PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Moreno moved to tears by Home Along Da Riles: Da Reunion

Alma Moreno: "Nakikita ko si Dolphy kay Vandolph."
by PEP Troika
Published 15 hours ago
akma moreno
Alma Moreno says she was deeply moved by son Vandolph's performance and the film's heartfelt tribute to Dolphy, adding that she still sees many of the Comedy King's qualities in their son.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Umere ang sitcom na Home Along Da Riles ng mahigit sampung taon sa ABS-CBN — mula Disyembre 1992 hanggang Agosto 2003.

Ito ang comeback project ni Comedy King Dolphy sa TV matapos lumaylay ang kanyang career noong 1989 nang maghiwalay sila ni Alma Moreno, at magtanan sila ni Zsa Zsa Padilla.

After ng separation nina Alma at Dolphy, tinapos ni Alma ang shooting ng pelikulang Virginia P. directed by Joey Gosiengfiao.

Ang original title niyon ay Rape of Virginia P. Box-office hit iyon nang ipalabas noong Agosto 1989.

virginia p. poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-star doon ni Alma si Joey Marquez, na kapagkuwan ay napangasawa niya.

Nagkaroon sila ng apat na supling pero naghiwalay rin, at pinawalang-bisa ang kanilang kasal.

Yung movie nina Dolphy at Zsa Zsa na My Darling Domestic (Da Greyt Iskeyp) na ipinalabas noong Nobyembre 1989 ay sumemplang. Hindi nila iyon prinomote.

Ang theme song ng My Darling Domestic ay ang "Mula Sa Puso" na inawit ng Divine Diva.

Read: Eric reveals why many of Dolphy’s children chose not to marry

my darling domestic
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOME ALONG DA RILES

Sumugal noon ang ABS-CBN kay Dolphy sa Home Along Da Riles, at tinangkilik iyon ng televiewers.

Kasama sa nasabing TV sitcom ang anak nina Pidol (palayaw ni Dolphy) at Ness (palayaw ni Alma) na si Vandolph.

Sa pamamayagpag ng nasabing sitcom ay dalawang pelikula ang iprinodyus ng Star Cinema kaugnay rito, ang Home Along da Riles da Movie (1993) at Home Along Da Riles 2 (1997).

Pumanaw si Dolphy noong Hulyo 10, 2012.

Dumalaw si Alma sa lamay, at nagpasalamat sa pagmamahal at pag-aaruga ni Dolphy kay Vandolph.

Bukas, Hunyo 17, 2026, Miyerkules, ay ipapalabas sa mga sinehan ang pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion, matapos ang dalawa’t kalahating taon na binubuo ito.

Ang cast ay pinangunahan nina Nova Villa, Vandolph, Claudine Barretto, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Boy 2 Quizon, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz, Jenny Quizon, at Pepe Herrera, with the special participation of Epy Quizon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nandiyan din sina Cita Astals, Ces Quesada, Sherilyn Reyes-Tan, at Gardo Versoza.

Kabilang sa mga nag-cameo si Mark Anthony Fernandez na ex ni Claudine, at half-brother ni Vandolph.

Ang nagdirek ng Home Along Da Riles: Da Reunion ay si Boy 2 Quizon, na katuwang bilang executive producers sina Vandolph at Teddy Javines.

home along da riles da reunion
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa premiere night ng Home Along Da Riles: Da Reunion nitong Hunyo 15, Lunes, sa SM Megamall ay dumalo si Eric Quizon, kasama ang ina nitong si Pamela Ponti na kase-celebrate ng 80th birthday noong Hunyo 14, Linggo.

pamela ponti eric quizon home along da riles
Pamela Ponti and son Eric Quizon
Photo/s: Jerry Olea

Nasa premiere din si Alma, na namumugto ang mga mata matapos ang screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boy2 Quizon says no issue over inheritance from Lolo Dolphy

JERRY OLEA

Maraming beses daw nabagbag ang damdamin ni Alma Moreno sa panonood ng Home Along Da Riles: Da Reunion.

