JERRY OLEA
Naghuhumiyaw ang Facebook post ni Direk Sigrid Polon ngayong Mayo 6, 2026, Miyerkules ng madaling-araw, kaugnay sa isang online scammer.
Ani Direk Sigrid: “AKO ANG BUNOT TODAY!!!!
“HINDI PO AKO CASTING DIRECTOR. HINDI AKO GUMAGAMIT NG TELEGRAM. HINDI AKO NAGPAPASAYAW NG HUBO’T HUBAD SA ZOOM KASAMA KUNG SINOMANG YANG DIREK MARK NA YAN. DINAMAY PA KO SA KALIBUGAN NIYA TALAGA NGA NAMAN.
“SORRY NOW LANG TO NANGYARI KAYA MEDYO UNORGANIZED BUT THESE ARE THE CONVO OF THE SCAMMER NA NANGHIHINGI NG NUDE AUDITION VIDEO SA TELEGRAM.
“Posting for awareness.”
Pinost ni Direk Sigrid ang screenshots kung saan ginamit ng poser/scammer ang pangalan niya na nagpapa-audition para sa international film kuno na kukunan sa Hong Kong, at eme-emeng kasama sina Sid Lucero, Ivana Alawi, at Kyle Echarri.
Read: Karmina Constantino reveals aneurysm ordeal, runaway bride past
DIREK SIGRID'S SEEKS NBI'S HELP
Nakachika ng poser/scammer ang VMX actor na si Victor “VR” Relosa.
Comment ni VR sa FB post ni Direk Sigri: “HAHAHAHAHAHA di mo man lang tinakpan pangalan ko direk! Hahahaha feeling big star nga ko ehhh”
Kabilang sa VMX movies directed by Sigrid Polon ang Hibang, Teacher’s Pet, Pihit, Kulong, Kabitan, Undergrads, Mayumi, at Sorority. Sa Star SineMax, dinirel niya ang Sariwa at Hayok.
Mukhang dumulog sa NBI si Direk Sigrid base sa follow-up post niya sa Facebook.
Aniya: “Wag niyo ko ginagalit, pumapatol ako. Scorpio ako…
“Thank you to our NBI Director Atty. Melvin Matibag for accomodating me po sa kabila ng busy sched.
“Gaya nga sabi ni Liam Neeson— ‘I will look for you, I will find you, and I will ….. basta.’”
GORGY RULA
Nito rin lang Miyerkules ng madaling-araw minessage ng poser/scammer si Victor Relosa o VR at pinapa-audition sa Zoom na walang saplot.
First time daw siyang nasabihan ng ganoon.
Ani VR: “Kahit mga sexy films never po ako pinaghubad sa audition kaya red flag agad.
“Pero umpisa pa lang po, alam ko na. Kasi, alam ko paano magsalita si Direk and yung approach niya sa akin is malayo kung paano ko nakilala si Direk.
“Kaya nag-message agad ako sa FB niya to confirm.”
Kasama si VR sa cast ng VMX movie na Check-In na nag-streaming noong Mayo 1, 2026, Biyernes; ganoon din sa Palitan 2 na nakatakdang mag-streaming sa Mayo 29.
Read: Cita Astals regrets telling public about mental health disorder
NOEL FERRER
Nagamit din recently ng poser/scammer ang mga direktor na sina Joel Lamangan, Mark Reyes, at Jose Javier Reyes kaugnay sa online audition na pinaghuhubad ang aplikante.
Isiniwalat nga ni Direk Joey na merong babaeng kumpirmadong nabiktima, kaya nagpaalala siyang huwag basta-basta maniwala sa mga ganyang audition.
Naku, kung legit, hindi ipinagagawa ang mga ganyan.
Ang Film Academy of the Philippines (FAP) ang tamang dulugan ng mga ganitong complaints ng mapang-abusong auditions.
Sa teatro ngayon, pinag-uusapan din ang sexual harrassment.
Pero para hindi lang level ng hearsay ang lahat, dapat may maghain ng complaint at dumaan sa tamang proseso — para hindi tsismis lang, di ba?
Read: FDCP Chair Joey Reyes, FAP nagbabala laban sa scam auditions
