GORGY RULA
Inasahan ang pagdalo ni Mr. Vincent Co sa Puregold Sari-Sari Store Convention 2026, na ginanap sa World Trade Center noong Mayo 14, 2026, Huwebes, at matatapos bukas, Mayo 16, Sabado.
Pero may mga nagdudang baka wala siya at umalis na ng bansa.
Kaya the past few days, may ilang vloggers na tumambay sa airport at nagbakasakaling makuhanan ang tycoon sakali mang lumipad ito.
Ang date kasi ng convention ay sumakto sa napabalitang wedding day nila ng aktres na si Bea Alonzo sa Spain.
Sa kabila ng mga ispekulasyon, marami pa rin ang umasang matutuloy ito.
VINCENT CO SHOWS UP AT THE PUREGOLD EVENT
Pero yun nga, dumating si Mr. Vincent Co sa event.
Kasama niya ang kanyang ama na si Lucio Co.
At kahit pa nasa event din ang Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo, tila mas na-curious ang ilang tao sa pagsulpot ng fiance ni Bea.
Marami ang pumik-ap sa ipinost ni Mr. Caesar Vallejos, president ng Net 25.
Nagpalitrato siya sa mag-amang Lucio at Vincent.
Ipinost ni Ka Caesar sa kanyang Facebook account ang mga kuha niya sa naturang event at nagpasalamat siya sa mag-ama dahil pumayag silang i-feature ang convention sa kanyang programang Open For Business.
Bahagi ng FB post ni Ka Caesar: “I am so grateful to Vincent and the family patriarch for allowing us to feature the massive impact and potential of the sari-sari store market at the Puregold Sari-Sari Store Convention 2026.”
Nagpadala ako ng mensahe kay Ka Caesar para tanungin kung na-interview ba niya si Vincent, pero wala pa akong natatanggap na sagot.
Pero ayon sa ilang nandoon, umiwas daw si Vincent sa mga gustong mag-interview.
At dahil dito, nasagot ang mga katanungan tungkol sa paglipad niya sa Spain.
Sa mga umaasang matutuloy ang kasal ng kanilang iniidolo, umasa rin kaya silang bibiyahe ang groom-to-be for about 23 hours at makakarating sa Andalusia, southern region ng bansa, sa Mayo 16?
Mamo-move lang kaya ang date o wala na talaga?
May nagkuwento rin kasi sa PEP Troika na ang ibang close friends daw ni Vincent na nauna nang pumuntang Spain ay nag-uwian na rito.
So, in-assume nilang wala nang mangyayaring kasal.
JERRY OLEA
LATEST RUMOR ABOUT PRENUPTIAL AGREEMENT
Nasa Spain naman ang pamilya ni Bea Alonzo, at kahit si Dimples Romana ay nandoon pa rin.
Tila ine-enjoy ng Kapamilya actress ang pagbabakasyon sa Europe.
Pero malay natin, baka may twist at magulat na lang tayo, tuloy na pala ang kasal.
May bagong anggulo tungkol sa usaping prenuptial agreement.
Kaya lang, haka-haka lang ito until kumpirmahin either ni Bea o ni Vincent.
Mala-teleserye ang kuwento sa isyu ng prenup agreement, na ewan kung lalabas at mabubunyag ang buong katotohanan.
Basta ang latest na narinig namin, matutuloy na raw sana ang pirmahan ng prenup agreement.
Pero nung may pinadagdag daw ang mga magulang ni Vincent, meron ding counter-response ang kampo ni Bea.
Hindi raw nagustuhan ng mga magulang ni Vincent ang idinagdag o binago o tinanggal sa prenup.
Hanggang sa nag-decide na huwag na raw ituloy ang kasal.
Pero ang mga ito ay mananatiling ispekulasyon unless bibigyang-linaw ng dalawang kampo.
Simula pa kasi noong lumabas ang balitang ikakasal sina Bea at Vincent, ang daming lumabas na aakalain nating sure na sure ang mga sources.
May nagsabing ikinasal na sila.
May mga nagsabing hindi nagustuhan ni Bea ang nilalaman ng prenup, at napakarami pang naglabasang stipulations.
Kaya kahit sabihin ng PEP Troika source ngayon na sure siya, mas mabuting manggaling na lang sa kampo mismo nina Vincent at Bea.
At kahit ano pa ang maglalabasang kuwento, iisa lang ang hangad namin: Sana ay matuloy ang kasalang ViBe (Vincent-Bea).
NOEL FERRER
And the saga continues.
Oo nga raw, maraming kaibigan si Bea Alonzo na itinuloy na rin ang trip sa Spain at nagbakasyon.
Either hassle mag-rebook or mag-refund at naka-sked naman na.
So, bakasyon na lang talaga. Kung matuloy man ang kasal, kung may plot twist man, sana maayos at masaya ang takbo ng lahat-lahat!
All the best, Classmate Bea!!!
Read: Shirley Kuan, Alan German dragged into Bea-Vincent wedding issue
