JERRY OLEA
May mga konek ang Kapatid primetime series na My Bespren Emman at ang Kapamilya series na Love Is Never Gone.
Ipinalabas ang first episode ng My Bespren Emman noong Abril 27, 2026, Lunes ng 8:45 P.M., sa TV5.
Ang first two episodes ng Love Is Never Gone ay mag-i-streaming sa Mayo 8, Biyernes sa Prime Video — the same day na mag-i-streaming sa Netflix ang first episode ng Kapuso primetime series na The Master Cutter starring Dingdong Dantes.
Bida sa My Bespren Emman si JM de Guzman bilang Mateo de Jesus.
Bidang lalaki sa Love Is Never Gone si Joshua Garcia bilang Mateo “Teo” Crisanto.
Kasama sa My Bespren Emman si Sid Lucero, na ang pangalan ng karakter ay Joshua.
Hindi naman siguro Garcia ang apelyido niyon, di ba?
Isa sa dalawang direktor ng Love Is Never Gone si Emmanuel “Manny” Palo.
Sa My Bespren Emman, ang Emman ay short for Emmanuel (“God with us”), na ginampanan ni Ely Buendia.
Ang isa pang direktor ng Love Is Never Gone ay si Jojo Saguin.
Dalawa rin ang direktor ng My Bespren Emman, sina Jerome Pobocan at Derick Cabrido.
Nasa cast ng My Bespren Emman si Michael de Mesa bilang Gov. Gaspar.
Kasama rin si Michael sa Love Is Never Gone bilang Divino Verona.
Read: DonBelle confirms break from loveteam after Tayo Sa Wakas
KISSING AND ACTION SCENES
Sa first episode ng My Bespren Emman, masuyong naghalikan sina Mateo at Ruth (Shaina Magdayao) sa simbahan nang ikasal sila.
Sa first episode ng Love Is Never Gone, mapusok ang halikan ng topless na si Teo at ng maalindog na si Yana Kassir (Ivana Alawi).
Umaatikabo ang mga aksyon sa Love Is Never Gone, ang unang Filipino series na kinunan sa Morocco.
May action scenes din ang My Bespren Emman.
Magkaiba ng genre ang dalawang palabas.
Ang My Bespren Emman ay inspirational at faith-based.
Ang Love Is Never Gone ay romance-suspense series na may 14 episodes.
Maliban kina JM, Shaina, Sid, Ely at Michael, nasa cast ng My Bespren Emman sina Ai Ai de las Alas, Elyson de Dios, Mitch Valdes, Kit Thompson, Donna Cariaga, at Long Mejia.
Andiyan din sina Yasmyne Jill, Jae Acosta, Daytona Cajucom, TJ Valderrama, Niño Mendoza, Dudz Teraña, Ryrie Sophia Turingan, Iven Lim, Raffy Tejada, Ice Reyes, at Alijah Abalayo.

Aside from Joshua, Ivana and Michael, nasa cast din ng Love Is Never Gone sina Jameson Blake, Jane Oineza, Epy Quizon, at Dina Bonnevie, with the special participation of Ara Mina and Irma Adlawan.
Tampok din dito sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo, at Carlo San Juan.
Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026

NOEL FERRER
Nag-blue carpet premiere ang first episode ng Love Is Never Gone noong Abril 28, Martes sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Bago ang screening, sinabi ni Ivana Alawi na dream project niya ang seryeng ito.
“Grabe talaga ang pagmamahal na binigay namin dito,” sambit ni Ivana.
Singit ni Joshua Garcia, “Saka ang galing mo dito. Ang galing niya dito.”
Sambot ni Ivana, “Hindi! Kasi magaling si Joshua, nahahawa lang ako nang very light.”
Papuri pa ni Ivana, sobrang husay raw sa aksyon si Joshua. Grabe raw.
Sabi naman ni Joshua, mas may action si Ivana sa first episode.
Pahayag ng dalawang direktor na sina Manny Palo at Jojo Saguin, undeniable ang chemistry nina Joshua at Ivana.
Tilian ang audience sa kissing scene ng dalawang bida. Saliw sa eksenang iyon ang "Hindi Mawawala" ni Angeline Quinto.
