PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Drei Arias reveals reason for coming out as genderfluid pansexual

Drei Arias says showbiz discrimination prompted him to come out.
by PEP Troika
Published 9 hours ago
drei arias reverse card
Actor and Mr. Gay World Philippines 2026 candidate Drei Arias shares how an alleged experience of discrimination in the entertainment industry motivated him to publicly come out as genderfluid pansexual and advocate for LGBTQ+ visibility and acceptance.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Overwhelmed daw ang singer-actor na si Drei Arias sa sashing ceremony ng Mr. Gay World Philippines 2026 - Dawn of Legacy noong Hunyo 4, 2026, Huwebes, sa Rosa Bistro, Parañaque City.

“Sobrang saya ng puso ko!” bulalas ng genderfluid pansexual na si Drei nang makausap ng PEP Troika noong Hunyo 5, Biyernes ng gabi, sa Illumination Studio, Makati City matapos ang performance niya sa one-act play na Reverse Card.

“Kasi sobrang positive ng mga feedback ng mga netizens, mostly po. Kasi hindi naman mawawala, di ba po, yung mga hindi pa tanggap yung mga identity natin.

“Wala pong problema doon. Kaya po tayo nandito, para i-educate sila.”

DREI ARIAS ON BEING GENDERFLUID PANSEXUAL

Matapos ang kanyang reign bilang King of the World Philippines 2025 Model Discovery, dito naman sa Mr. Gay World Philippines 2026 siya magpapakitang-gilas.

Ano ba ang ibig sabihin ng gender identity niyang genderfluid pansexual?

“Iba po yung genderfluid sa pansexual,” paliwanag ni Drei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Genderfluid po is the gender identity; ang pansexual naman po ay yung sexual orientation po nung tao.

“Bilang pansexual po, naa-attract po ako normally sa lahat ng gender, kahit anong gender pa yan, kahit sino pa sila. Naa-attract po ako sa kanila.

“Genderfluid po, there are times na nagigising ako, super-masculine ako. There are times na gumigising naman ako, feeling ko lang medyo feminine or feminine talaga yung aking energy for the day.

“Ganun akong klaseng tao. And I don’t see any problem with it. Kasi hindi ipinaramdam sa akin ng family ko or ng friends ko at lahat ng support system ko na iba siya.”

Ano ang reaksyon ng kanyang pamilya nang sumali siya sa Mr. Gay World Philippines 2026 bilang kinatawan ng Bulacan?

“Oh, they have been so supportive sa akin. Kasi open naman po ako sa family ko ever since,” pagtatapat ni Drei.

“College pa lang po ako, alam na nila yung SOGIE [Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression] ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, me entering the Mr. Gay World pageant and coming out as genderfluid pansexual, iyon yung surprise sa kanila. Nabigla lang sila. Ha! Ha! Ha!”

Read: Drei Arias comes out as genderfluid pansexual during Pride Month

drei arias mr. gay world philippines 2026
Photo/s: Mr. Gay World Philippines Facebook

NOEL FERRER

Sa mga sinalihan niyang timpalak, may pagkakataon ba na nahulog ang loob niya sa kapwa kandidato? Halimbawa, sa King of the World 2025?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Uy! Ha! Ha! Ha! Not a chance. When I do pageants kasi, parang I treat it as a work with the organization,” tugon ni Drei Arias.

“So, ayokong gumawa ng kahit anong way ba or mga actions na baka ma-involve yung pangalan ng organization.

“Kasi alam mo na, di ba, sobrang crucial part ka ng community, tapos magiging ganoon pa ang action mo sa fellow candidates mo?

“Na hindi mo rin naman alam kung ano yung SOGIE nila. Malay mo, maano pa tayo, di ba? Ha! Ha! Ha!

“Malagay pa tayo sa delikadong posisyon, di ba?”

Meron ba siyang karelasyon ngayon?

Natawa muli si Drei, “Ahhh no. Ha! Ha! Ha! Ha! Single tayo, single.”

FIGHTING DISCRIMINATION IN THE INDUSTRY

Pride Month ngayong Hunyo. Ano ang mensahe niya para sa members ng LGBTQIA+ community na nagtatago sa closet, at takot ilantad ang kanilang SOGIE?

