GORGY RULA
Nagpalitan na naman ng mensahe sina Vice Ganda at Vic Sotto sa kanilang noontime shows noong Sabado, July 4, 2026.
Kaugnay ito sa pagkikita nilang magaganap sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, ngayong Linggo, July 5.
Si Vice Ganda ang unang nagkuwento sa It's Showtime: “Nagulat ako, sabi niya ano, ‘Mag-usap tayo nang masinsinan,’ sabi sa akin ni Boss Vic.”
Mabilis niyang kinorek ang sarili. Ang kausap niya ay hindi si Boss Vic, na producer ng Viva Films.
“Bossing Vic ito, ha? Vic Sotto ang tinutukoy ko, hindi del Rosario,” pakli nito.

Sabi pa ni Vice: “Parang ang sabi niya, mag-usap tayo nang masinsinan, sabi ni Bossing Vic kahapon.
“So napag-isip naman ako. Ano ba yung imbitasyon sa akin ni Bossing? Bakit parang gusto niya akong makausap.
“So, tiningnan ko schedule ko. ‘Bossing, pasensiya na. Busy ako today. Pero Bossing, gusto naman talaga kitang makita at makausap sa personal, Bossing.
“Gusto kitang mayakap, mabati, mahalikan. Talagang gusto kong magkaroon tayo ng malalim na usapan.’”
Saka niya binanggit ang time at venue ng kanilang magiging meeting.
“Kaya Bossing, kung may oras ka, bukas, magkita tayo, 4 P.M. sa Cubao.
“Hindi naman ito pagbabanta, imbitasyon ito.
“Inimbitahan kasi ako ni Bossing. E, kinilig naman ako. Hello!” sabi pa ng Unkabogable Box-Office Superstar.
Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship
NOEL FERRER
IT'S A GO FOR VIC SOTTO
Pagkatapos nito ay nagsalita na si Vic Sotto sa Eat Bulaga!
Ani Bossing Vic sa katabing si Maine Mendoza, “Ibabalita ko lang sa iyo na mag-uusap na kami. E, dapat mamaya, pero hindi raw siya puwede, e. Bukas daw.
“Sabi kasi ni Vice, bukas daw 4 P.M. sa Cubao. 3:59, nandun na ako. 3:59, nandun na ako.
“Babalitaan ko kayo kung ano yung…”
Humirit si Maine na sasama raw siya, pero nagbitaw na ng joke si Joey de Leon kay Ryza Mae Dizon ng, “Ryzza, kailan kayo mag-usap ni Kim Chiu?” Sabi ni Maine, “Shout-out, Kim.”
Read: Sam Verzosa admits he fell deeply for Rhian Ramos; now calls love a distraction
JERRY OLEA
VIC SOTTO- VICE GANDA MOVIE
Ang meeting na ito ay patungkol sa kanilang movie project.
Noong pinag-uusapan pa lang itong possible collaboration nina Vic Sotto at Vice Ganda, may ilang artista nang nagparating na sana, isali raw sila sa pelikula.
Minsan lang ito mangyari, kaya malaking bagay na maging bahagi nito. Pero wala pang binanggit ang production kung sinu-sino ang mga kasama.
Kahit anong kulit ng PEP Troika sa ilang taong involved kung ano ang mangyayari ngayong hapon, wala raw silang maibigay na detalye. Kaya abangan na lang.
Ang nakuha lang naming impormasyon ay ang title daw ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa ay The Greatest Showdown.
Ang ganda! Talagang showdown nilang dalawa, at pati na rin ang kanilang noontime show na It’s Showtime at Eat Bulaga!.
Pero sabi nga ni Vice Ganda kahapon, Sabado, “Pumunta rin kayo ng Cubao. Tingnan niyo kung ano ang mangyayari sa aming pagtatagpo bukas.
“Bukas, wakasan na ang noontime war!”
Sa Martes, July 7, ang announcement ng apat na script na pasok sa Metro Manila Film Festival 2026.
Inaasahang isa rito ang The Greatest Showdown ng Vic-Vice tandem.
Kung pasok na nga ito sa MMFF, maaasahan kaya natin ang pag-apir ni Bossing Vic sa It’s Showtime, at si Meme Vice naman sa Eat Bulaga!?
