PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado admits Deia now comes before every acting project

Iza Calzado on having another baby: "Let's leave it to God."
by PEP Troika
Published 6 hours ago
iza calzado daughter deia
Iza Calzado opens up about balancing motherhood with her busy schedule, why she's become more selective with projects: "My daughter being the first and number one."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

GORGY RULA

Hindi matiyak ni Iza Calzado kung pang-ilang CInemalaya movie na niya itong Hand of God na entry ni Mark Duane Angos.

Binilang niya mula sa Mga Mumunting Lihim (2012) ni Jose Javier Reyes, Distance (2018) ni Perci Intalan, at Pandanggo sa Hukay (2019) ni Sheryl Rose Andes.

Co-stars ni Iza sa Hand of God sina Ruru Madrid, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, Jhong Hilario, KD Omalin, Cholo Barretto, at Tyke Sanchez.

hand of god cinemalaya 2026
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Iza, basta maganda ang project, tinatanggap niya kapag swak sa schedule niya.

Nagustuhan niya ang material ng Hand of God, kaya kahit sa Basilan pa sila nag-shoot ng ilang mahahalagang eksena, hindi siya natakot na pumunta roon.

IZA CALZADO'S CONSIDERATIONS BEFORE ACCEPTING A PROJECT

Pero marami nang kino-consider si iza bago niya tanggapin ang isang proyekto, pelikula man ito o teleserye.

Ang number one na iniisip niya ay ang anak niyang si Deia. Sobrang clingy na raw nito sa kanya.

“Yes. My daughter being the first and number one,” bulalas ni Iza.

“Kaya yung time is affected kasi siyempre… saan ko ba ilalaan yung oras ko at panahon ko?

“Ang dami ko pang ginagawa. May podcast kami, hindi lang yung sa amin ni Ben. May She Talks Asia, meron kaming AKTOR, ang dami!”

Ang "Ben" na tinutukoy ni Iza ay ang kanyang mister na si Ben Wintle.

Pero oras ang kalaban dahil ang priority nga raw sa oras niya ay si Deia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napaka-clingy niya ngayon! Pero siyempre, kailangan ko rin magtrabaho.

“Yung first almost two years namin, madami akong naibigay na oras. At siyempre, hindi pa siya vocal nun, e.

“Ngayon kasi, talagang hinihintay ako. Kahit 10:30, 11:00 P.M. Kaya ang gagawin ko na lang, patutulugin ko na lang nang mahaba sa hapon.

“Kasi baka mamaya hindi na makatulog talaga. Magkakasakit pa pag…pero minsan nasasabi ko naman na halimbawa may taping na really Mama cannot put you to bed ganun,” saad ni Iza.

Read: Nadine Lustre wins online harassment case, netizen punished by court

JERRY OLEA

Sabi pa ni Iza Calzado, hindi siya makapag-request ng cut off dahil naiintindihan niya ang production, lalo na kapag may night scenes na kukunan.

“Hindi, e. Gustuhin ko man. I tried, pag nako-control ko. Pero katulad nito, may night scenes kami. Paano ang cut-off? Tanay ang shoot,” pakli ni Iza.

Ang nakikita lang daw niya kasi kay Deia na ang feeling nito, siya lang ang nagmamay-ari sa mama niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, hirap siyang i-share ako pag may nagpapa-picture,” pagtatapat ni Iza.

“Kasi nga, clingy siya, di ba? At this point, dati hindi ganyan. Nag-evolve.

“Parang, ‘Akin si Mama. Bakit ka nagpapa-picture,’ lalo na pag biglaan.

“Pero pag maayos, halimbawa kinausap mo muna kami, parang ganun. Lalo na pag may bata, hindi siya humihindi.

“May isang event nga. Bumista sila ni Ben. Sa book signing, tumabi pa sa akin, tapos nagwe-wave.

“Sabi ko, basta may bata, masaya siya. Naiintindihan niya na puwede ko i-share sa yo nanay ko kasi baby ka pa, parang ganun, di ba?” sabi pa ni Iza.

Read: Dingdong Avanzado undergoes surgery amid health challenges

NOEL FERRER

Matagal na napatingin sa amin si Iza Calzado nang tinanong namin kung pinaplano na ba nilang sundan si Deia.

“Let’s leave it to God,” pakli nito.

“Bukas po tayo sa lahat na mga possibilities. Pero sa ngayon siguro, pahinga muna tayo sa mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang… mahirap palang… hindi ganun kadali na bigla lang, you know. Na pag sinabi na gusto ko magkaanak, hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay.

“So, okay din na minsan focus din sa ibang things, sa trabaho, para magkaroon ka din ng break from other things.

“And in the same way, pag nagtrabaho ka rin nang tuluy-tuloy, di ba? Nagbe-break ka din from other things.

“So ngayon, sapat na sapat si Deia at panahon ito para magtrabaho na ito.

“Hindi ko tinutuldukan… siyempre, gustung-gusto ko pa magkaroon ng kapatid si Deia. In God’s time.

“Siguro ngayon, time for me to… kasi meron pa akong gagawin na pelikula pagkatapos nito.

“Alam mo naman pag umoo ako, napaka-professional ko talaga, e. Yun ang inoohan ko.

“So, tingnan natin, kung saan tayo dadalhin ng buhay. Saka baka may iba pa tayong proyekto, di ba? Hindi natin alam.

“Paghahandaan natin ang mga biyaya ni Lord,” pahayag ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PUBLIC SERVICE PROGRAM

Sa ngayon, iniisip daw ni Iza gumawa ng isang public service show na pambabae, pangnanay o para mas malawak pa, pampamilya.

Hindi para sa politika, at kitang kita natin yun nung makausap natin, di ba, Tito Gorgy?

Pero para mas maipakita ang pag-initindi at pagkalinga ng katulad ni Iza sa sarili niya, sa pamilya at sa bayan.

“Basta, walang politika,” sey ni Iza.

Read: Ellen Adarna recalls ex calling her "losyang"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado opens up about balancing motherhood with her busy schedule, why she's become more selective with projects: "My daughter being the first and number one."
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results