Aling eksena ang nagpalagaslas talaga ng kanyang luha?

“Itong pahuli, tapos nakikita ko yung anak [Vandolph] ko paano umiyak,” pagtatapat ni Alma.

“Na alam na alam ko, siya yun. Siya yun…”

Alam din ba niyang may cameo si Mark Anthony Fernandez sa movie?

Napangiti si Alma: “Si Mark, nagulat ako. Pero yung lakad pa lang, alam ko na Mark, e. Yung kamay pa lang niya, yung dito nakita ko. Sabi ko, ‘Si Mark ito!’

“Pero hindi ko alam na guest si Mark. Pero nung makita ko [ang body parts], may kutob ako, anak ko.”

Proud ba siya kay Vandolph bilang producer at artista sa nasabing pelikula?

Mabilis na tugon ni Alma: “Sobra! As nanay, sobrang proud ako sa kanya. Kasi yung nakita ko papaano yung…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakikita ko rin si Dolphy sa kanya! Kay Van, na mapagmahal. Saka yung sa trabaho, papaano magpatawa.

“Nakita mo naman siguro yung seryoso, biglang siya yung babanat ng ano.”

Wala na talagang kirot sa puso niya, considering yung past nila ni Dolphy?

“Wala, wala, wala!” natatawang bulalas ni Alma.

“Wala, wala yun. Ako, natutuwa, at least itong Home Along, makikita mo kung anong meron dito sa Home Along Da Riles.

“Ito yung makikita mong may love, yung isang pamilya na nagmamahalan anong hirap man pero intact pa rin sila.

“Kaya dito ngayon, yung may matututunan ka na kahit wala na yung mga magulang mo, pero kunyari… parang wala na yung nanay ko, tatay ko…

“Pero yun pala mararamdaman mo, alam mo na andiyan pa rin sila.”

Siyangapala, parehong nasa cast sina Alma at Zsa Zsa Padilla ng Kapamilya teleseryeng The Alibi kung saan bida sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vandolph thanks ABS-CBN for lending Home Along Da Riles franchise

NOEL FERRER

Isa sa mga tema ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion, “Ang pamilya, pamilya.”

Susog ni Alma Moreno: “Pamilya na tulungan talaga. Nagkakaaway pero nagkakatulungan pa rin. Iyon yung aral na nandiyan.

“Mayaman ka man, mahirap ka man, andoon pa rin.”

Teary-eyed pa rin si Alma habang iniinterbyu.

“Grabe! As in sabi nga ni Van, ‘Mama, maiiyak ka.’ ‘Bakit? Comedy ito, di ba?’”

Hindi niya in-expect na maiiyak siya?

Umiling si Alma: “Hindi. Ang alam ko, tatawa ako, mga ganun. Pero dito, yung iiyak ka, mamaya may sundot na nakakatawa. So, mawawala na naman.

“Pero itong huli, itong ending… wala! Tuluy-tuloy yung… tapos saka yung nakikita mo yung Dolphy na alam mong wala, pero nung sinasabi ni Dolphy na mahal, yung ramdam mo na siya yun. Siya yun…”

Kumukurot sa pusoyung iyong mga eksenang ipinakita na bata pa si Vandolph…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Akala mo lang, si Vandolph ay isang batang kumbaga spoiled dati iyan, di ba? Pero ngayon, hindi mo akalain na ito, itong anak ko ngayon, isang producer na rin, sila ni Boy2 [Quizon].

“Sana magklik, and sabi ko nga, congratulations kay Boy2 at Vandolph. Congratulations sa inyo…

“Sa buong cast, congratulations! Makikita mo iyung team, umi-effort sila, yung bawat isa sa kanila na nagtutulungan talaga.

“Yun ang nakakatuwa — pamilya talaga.”

Read: Epy Quizon keeps mum on Home Along Da Riles: Da Reunion surprise

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Moreno says she was deeply moved by son Vandolph's performance and the film's heartfelt tribute to Dolphy, adding that she still sees many of the Comedy King's qualities in their son.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results