PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez admits to having a "halfie" boyfriend

Sanya Lopez reveals her boyfriend is half-Pinoy, half-Arab.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
Sanya Lopez reveals she has a "halfie" boyfriend
Sanya Lopez on having a non-showbiz boyfriend: "Maganda rin kasi pag nagkikita kami, iba rin yung mga pinag-uusapan. Sa kanya business, kasi he’s a businessman. Ako naman, ang pinagkakaabalahan ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

May halong kilig at ubod tamis na ngiti nang sinagot kami ni Sanya Lopez na “Happy ako” nang tinanong namin ang tungkol sa love life niya.

Isa si Sanya sa mga endorsers ng Beautederm na sumuporta noong Huwebes, June 25, 2026, sa launch ng mag-asawang Vice Governor Alex Castro at Sunshine Garcia bilang endorsers ng bagong line ng perfume na Sunshine at Alex.

Inamin ni Sanya na in love siya ngayon at finally masasabi niyang may boyfriend na siya.

SANYA LOPEZ ON NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Ayaw lang ni Sanya na idetalye tungkol sa kanilang relasyon dahil non-showbiz at very private daw ang lalaking ito.

Pero matagal na raw ang kanilang relasyon.

“Taon na rin,” pakli ni Sanya nang tinanong namin kung gaano na katagal ang kanilang relasyon.

"Halfie" pala ang non-showbiz BF niya. Half-Pinoy, half-Arab daw ito.

Ang maganda raw kapag hindi taga-showbiz ang karelasyon, hindi lang daw showbiz ang pinag-uusapan nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maganda rin kasi pag nagkikita kami, iba rin yung mga pinag-uusapan.

“Sa kanya business, kasi he’s a businessman. Ako naman, ang pinagkakaabalahan ko, kinukuwento ko sa kanya.

"So, iba yung pinag-uusapan niyo pareho. Basta eto lang. Happy ako.

“I’m so contented na with what I have. I’m so blessed,” saad ng Kapuso actress.

HOW THEY MET

Matagal na raw silang magkaibigan, hanggang sa nagkadebelopan.

“Nag-start as friends lang. And then, hindi ko akalain na nagiging comfortable na kami sa isa’t isa.

“Yung iba na yung pinag-uusapan namin. At saka may sense na yung pinag-uusapan namin,” sabi pa ni Sanya.

Read: Jhen Go opens up about alleged conflict with Jericho Rosales

NOEL FERRER:

Kahit first time pa lang daw ni Sanya Lopez na magka-boyfriend, masasabing seryoso na ang kanilang relasyon, dahil napapag-usapan na nila ang future plans nilang dalawa.

“Napapag-usapan naman yun. Siyempre yung lahat naman na gusto ng magandang relationship, dun yun patungo,” sambit ni Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, maganda yung may plano kami sa isa’t isa. Ako rin naman as babae, gusto ko ring ikasal, di ba?”

May nabago ba sa kanya ngayong may boyfriend na siya?

“Siguro mas naging mature ako when it comes to relationship,” pahayag ni Sanya.

“This is my first time na pumasok talaga sa relasyon na hindi siya laro, or hindi puppy love.

“Dati kasi, ganun lang ako. Hindi ko akalain yung ganun. Ngayon, ang relationship pala, dito ko natutunan na hindi siya kilig lang.

“So, nandiyan yung sitwasyon na kung paano niyo ayusin yung isa’t isa.

“Paano niyo ayusin yung mga bagay na hindi niyo napapagkasunduan. So, yun yung totoong relasyon.”

Read: Divine Adili laid to rest in Nigeria as family bids final goodbye

JERRY OLEA:

Hindi na pinapansin ni Sanya Lopez ang ilang hindi naniniwalang NBSB siya at first time niyang nagka-boyfriend.

Hindi naman daw niya masisisi ang iba, dahil nasa showbiz siya kasi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi nga nila, ‘Hindi ako naniniwala, first boyfriend mo ganyan.’ Hindi kasi, yung itsura natin. Alam niyo, di ba?” sey ni Sanya.

“Iba yung tingin nila sa atin pag parang… I entertain before. I tried to entertain… kumilala.”

Nakikipag-date daw siya noon para mas makilatis niya ang mga nanliligaw sa kanya. Pero walang pumasa. Hindi niya nakakalimutang meron siyang naka-date noon at siya raw ang pinagbayad ng bill sa restaurant.

“When it comes [to] for example, nagde-date kayo. Hindi naman ako talaga yung totally gumagastos,” lahad ni Sanya.

“Kasi, may mga guys talaga na nahihiya din. Pero may na-date din ako na ay hinayaan niya akong magbayad.

“Buti na lang may pambayad ako. Date lang yun. Siya pa ang nag-invite. Tapos yung ending, super order siya,” natatawa niyang kuwento.

Hindi niya sinabi kung sino ito.

“Nag-aartista siya before. Pero okay lang yun. Dun mo nakilala, e. Kaya importante, may ligawan stage,” dagdag ni Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre nagde-date sila ng boyfriend niya, pero hindi pa sila nahuli ng mga paparazzi.

“Lumalabas kami, pero sa tago, Sa mga hindi nakikita. Pag nakita kami, okay lang.”

Ang isa pa sa napagkasunduan nila ay hindi niya isasama ang non-showbiz boyfriend sa mga showbiz events.

“Hindi. Iyun yung usapan namin na hinahayaan namin na itong life namin na may sarili na kaming mundo dun sa bagay na yun.”

Hindi raw kailangang i-post sa social media.

“Yung kaya kong i-share, i-share ko. Saka yung respect ko rin sa kanya kasi na gusto niya private,” pakli ni Sanya.

Siyanga pala, ire-replay ng GMA ang First Yaya nina Sanya at Gabby simula Hunyo 29, Lunes ng 9:35 pm, bilang kapalit ng The Secrets of Hotel 88. Ipapalabas din ito ng 11:25 pm sa GTV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on having a non-showbiz boyfriend: "Maganda rin kasi pag nagkikita kami, iba rin yung mga pinag-uusapan. Sa kanya business, kasi he’s a businessman. Ako naman, ang pinagkakaabalahan ko."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results