GORGY RULA
Hindi nagtagal ang isang Sexy Newbie sa isang TV program.
Makalipas ang ilang episode, waley na roon ang kanyang beauty.
Pa-guesting-guesting na lang siya sa ibang TV shows.
Waley na siyang regular appearance.
SEXY NEWBIE'S REGULAR VISITOR
May nasagap kaming kuwento about Sexy Newbie, na galing pala sa isang beauty pageant bago nag-artista.
Kapag nasa taping siya ng TV show, may nakaantabay sa kanya na artista van kung saan lulan ang isang Influential Politician mula sa malayong lalawigan.
Nasa loob lang ng artista van si Influential Politician na naghihintay kay Sexy Newbie hanggang matapos ang taping nito.
May asawa at mga anak itong si Influential Politician, na tila napaka-protective kay Sexy Newbie.
Pero ang ending, naligwak si Sexy Newbie sa TV program kung saan semi-regular na ito.
Read: BLIND ITEM: Foreign star charming on screen, turn-off in person
JERRY OLEA
Ayon sa source ng PEP Troika, naiilang daw ang production staff sa presence ni Influential Politician.
In fairness, tahimik lang si Influential Politician sa loob ng artista van. Hindi siya nakakaabala.
Kaya lang, kapag break ay nandoon si Sexy Newbie sa loob ng artista van kapiling ang Influential Politician.
Awkward daw ang feeling ng mga production staff kapag lalapitan na si Sexy Newbie dahil kailangan na ito sa eksena.
Nagkataon na kailangang mag-cost-cutting ng production.
Kailangang magbawas ng cast members sa TV show.
Ayun, si Sexy Newbie ang unang casualty. Ewan kung dinibdib iyon ni Sexy Newbie.
Kung sabagay, yayamanin si Influential Politician at kayang tustusan ang mga luho at pangangailangan ni Sexy Newbie.
Read: BLIND ITEM: Prized talent, nakipag-meeting sa network executives
NOEL FERRER
Naku, kailangan talaga silang i-blind item para magka-value.
Kasi, hindi ko sila kilaley. Basta, umayos sana sila para makilala sila sa kanilang larangan for the right reasons—at para hindi sila manatiling da hu!!! Yun lang!!!