Pagkatapos ng screening ay nag-mediacon, kung saan si MJ Felipe ang nagbato ng pre-screened questions.
Komento ni Joshua sa first episode: “Ang ganda! Pero kung ano yung napanood niyo, ano pa lang yon, naka-fast cut yon. So, kapag napanood natin yon sa Prime, mas kumpleto.
“Mas ramdam natin yung bawa’t eksena.”
Sabi naman ni Ivana: “Maganda, sobrang ganda. Actually kanina, habang pinapanood ko, sabi ko, ‘Grabe! Parang pelikula.’
“First episode pa lang ng Love Is Never Gone, ang dating niya ay talagang parang movie. Para kang nanood, ganoon siya kapuno. It’s full of action.
“Andami! Andaming mapapanood. Para siyang… di ba?”
Sambot ni Joshua, “Ang ganda nung umpisa namin, nung opening scene. Pasabog yon.”
Hirit ni Ivana, “Hindi kami makahinga. Tapos yung ihi ko, pinigilan ko from start to end. Kasi ayokong umalis.”
Read: Pageant kings Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score
JOSHUA-IVANA KISSING SCENE
Makapigil-hininga yung kissing scene nila, ha?
“Ayun na nga,” pakli ni Joshua. “Grabe!” bulalas ni Ivana.
“Nakita niyo yung bibig niya, di ba? Yun ang sinasabi ko.”
From 1 to 10, ang rating ni Ivana sa halik ni Joshua ay, “Ten! Kasi nakita nyo, di ba? Siya yung talagang grabe! Talagang ganun na lang ako… ang laki ng bibig niya!
“Bakit, tumatawa ka? Totoo naman, e,” sabi ni Ivana sa leading man, bago nagpatuloy, “Tapos sabi ko, huy! Grabe kang sumipsip! Yung lipstick ko, nawawala…
“Tapos ayun, OK naman. Magaling, magaling siya.”
Ang rating ni Joshua kay Ivana sa kissing scene nila sa first episode ay 9.
“May room for improvement,” sey ni Joshua.
Naintindihan iyon ni Ivana.
Aniya, “Ay! O, sige, sige, sige! Di ba, Direk [Manny Palo], may isa pa? OK, OK, kasi hindi ko nabuksan yung bibig ko nang ganun, e. Na-gets ko naman!”
GORGY RULA
Sa 14-episode Love Is Never Gone, si Teo Crisanto (Joshua Garcia) ay isang mekaniko at breadwinner na lumipad sa Morocco para maging OFW.
Ninakaw ni Yana Kassir (Ivana Alawi) ang pitaka at passport ni Teo. Nagtagpo muli ang kanilang landas.
Napag-alaman ni Teo na tinutustusan ni Yana ang pagpapagamot sa inang si Nadia (Irma Adlawan) na merong kanser.
Magkakamabutihan sina Teo at Yana.
Aakalain ni Teo na pinagtaksilan siya ni Yana kaya siya nakulong.
Makalipas ang ilang taon at sa pag-uwi ni Teo sa Maynila, muli niyang makikita si Yana.
Iba na ang katauhan ni Yana… siya na si Gem Verona, na asawa ni Ace Verona (Jameson Blake).
Parents ni Ace sina Divino (Michael de Mesa) at Katarina (Dina Bonnevie).
Sister ni Ace si Raya (Fyang Smith).
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date
IVANA AND JAMESON INTIMATE SCENE
May intimate scene din sina Ivana at Jameson, na ipinakita sa teaser.
Sabi ni Joshua, “Paldo!”
Nagkatrabaho na before sina Jameson at Ivana.
Pagsisiwalat ni Jameson sa dynamics nila ni Ivana sa Love Is Never Gone, “It’s very different this time. Kasi the first time we were together, we were playing as somehow… siblings, something like that.
“Friends, siblings. Pero this time, we’re playing as lovers. So ayun, it was a challenge.
“Kasi, we look at each other as friends pero ahhmm pagdating sa lovers, it was a bit of a challenge nung una. So we had to break the ice.”
