JERRY OLEA
Kaugnay sa kaarawan ni National Artist Nora Aunor noong Mayo 21, 2025, ini-announce ng Ovation Productions na malapit nang ipalabas ang pelikulang Kontrabida ni Ate Guy na idinirek ni Adolf Alix Jr.
Anong petsa na? Mahigit isang taon na ang lumipas, hindi pa rin ipinapalabas ang pelikulang Kontrabida ng Superstar.
“Andami pong nagme-message sa akin,” sambit ni Direk Adolf sa storycon ng pelikulang The Blue Hour noong Hulyo 3, 2026 sa VS Cinema ng Victoria Sports Tower 2, EDSA, Quezon City.
“Ako po, kung ako lang ang may-ari nung pelikula, gustung-gusto kong maipalabas because yun po ang pinakamagandang pelikula na collaboration namin ni Ate Guy.
“Kasi ang ganda po nung kuwento, ang galing niya po dun. Kaya lang po, hindi ko po alam sa Ovation Productions.
“Although nagkita po kami nung producer last May, sinabi niya po sa akin na ilalabas na nila.”
Abang-abang ang super-Noranians kung saan at kailan nila mapapanood ang Kontrabida.
Dagdag ni Direk Adolf: “Sabi ko nga po sa producer, sayang. Ako po, sa lahat ng naging trabaho namin ni Ate Guy, yun ang pinakamaganda naming trabaho.
“Dahil ang ganda po nung role niya. At saka hindi pa niya nagagawa. At saka ang ganda ho ng pelikula, in fairness sa kanya.”
Read: Direk Adolf Alix Jr. on The Blue Hour, unreleased films, leaked scene

NOEL FERRER
Ang isa pang pelikula ni Nora Aunor directed by Adolf Alix Jr. na hindi pa naipapalabas ay yung horror drama na Laro.
Kasama sa cast nito sina Rosanna Roces, Angeli Bayani, Martin del Rosario, at Sebastian Castro.
“Ang gusto ko po sana, bago ilabas yung Laro, mag-Kontrabida muna,” sabi ni Direk Adolf.
“Kasi yung Laro po, medyo risque yun, e. Dahil ibang Ate Guy po talaga yon.
“Pero tinatapos na po na rin ngayon. Kasi nga, nire-ready ko siya na parang pagkatapos ng Kontrabida ay ilabas ko na siya.
“Kasi yun po, ibang Nora Aunor iyon. Si Ate Guy na nakikipag-threesome.”
Tinatapos pa lang ang Laro? May idinagdag or what?
Paglilinaw ni Direk Adolf, “Inayos ko lang po. Binalikan ko lang po. Kasi siyempre, antagal na rin po, e.
“So, chineck namin kung ano. So, tinatapos po ngayon kumbaga in-improve yung post-production at saka sound. Balak naming i-submit sa mga festivals.”

NORA AUNOR'S LAST TWO MOVIES: KONTRABIDA AND LARO
Bago raw pumanaw si Ate Guy ay napanood nito ang Kontrabida at Laro. Ano ang reaksiyon ng Superstar?
“Sa Laro, nakaganun siya,” pagmumuwestra ni Direk Adolf.
“Hindi naman siya nahihiya. Kasi siyempre, nung sinu-shoot namin, ang ano namin, kasi siyempre may kissing scene sila ni Martin del Rosario at saka ni Sebastian Castro.
“So, alam mo yung… pero yun yung hanga ka sa kanya, e. Pag narinig nita yung ‘Action!’ — siya na yung karakter. Gagawin na niya lahat ng pinag-usapan.
“Pag ‘Cut!’ makikita mo na medyo nahihiya siya, tapos nagpa-‘Pasensya na kayo, mga anak, alam niyo naman!’ Naggaganun siya lagi sa mga co-actors.
“Pero yun ang isa sa mga pinakamatapang niyang pelikula because una, aswang siya dun!
“Na kakaiba yung role. Kasi ang kuwento nun ay isa siyang aswang na kumakain ng mga tao sa lowly na mga society.
“Kaya nagrenta siya ng mga callboy. Kasi alam niya, pag kinain niya, hindi hinahanap nung society.”
Read: Nora Aunor's children dispute: A timeline
GORGY RULA
Nananatiling relevant si Nora Aunor at ang kanyang Sining.
Sa biopic na Bernal na iniskrip ni National Artist Ricky Lee, balita na si Judy Ann Santos ang gaganap na Ate Guy.
Bida si Atasha Muhlach sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical, na inspired ng dalawang pelikula ni Nora na idinirek ni Maryo J. de los Reyes (na siya ring direktor ng pelikulang Bagets).
1979 ipinalabas ang Annie Batungbakal kung saan co-stars ni Ate Giy sina Nida Blanca, Lloyd Samartino, Chichay at Rez Cortez.
Nasa cast din ng Annie Batungbakal sina Juan Rodrigo, Lorli Villanueva, Michael Vallar, at Mary Grace Santos.

1980 ipinalabas ang pelikulang Bongga Ka ‘Day kung saan leasing men ni Ate Guy sina Lloyd Samartino at Rollie Quizon.
Kasama rin sa movie sina Chichay, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Roi Vinzon, Dexter Doria, Dandin Ranillo, at Chona Castillo.

Sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre, dalawang 1976 films ni Ate Guy ang nakatakdang pagpugayan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ang mga ito ay ang Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O’Hara, at Minsa’y Isang Gamu-gamo ni Lupita A. Concio.
Ang 1976 ay ginintuang taon para sa pelikulang Pilipino.
Noong taon ding iyon ipinalabas ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ni Eddie Romero, Insiang ni Lino Brocka, Itim ni Mike de Leon, at Nunal sa Tubig ni Ishmael Bernal.
