JERRY OLEA
Humingi ng tulong sina Kenneth Marcelino at Kenneth Cabungcal via Facebook nitong Hunyo 10, 2026, Miyerkules.
Pahayag ng model at make-up artist na si Kenneth Marcelino (published as is): “Isang malungkot na araw po para po sa aming pamilyang nabiktima ng Lindol noong nakaraang araw.
“Ngayon lang po kami nakakuha ng update ang pamilya namin na taga Gensan dahil po nawalan sila ng kuryente, hindi po okay ang lagay nila doon nasira po yung bahay nila dahil sa malakas na Lindol noong June 08, 2026 Lunes.
“Nais po sana namin lumapit sa inyo para sa kaunting tulong. Si Kenneth po and ako napag isipan namin na ibenta ang brief na nagamit namin sa isang video for Bench nung isang araw.
“Ang makukuha po namin na benta dito ay maidodonate po lola ko and sa family ko po from Gensan.
“Maraming Salamat po sa agad sa tulong ninyo!”
BOTH BRIEFS ARE ONE-TIME USE ONLY
Nag-comment si Kenneth Cabungcal sa nasabing FB post ni Kenneth Marcelino.
Disclaimer ni Cabungcal: “Both briefs are for one-time use only and will be freshly laundered before they reach the winning bidder.”

Read: Kenneth Cabungcal and Kenneth Marcelino reveal their real score
GORGY RULA
Ni-repost ni Kenneth Cabungcal ang nasabing Facebook post ni Kenneth Marcelino.
Sabi pa ni Cabungcal: “Brief for a Cause. A strong earthquake recently struck Mindanao, affecting many families, including Kenneth’s grandmother, whose home was severely damaged.
“Today, we’re turning this brief into something more meaningful. Every bid will help her rebuild her home and recover from this difficult time.
“Bidding starts now. Name your price.”
Si Kenneth Marcelino ay first runner-up sa Mister Cosmopolitan 2025, samantalang si Kenneth Cabungcal ay fourth runner-up sa Mister Supranational 2025.
Ang tandem nilang KenxKen o The Kens ay nagpayanig sa Bench Fashion Summer Week 2026 noong Abril 19 sa SPACE at One Ayala, Makati City.

Read: Nico Locco revisits real-life controversy in VMX’s Scandal Queen
NOEL FERRER
Sa panahon ngayon, gagawin na ang lahat para makatulong lang sa mga kababayan nating nangangailangan.
Weno talaga kung brief auction -- wala talagang basagan ng trip, sasabihin ng iba nating kababayan.
Basta’t walang sinuman ang tinatapakan at pinagsasamantalahan, go go go lang!
Kayo, mga ka-Troika, kaninong brief kayo interesado?
