PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, nawawala ang stress kapag nasa farmhouse sa Mindoro

Ejay Falcon, pulis na naman ang role sa Blood vs. Duty.
by PEP Troika
Published 3 hours ago
ejay falcin blood vs duty
Ejay Falcon: “Iba talaga ang pakiramdam ng buhay probinsya, mas payapa at mas grounded ka. Kapag nasa farmhouse ako, parang nawawala muna yung pagiging artista ko. Nagiging normal lang, walang pressure, walang arte, just enjoying the simple life.”
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Sa gitna ng sunud-sunod na taping schedule ni Ejay Falcon sa Blood vs. Duty, nagagawa raw niyang isingit ang panahon para sa kanyang asawang si Jana Roxas.

Noon pa man ay natatanong na namin kay Ejay kung kailan nila balak magka-baby.

Aniya, hinihintay lang nila kung kailan sila bibiyayaan ng Panginoon.

Pero sabi rin ni Ejay, kahit sunud-sunod ang taping niya, dapat meron siyang time para sa kanyang misis.

“Aminado ako, challenging talaga kapag sunud-sunod ang trabaho.

“Pero sinisigurado na kahit paano, may oras kami, kahit simpleng bonding lang.

“Importante ang communication at effort, kasi kahit busy, dapat hindi napapabayaan ang pamilya,” message ni Ejay sa PEP Troika nang naka-chat namin sa Messenger.

View this post on Instagram

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)

EJAY FALCON'S FARMHOUSE IN MINDORO

Kapag inuuwian ni Ejay ang asawa niya sa probinsiya nila sa Oriental Mindoro, doon daw siya nakaka-relax nang husto at doon niya nararamdamang hindi siya artista.

Nag-e-enjoy raw siya sa mga inaalagaan niyang hayop na mga manok, tortoise, parrots, tupa, kambing, kabayo, pato at mga aso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron din daw siyang fish pond doon na nakakapamingwit siya ng tilapia.

“Simple lang po kasi talaga ang buhay doon. Mahilig ako sa animals, kaya malaking bagay sa akin yung mga ganitong moments.

“Nakakawala siya ng stress, lalo na kapag tahimik at malayo sa ingay ng city,” text ni Ejay sa PEP Troika.

Read: Sue Prado's cause of death revealed by family

ejay falcon farm workers
Ejay Falcon takes a break with his farm workers.
Photo/s: Ejay Falcon
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman daw ganun kalaki ang farm niya sa Oriental Mindoro, pero sapat na raw yun sa mga inaalagaan niyang hayop.

“Hindi naman po sobrang laki. Pero sapat para maalagaan yung mga hayop at ma-enjoy yung paligid.

“Para sa akin, hindi sa laki nasusukat, e. Nasa peace of mind at saya na dala ng simpleng buhay probinsya,” dagdag niyang text.

“Iba talaga ang pakiramdam ng buhay probinsya, mas payapa at mas grounded ka.

“Kapag nasa farmhouse ako, parang nawawala muna yung pagiging artista ko.

“Nagiging normal lang, walang pressure, walang arte, just enjoying the simple life,” sabi pa ni Ejay.

View this post on Instagram

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)

JERRY OLEA

Isang pulis na naman ang ginagampanan ni Ejay Falcon sa teleseryeng Blood vs. Duty.

Bago ito ay napanood siya Roja, kung saan isa rin siyang pulis doon.

“Additional character po ako. Ipinasok po ang role ko bilang si SPO1 Usman Sabdani, isang pulis na Maranao Muslim,” text ni Ejay tungkol sa Blood vs. Duty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit pulis din ang role niya sa Roja, dumaan daw siya sa intensive training sa ilang kapulisan bago siya nagsimulang mag-taping sa Blood vs. Duty.

“Importante talaga yung training, e. Dumaan ako sa basic handling, movement, at choreography para maging believable ang mga eksena.

“Ayoko kasi yung mukhang acting lang. Gusto ko, ramdam ng manonood na totoo,” sey ni Ejay.

Read: PRC explains “Name Withheld” in 2026 Physician Licensure Exam

NOEL FERRER

Akala namin ay guest role itong partisipasyon ni Ejay sa Blood vs. Duty na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Regular daw siya rito at gustung-gusto niya ang kanyang role, pati ang mga nakakatrabaho niya.

“Hindi lang basta guest. Kumbaga, naging tahanan ko na rin itong show.

“Mas kampante na ako sa galaw, sa trabao at sa mga taong kasama ko e,” text pa rin ni Ejay.

Kaya nagpapasalamat siyang ipinagkatiwala ito sa kanya ng ABS-CBN at ng JRB Creative Production, pati sa tatlong direktor nilang sina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saludo rin ako sa creative team, kasi talagang nakakamangha kung paano nila nabubuo at nasusulat nang tama ang timpla ng kuwento,” saad ni Ejay.

Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magpapakasal na

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon: “Iba talaga ang pakiramdam ng buhay probinsya, mas payapa at mas grounded ka. Kapag nasa farmhouse ako, parang nawawala muna yung pagiging artista ko. Nagiging normal lang, walang pressure, walang arte, just enjoying the simple life.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results