GORGY RULA
Isa sa ipinakilala sa nakaraang media conference ng Viva One series na Dating Alys Perez si Ashley Diaz, ang 22-year-old daughter ng aktor na si Joko Diaz.
Maganda at sexy si Ashley.
Nakikita mong matalino rin siya base sa pagsagot sa mga tanong. Nag-graduate siyang cum laude sa De La Salle University.
Mala-Andrea Torres ang ganda ni Ashley, at yun daw talaga ang madalas na sinasabi sa kanya.
May mga nagsasabi rin sa kanyang sumali sa beauty pageant, pero mas gusto raw niyang mag-focus sa pag-arte.
Pero may dream din ba siyang maging beauty queen?
“Meron na pong nag-i-invite sa akin na mag-beauty pageant. Hindi ko po isinasara yung pinto ko.
“Pero for now, hangga’t meron po akong opportunity sa showbiz, gusto ko po muna i-pursue yung acting career ko,” sabi ni Ashley.
ASHLEY DIAZ ON HER LOLO PAQUITO'S LEGACY
Pero ang gusto raw talaga ni Ashley ay sundan ang legacy na iniwan ng kanyang lolo na si Paquito Diaz at minana rin ng kanyang amang si Joko.
Sa mediacon noong Huwebes, Mayo 28, nagbigay-pugay si Ashley sa namayapa niyang Lolo Paquito na kaarawan pala nung araw na yun.
Mensahe ni Ashley: “More than anything, I wanna honor my lolo today. Kasi it’s his birthday today. It’s Paquito Diaz’s birthday today.
“And I just wanna thank him. Kasi, my Dad, my Tita, wouldn’t be here in showbiz showcasing our talent if he didn’t pave the way.
“So, happy birthday, Lolo, and I hope you’re happy there.”
Ang "Tita" na tinutukoy ni Ashley ay ang aktres na si Cheska Diaz.
Hindi man sila ganun kadalas nagkikita noong bata pa siya, pero marami pa rin daw siyang alaala sa kanyang Lolo Paquito.
“He died when I was 7. At that time, he was staying in Bicol. And I was staying in Batangas,” pagbabalik-tanaw ni Ashley.
ASHLEY DIAZ EYES KONTRABIDA ROLES
Ngayong pinasok na niya ang pag-aartista, gusto raw talaga ni Ashley maging kontrabida sa projects na gagawin niya.
Saad niya, “Gusto kong maging kontrabida kasi yun yung legacy ng lolo ko, ng tatay ko. Kaya gusto ko sanang ipagpatuloy.”
Dream daw talaga niyang makaganap ng role na mala-Eula Valdes.
“Pangarap ko talagang maging kontrabida. Gusto ko to be known as a kontrabida.
“Kaya, any project will do, kasi alam ko naman na as much as I accept this project, lumalaki yung variations ng acting ko.
“So, ayun. Pero if you’re gonna ask me kung ano yung dream ko talaga, kaya ko basta kontrabida ako,” sabi ni Ashley.
Read: Anak ng mga artista, inilunsad ng Viva bilang Next Gen Stars
JERRY OLEA
Handa raw si Ashley Diaz sa mga intrigang haharapin niya, dahil bahagi ito ng buhay-artista.
Isa sa posibleng maungkat ay ang tungkol sa kapatid niya sa actress-politician na si Angelu de Leon, na nakarelasyon noon ng ama ni Ashley na si Joko.
Hindi naman daw isyu ito para sa baguhang aktres.
“I’m very much okay if you’re pertaining to Ate Nicole,” bulalas ni Ashley.
Kahit kay Angelu ay okay raw sila.
“Tita Angelu… I’ve worked with Tita Angelu, and very okay po kami. And si Ate Nicole, we’re okay naman po.
"And si Tita Angelu, kapag nakakasama ko siya sa work, ganun, okay naman po kami. Very civil po.
“I wouldn’t say super close po kasi we live far po kasi, e. Pero we keep in touch with them,” sambit ni Ashley.
Ito ang kinalakihan niya kaya hindi na raw ito isyu sa kanilang mag-ama. Noong bata pa siya ay naipaliwanag na raw ito sa kanya.
“I never asked naman po bakit ganun. Kasi bata pa lang po ako, he explained to me the situation na, and that’s enough for me.
“Pagtanda ko naman po, na-figure out ko na rin. Kasi, I’m very close with my dad.
"So, as much siguro sa ibang question na bakit ganun, for me, there’s no question. Very malinaw po sa akin,” sabi pa ni Ashley.
Read: Jinggoy Estrada detained in Payatas jail after arrest for plunder case
NOEL FERRER
Open ba siya sa pagpapa-sexy sa susunod na gagawin niya sa Viva?
“I took Dating Alys Perez, me as Fiere Sandoval, ito na yung I would say na pinaka-daring ko as of now.
“Pero if meron pang hihigit dun, siguro kailangan ko pang mag-prepare nang bongga,” napangiti niyang sagot sa amin.
Natawa si Ashley nang sinabi namin sa kanya na kahit ang ama niya ay nagawa pang magpaka-daring sa ilang VMX movies.
Sabi naman ni Ashley: “Ako, I’m very supportive naman, Kasi naintindihan ko bakit niya ginagawa yun.
“And at the end of the day, sa amin po siya umuuwi. He’s a great father, he’s a great husband to my mom.
“So, hindi ko po siya… I don’t see it negatively. Kasi, at the end of the day, it’s still an actor’s craft.”
Read: '90s action star Joko Diaz, balik sa paggawa ng mapupusok na eksena
