JERRY OLEA
Ang Cinemalaya 2019 official entry na Iska ang unang pelikulang pinagbidahan ni Ruby Ruiz.
Itinanghal siyang best actress sa Cinemalaya 2019 for Iska, ganoon din sa Harlem International Film Festival 2020 sa New York, USA.
Ang ikalawang pelikula na bida si Ruby ay ang Puregold Cine Panalo 2025 official entry na Tigkiliwi, at itinanghal din siyang best actress doon.
Ang ikatlong pelikula na bida si Ruby ay ang First Light, na ipalalabas sa mga sinehan umpisa Hunyo 24, 2026, Miyerkules.
Suportado si Ruby nina Maricel Soriano, Rez Cortez, Soliman Cruz, Kidlat Tahimik, Kare Adea, Emmanuel Santos, at Lui Manansala sa direksiyon ni James J. Robinson.
Ang papel ni Ruby ay si Sister Yolanda, na tatlong dekada nang madre.

HOW DID MARICEL SORIANO BECOME PART OF FIRST LIGHT?
Paano napasama sa proyekto ang Diamond Star? Kinumbinsi ba niya o nilambingan ito na sumuporta sa kanya?
Pagtatapat ni Ruby sa celebrity premiere ng First Light nitong Hunyo 21, Linggo, sa Cinematheque Centre, Intramuros, Manila: “Hindi ko siya kinumbinsi. Siya ang lumapit sa akin.
“Sabi niya, ‘Gusto kong maging part ng… kahit na mag-ekstra lang ako or, you know, just a support role.’
“Sabi ko sa kanya, ‘Paano ka mag-eekstra, ang lakas-lakas ng presence mo?’
“So, nag-pitch ako sa direktor, iyun nga, for the role of Mrs. de la Cruz. Tapos nung una, nahihiya ako. Sabi ko, ‘Inay, paano ko ba sasabihin sa iyo?’ Kasi, ako yung bida dito. Nakakahiya.
“Ayun, sabi niya, ‘Wala akong ano, kasi gusto kong ipakita yung suporta ko sa iyo.’ Iyon.”
Dumating si Maricel sa celebrity premiere, at pinatotohanan niya ang isiniwalat ni Ruby.
Pahayag ni Maricel: “Ako ang lumapit sa kanya. Sabi ko, ‘Sali mo ako! Gusto kong ma-experience!’
“Yun na. ‘Siyempre, magkaibigan tayong dalawa. Gusto ko sana, kung OK lang.’”
Nahiya at nagulat si Ruby na pumayag siyang sumuporta.
Tumango si Maricel, “Oo naman, anytime! Mahal ko yun, 'no!”
Raead: Bayani Agbayani confirms upcoming John Lloyd-Ellen Kapuso sitcom
NOEL FERRER
Maliban kina Ruby Ruiz at Maricel Soriano, present sa 6:00 P.M. celebrity premiere ng First Light sina Beauty Gonzalez, Soliman Cruz, Direk Jeffrey Jeturian, Direk Brillante Mendoza, Vince Rillon, at Direk Chris Cahilig.
Sa naunang 2:00 P.M. screening noong Sunday, andoon naman sina Direk Ruel Bayani at Doy del Mundo.
Acting coach ni Beauty si Ruby.
Kasama ni Beauty na nanood ang husband na si Norman Crisologo.

