JERRY OLEA
Umabot na sa P110M ang kita sa takilya ng pelikulang Tayo Sa Wakas, as of June 19, 2026, Friday.
Ibinalita ito ng producer na Star Cinema.
Mayo 27, Miyerkules, nag-open sa mga sinehan ang nasabing pelikula na pinagbidahan ng DonBelle tandem nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Handog ito ng Star Cinema para sa kanilang ka-33 anibersaryo.
Kasalukuyan din itong ipinapalabas sa Canada, Guam, Australia, New Zealand, at Middle East.
Mapapanood na ito sa mga sinehan sa Hong Kong simula Hunyo 21 (Linggo, Father’s Day); sa Singapore at Malaysia simula Hunyo 25 (Huwebes); at sa Taiwan simula Hulyo 10 (Biyernes).
Nakatakda rin itong ipalabas sa Macau sa nalalapit na panahon.

9th eddys special awards
Siyangapala, si Donny ay recepient ng 2016 Isah V. Red Award sa 9th Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo 5 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Ang isa pang honoree ng nasabing special award ay ang corporate leader at pilantropo na si Miss Chaye Cabal Revilla.
Kasama naman sa 2026 Box Office Heroes ng 9th Eddys ang limang bida sa pelikulang Meet, Greet & Bye, kung saan kabilang si Belle.

Ang mga nominado sa 9th Eddys ay ia-announce sa Hunyo 25, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog AveNUE, Quezon City.
Special guest dito si QC Councilor Alfred Vargas.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
NOEL FERRER
Nakasabay ng Tayo Sa Wakas sa May 27 playdate ang Desperada ni Robb Guinto, na iilan ang mga sinehan.
Nang sumunod na Miyerkules, Hunyo 3, ipinalabas ang Love, Ngo ni Jerald Napoles; Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan nina Zanjoe Marudo at Mylene Dizon; at ang remastered Muro-Ami ni Cesar Montano.
Hunyo 10 nag-showing ang Project Baby nina Sue Ramirez at Rico Blanco, ganoon din ang Open Endings nina Klea Pineda, Janella Salvador, Jasmine Curtis-Smith, at Leanne Mamonong.
Noong nakaraang Miyerkules nag-showing ang Home Along Da Riles: Da Reunion, at ang Ilocano BL movie na All The Things I Leave You (Patawid) nina Benedix Ramos at Justin Paul Basobas.
Marami pang Pinoy movies ang coming soon sa mga sinehan, kabilang ang Drags to Riches, First Light, Child No. 82 (Anak ni Boy Kana), at Rosario (na Abril 22 ang OG playdate).
Coming soon din ang Hollywood films na Supergirl, Moana, The Death of Robin Hood, The Odyssey, at Spider-Man: Brand New Day.
Read: Lotlot de Leon breaks down on feud with Ian: "He can have it all!"
GORGY RULA
Ayon sa isang reliable source ng PEP Troika, ang ini-report ng Star Cinema na PHP110M ay maaring kasama na rito ang kinita sa ibang bansa.
Ang nakuha kasi nilang total gross nationwide ay naka-PHP100M daw.
Hindi naman siguro padded ito, dahil maaring worldwide na itong PHP110M.
HOME ALONG DA RILES: DA REUNION
Samantala, naka-PHP2.9M ang first day earnings ng Home Along Da Riles: Da Reunion na nagbukas noong Miyerkules, June 17.
Halos naka-PHP3M ito sa mga sumunod na araw.
Kung maganda pa ang performance nito sa takilya ngayong weekend, posibleng abutin ito ng mahigit PHP10M.

Maganda ang feedback sa pelikula, kaya tingnan natin kung sasampa ito sa halos PHP15M sa unang linggo ng showing nito.
Okay na rin yun para sa isang pelikulang wala masyadong big stars na nasa cast.
Sana mas lumakas, dahil sabi nga ng producer nitong si Vandolph, maganda ring mapanood ng sambayanan ang typical Pinoy family na isinalarawan ng sitcom ni Dolphy.
Read: Claudine Barretto opens up about breakup with Milano Sanchez