“No pressure. You have your own timing. Katulad nung sa akin, antagal ko na sa industriya,” saad ni Drei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon lang ako naging sobrang loud sa sexuality ko. Ever since naman, confident ako sa sexuality ko pero ngayon ko lang na-feel iyong need to be loud about it.

“Kasi feeling ko, kailangan, lalo na sa mga nangyayari sa Pilipinas ngayon.”

Gaano kaimportante sa kanya ang mag-out?

“Importante siya sa mga aktor na katulad ko na nadi-discriminate silently at wala silang magawa,” sabi ni Drei.

“At hindi nila malabanan yung discrimination na yun within the industry. Kasi ang nag-motivate naman talaga sa akin para mag-out, last year na-discriminate po ako sa industry.

“I was supposed to get a project na pang-leading man. Tapos hindi tinanong ng direktor na ito kung magkano yung TF ko at kung gaano ako kagaling bilang aktor.

“Ang ginawa lang nung direktor na yun, ‘E, di ba, bakla yan?!’ Yun lang ang sinabi niya doon sa production.

“Doon, na-hurt ako siyempre. Pero na-realize ko na, you know what, if someone’s gonna use my identity against me, then might as well use it. Pero ako, alam ko sa sarili ko what I can offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And you know, I can be a power na ako mismo, sa akin nanggaling, na ganito yung sexuality ko — hindi para sila ang mag-assume.”

Read: Philippine bet Oliver Eugen Kretz wins Man of the World 2026

GORGY RULA

Sa pagtatanghal ng twinbill na Double Take noong Hunyo 5, Biyernes ng gabi, sa Illumination Studio, 2723 Sabio St. cor. Chino Roces Ave., Makati City (across the road from Lido Cocina Tsina), naunang ipalabas ang dulang Al.Ter na pinangunahan nina Johnrey Rivas bilang Al (Alfonso) at James Ramada bilang Ter (Lester/Terrence).

DREI ARIAS ON PLAYING TWO CHARACTERS

Sa Reverse Card, gumanap si Drei bilang waiter-actor na si John, at ang “baklang kanal” na si Inah Evans bilang scriptwriter na si Marvin.

Nag-frontal nudity sa palabas si Drei, samantalang nag-butt exposure sina Inah at Johnrey. Kumusta ang kissing scene nila ni Inah Evans?

drei arias inah evans reverse card
Drei Arias and Inah Evans
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangiti si Drei, “Inah Evans, naku, malasa! Kakaibang flavor ito sa lahat ng mga naka-partner ko. Iba si Inah Evans, malasa!”

May mga pagtatanghal ang Double Take na ang papel ni Drei ay Ter sa Al.Ter. Nalilito ba siya sa dalawang karakter na salitan niyang ginagampanan?

drei arias double take

“Parang ano po, e, parang responsibilidad mo iyon bilang aktor na hindi ka malilito po,” sambit ni Drei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang direktor ng Double Take twinbill ay si Paul Jake Paule. Prinodyus ito ng KhoLab at Artist Playground, at co-presented ng Panasonic Projector & Display.

Itatanghal ang Double Take for two more weekends, Hunyo 12-14, at 19-21, Biyernes-Linggo ng 8:00 P.M.

May matinee sa Sabado at Linggo ng 3:00 P.M.

Kasama si Drei sa pelikulang Project Baby na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Hunyo 10, Miyerkules.

Sa Hunyo 10 lalabas sa Spotify ang music video niya ng "High," kung saan ipapaliwanag ang kanyang pagiging genderfluid.

“I would not say sobrang daring na ng magiging image ko,” malumanay na pakli ni Drei.

“Basta ang ina-attract ko lang po na energy at ina-attract ko po na mga projects now ay yung nagna-narrate ng mga stories ng LGBT.

“Yung mga nagre-resonate po sa akin.”

Read: Newlywed Pinoy couple in Canada dies after paddleboarding mishap

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and Mr. Gay World Philippines 2026 candidate Drei Arias shares how an alleged experience of discrimination in the entertainment industry motivated him to publicly come out as genderfluid pansexual and advocate for LGBTQ+ visibility and acceptance.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results