalay sina Ellen at Derek Ramsay, very visible si Ellen sa social media.
Kung hindi siya lumalabas kasama ang mga kaibigan, may endorsements siya at mukhang handa na siyang magtrabaho.
Read: John Lloyd Cruz, Ellen Adarna seen with GMA executives, sparking project rumors
JERRY OLEA
Naudlot ang pagbabalik-acting ng estranged husband ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay, dahil hindi na natuloy ang The Kingdom: Magkabilang Mundo sa TV5.
Sabi ng ilang taong malapit kay Derek, wala pa raw sa plano nitong tumanggap ng ibang offers.
Ang huling ipinost ni Detek sa social media na nakita namin ay pinapapintura niya ng pambatang artworks habang naglalaro si Lily.
Kuwarto kaya ng bagets yun?
Base sa mga ipino-post ni Derek sa social media, mukhang madalas na kasama ni Derek ang anak nila ni Ellen.
Meron ding ipinost si Derek na ibinalita ng isang news site na ang title ay “The Scandalous Breakup of Derek Ramsay and Ellen Adarna: Why Philippine Courts Can’t Seize P700 Million?”
Sabi ni Derek tungkol dito: “Fake news!!!”

NOEL FERRER
Oo naman, wala namang katotohanan yang ganyang balita.
Ano kaya ang next career moves nina John Lloyd, Ellen at Derek?
Abangan!!!