Kasama sina Beauty at Soliman sa Iska.
Sa nasabing movie ay mag-asawa ang papel nina Soliman at Ruby. Dito sa First Light ay pari ang papel ni Soliman.
RUBY RUIZ REQUESTED FOR SOLIMAN CRUZ
Pagsisiwalat ni Ruby, ni-request niyang makasama si Soliman sa First Light.
“Si Maricel [Soriano], hindi ko ni-request. Pinitch ko sa direktor. Pumayag naman kaagad,” lahad ni Ruby.
“Si Soliman, sabi kong ganun… of course, sa role ni Soliman, may mga ibang inano pero talagang si Soliman din ang nagustuhan nila.
“Kay Inay, siya lang talaga. Wala nang ibang kinonsider. Parang natakot nga sila, ‘Papayag ba siya?’ Sabi ko, ‘Siya nga ang may gusto!’ Di ba?”
Si Direk Jeffrey ang direktor ng Cinemalaya 2013 official entry na Ekstra, kung saan itinanghal na best supporting actress si Ruby.
Si Direk Chris naman ang festival director ng Puregold Cine Panalo, kung saan kalahok ang Tigkiliwi last year.
Hindi umabot si Ruby sa awards night ng Puregold Cine Panalo last year. Nasa biyahe pa siya that time.
Ang tumanggap ng best actress trophy niya ay ang kanyang anak na lalaki.
Kuwento ni Ruby: “Padating na ako noon. Na-delay yung eroplano. Nabuwisit ako, meron akong prinepare na acceptance speech just in case manalo. ‘Basahin mo yan.’
“E mahiyain yun. Iisa lang ang sinabi, ‘Thank you!’ Inis na inis ako. Pinagalitan ko! Sabi niya, ‘E kabang-kaba ako!’”
May chance siyang sabihin ang acceptance speech kapag presenter siya sa awards night ng 3rd Puregold Cine Panalo (Setyembre 23-Oktubre 4, 2026).
Read: Lotlot de Leon breaks down in tears over feud with Ian: "He can have it all!"

GORGY RULA
Bakit First Light ang titulo ng movie?
Sagot ni Ruby Ruiz, “Kasi, ito yung unang liwanag na nakita ni Sister Yolanda para magkamulat siya, magkamalay na ano — ang Diyos ay makikita sa labas ng kumbento.”
Maraming layers o nuances ang First Light. Ito ba ay napaka-philosophical, existential, religious, o ano?
“Sa akin, hindi ganoon yung attack ko, e. Doon ako sa makatotohanan,” pagmamatwid ni Ruby.
“Unang-una, pag isang artista sa kahit philosophical film, hindi mo dapat siya aatakehin na pa-philosophical pa rin.
“Kasi magiging lalo nang abstract iyong execution. So tinake ko si Sister Yolanda bilang tao, bilang isang simpleng madre na pumasok sa kumbento, hanggang nagkaroon na siya ng awakening.”
Virgin ba si Sister Yolanda?
Natigilan sandali si Ruby bago hinay-hinay na sumagot, “Oo, oo. Ang totoo, pure siya. Virgin siya… oo, virgin siya. Napaisip tuloy ako.”
Anu-ano pang projects ang aabangan sa kanya?
Napangiti si Ruby, “Cinemalaya. Kasi, ayaw na akong kunin sa Cine Panalo. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nagbibiro lang siyempre si Ruby.
Ang pelikula niya sa Cinemalaya 2026 (Agosto 7-16) ay ang Status: Rejected na isinulat at idinirek ng baguhang si Vahn Leinard Pascual.
“Kaya Status: Rejected kasi iyon ang status ng application niya ng visa, rejected,” sey ni Ruby.
RUBY RUIZ ON WORKING WITH NEW DIRECTORS
First-timer director si James Robinson sa First Light, at si Tara Illenberger sa Tigkiliwi.
Kumusta ang pakikipagtrabaho sa mga baguhang direktor na “bininyagan” niya?
“Si Tara, magaling, kasi editor siya. Si Vahn Pascual, nakakatuwa ring katrabaho, katatapos ko lang,” saad ni Ruby.
“Siyempre OK. Ang maganda sa kanila, pag first-time director din, sa iyo ipagkakatiwala kung paano mo gagawin.
“Pero pag first-time director din, minsan, they have a tendency to overcompensate. Kung anu-ano mga teorya ang sasabihin sa iyo, andaming nalalaman.
“Sabi ko, ‘Ano yun? Sino yun? Ganito ko lang yun nai-interpret. Ganun lang.’ So, medyo ibababa mo rin sila sa lupa.”
Read: GMA Pictures admits restored Muro-Ami’s struggles at the box office

