PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea-Vincent wedding faces delays amid prenup, family issues

Sources claim Bea’s GMA-7 series temporarily halted taping amid controversy.
by PEP Troika
Published Just now
bea alonzo vincent co wedding
Rumors continue to swirl around the reported wedding of actress Bea Alonzo and businessman Vincent Co after sources claim their marriage plans have become “on and off” due to disagreements involving a prenuptial agreement and family expectations.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Halos iisa ang reaksiyon ng mga taga-showbiz nang nabalitaan ang latest na kuwento tungkol sa kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co.

Ibinalita ito sa pamamagitan ng isang blind item kahit obvious na obvious namang silang dalawa ang tinutukoy.

Sa ulat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay direktang pinangalanan sina Bea at Vincent, at kinumpirmang "on and off" ang pagpapakasal nila dahil sa isyu sa prenup agreement.

Kung totoo man ito, awa sa aktres ang nararamdaman ng karamihan sa local showbiz.

Ito kaya ang dahilan kaya nag-stop taping na naman daw ang drama series ni Bea sa GMA-7 na Whispers From Heaven?

Ang latest naming nabalitaan, ikinagulat daw ng production staff dahil itinigil na naman ang taping na walang sinabing dahilan.

Wala pa raw makapagsabi kung kailan sila babalik.

Sana, matapos na itong pinagdadaanan ni Bea sa kanyang buhay pag-ibig.

Hangad namin ang lubos na kasiyahan kapag matuloy na talaga ang kasal kahit simple lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WHAT PEP KNOWS Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

NOEL FERRER

Kinansela ng magdyowang malapit kay Bea Alonzo ang flight nila pa-Spain ngayong Mayo.

Ang sinabing dahilan, nahirapang maglakad si Misis dahil sa nangyari sa kanyang tuhod.

Ang isang box-office superstar na malapit din kay Bea, hindi na rin tuloy ang lipad pa-Spain.

Kaya pumuwede nang mag-guest ang box-office superstar sa forthcoming concert ng isang sikat na singer.

JERRY OLEA

Ibinulong ng insider na source ng PEP Troika, usap-usapan na rin daw sa Filipino-Chinesse community itong isyu ni Bea Alonzo sa pamilya ni Vincent Co.

Sa simula pa lang ay hindi na raw talaga pabor ang parents ni Vincent sa relasyon ng dalawa.

Nagkasundo na raw sana sa prenup agreement, pero biglang may ipinadagdag umano ang ina ni Vincent na clause sa contract.

Hindi alam kung ano yung ipinadagdag, pero tumanggi raw si Bea pumirma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakasaad pa raw sa pinapipirmahang prenup na titira sila sa bahay ng magulang ni Vincent. Magkakasama silang lahat.

Ayaw raw ni Bea.

Gusto raw niyang nakabukod silang mag-asawa. Kasi, nakabukod naman daw sa sariling condo si Vincent.

Pero sabi ng ilang Filipino-Chinese, ganun daw talaga sa kanila. Gusto ng magulang na magkakasama silang lahat kahit may kanya-kanya nang pamilya.

Hay, naku… kaugnay sa ViBe [Vincent-Bea] wedding at sa taping ng teleseryeng Whispers from Heaven, napaawit ako ng chorus ng 2006 hit song ni Asia’s Songbird:

Urong sulong ka

Bakit ka ganyan

Urong sulong ka

Urong sulong ka

Bakit ka ganyan

Urong sulong ka

Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co's wedding date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumors continue to swirl around the reported wedding of actress Bea Alonzo and businessman Vincent Co after sources claim their marriage plans have become “on and off” due to disagreements involving a prenuptial agreement and family expectations.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results