PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pepe Herrera joins Home Along Da Riles family

Pepe Herrera: "Para akong naging parte talaga ng isang pamilya."
by PEP Troika
Published A day ago
pepe herrera home along da riles da reunion
Pepe Herrera opens up about his role in Home Along Da Riles: Da Reunion, his chemistry with Claudine Barretto, and why working with Dolphy’s family made him feel connected to the Comedy King.
PHOTO/S: Home Along Da Reels Facebook

JERRY OLEA

Below the title ang billing ni Pepe Herrera sa poster ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion.

Pero markado at malaki-laki ang papel niya bilang Baby Boy, ang yayamaning fiancé ng 45-anyos na si Rebecca “Bing” Cosme (Claudine Barretto).

May kissing scene sina Bing at Baby Boy!

Matapos ang premiere screening ng pelikula noong Hunyo 15, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City, sinabihan namin si Pepe na bidang-bida pala siya sa movie.

“Ay! Sakto lang naman po,” sambit ni Pepe habang karga-karga ang daughter na si Payapa na mahigpit ang yakap sa kanya.

“Saktong dagdag rekados.”

Pepe Herrera with daughter Payapa at the premiere of Home Along Da Riles: Da Reunion.
Pepe Herrera with daughter Payapa at the premiere of Home Along Da Riles: Da Reunion.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa poster, above the title ang names nina Claudine, Nova Villa, Vandolph, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Boy2 Quizon, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz, at Jenny Quizon na cast members ng sitcom na Home Along Da Riles.

Read: Claudine Barretto, Nova Villa lead emotional Home Along Da Riles premiere

home along da riles da movie

PEPE HERRERA ON BLENDING WITH HOME ALONG DA RILES CAST

Paano nag-blend si Pepe sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi po, nung nakilala ko si Boy2 years ago, nagkaamuyan na agad kami ng karakas, e!” bulalas ni Pepe.

“Parang… sa pakiramdam ko lang po, ha, para kaming hinulma gamit ang isang uri ng lupa.

“Parang ganun po, e. So, nagkagaanan agad ng loob. Yung humor, parehas. Tawa lang kami nang tawa behind the scenes.

“Sa mga hotel namin, minsan magkakasama kami. Tuloy ang inuman doon, kuwentuhan.”

Si Boy2 ang direktor ng movie, at isa sa tatlong executive producers.

GORGY RULA

Dalawa’t kalahating taon ang inabot bago natapos ang Home Along Da Riles: Da Reunion, na showing na sa mga sinehan umpisa Hunyo 17, 2026, Miyerkules.

“Hindi ko alam kung kailan talaga nagsimula, e. Pero noong inalok sa akin, nakita ko naman yung simula ng proseso kahit papaano,” sambit ni Pepe Herrera.

Naabutan ba niya sa industriya si Dolphy? Nakatrabaho ba niya ang Comedy King of Philippine Movies?

“Hindi nga po, e. Naabutan ko siya, pinapanood ko pa lang ang Home Along Da Riles sa TV,” tugon ni Pepe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala pa ako noon sa industriya. Gusto ko nga po siyang makatrabaho, pero sabi ko nga po sa Instagram post ko, noong nakatrabaho ko yung mga anak niya, yung pamilya niya, parang nakatrabaho ko na rin po siya.”

PEPE ON CLAUDINE

Kumusta si Claudine Barretto bilang leading lady o love interest niya sa movie?

“Masaya kasi ang dali nilang katrabaho lahat. Tapos para akong naging parte talaga ng isang pamilya,” saad ni Pepe.

“Kasi siyempre, hindi maiwasan, minsan may dynamics ng magkakapatid.

“Pero magaan kasi naaalala mo yung mga kapatid mo, e. Ganun sila talaga.”

Read: Claudine, Pepe shock crowd with real-life kiss at movie premiere

NOEL FERRER

Mukhang nakatulong naman ang presence ni Pepe Herrera sa pelikula, at yung kissing scene, ha.

Naisip kaya nila o ninanais ang isang mala-Kita Kita version with both of them?

We’ll see!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pepe Herrera opens up about his role in Home Along Da Riles: Da Reunion, his chemistry with Claudine Barretto, and why working with Dolphy’s family made him feel connected to the Comedy King.
PHOTO/S: Home Along Da Reels Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results