PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

From Nora to Atasha: A new era for Annie Batungbakal

Why Atasha Muhlach deserves a chance as the new Annie Batungbakal.
by PEP Troika
Published 10 hours ago
noa aunor atasha muhlach bongga ka 'day
Even before opening night, Atasha Muhlach (right) has become the subject of online criticism after being cast in Bongga Ka 'Day! The Annie Batungbakal Musical, with many comparing her to the iconic Nora Aunor (left).

JERRY OLEA

Sumikat si Aga Muhlach sa Viva movie na Bagets (1984) na pinagbidahan nila nina William Martinez, JC Bonnin, Herbert Bautista, at Raymond Lauchengco sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Lima silang aktor na tinukoy sa titulo ng movie.

bagets 1984

Nang gawing musical ang Bagets at itanghal noong Enero-Marso 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City, ang gumanap sa role ni Aga ay ang anak niyang si Andres Muhlach, ka-alternate si Mico Chua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung apat pang bidang karakter ay may ka-alternate din.

Salitan sina KD Estrada at Ethan David, Sam Shoaf at Jeff Moses, Milo Cruz at Migo Valid, at Noel Comia Jr. at Tomas Rodriguez.

bagets the musical
From left: Milo Cruz, Noel Comia Jr., Ethan David, Andres Muhlach, and Sam Shoaf.
Photo/s: NWR Musicals Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: From Screen to Stage: Bagets The Movie vs. Bagets The Musical

ATASHA MUHLACH: THE NEW ANNIE BATUNGBAKAL

Sa huling gabi ng Bagets musical play ay inihayag na gagawin ding musical play ang Annie Batungbakal.

Ang Annie Batungbakal (1979) movie ay idinirek din ni Maryo J. de los Reyes.

annie batungbakal movie

Dalawa ang lumutang na pangalan noon para gumanap na bagong Annie Batungbakal — ang kakambal ni Andres na si Atasha, at ang ka-loveteam ni Andres na si Ashtine Olviga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-nominate si Ashtine na best supporting actress sa MMFF 2025 para sa pelikulang Manila’s Finest.

Pero heto na nga… matapos ang pa-auditions, si Atasha ang chosen one para bumida sa Bongga ka Day! The Annie Batungbakal Musical (Based on the Songs of Hotdog).

Inintriga na agad si Atasha, at sapin-sapin, patung-patong ang ibinato (“ibinatungbakal”?) sa kanya.

Totoo ba ang chizmis?!

atasha muhlach annioe batungbakal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MAIN ATTRACTION: Atasha Muhlach

NORA AUNOR MUSICAL MOVIES

Malayung-malayo raw si Atasha kay National Artist Nora Aunor na title role sa mga musical comedy film na Annie Batungbakal at Bongga Ka 'Day! (1980).

Ang Bongga Ka 'Day! ay idinirek din ni Maryo J. de los Reyes.

bongga ka 'day poster

Nagkatrabaho rin ang Superstar at si Direk Maryo sa musical comedy film na Rock n’ Roll na official entry sa MMFF 1981.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Annie Batungbakal, Bongga ka Day!, at Rock ‘n Roll — pawang pinagbidahan ni Nora, idinirek ni Maryo J. mula sa screenplay ni Jake Tordesillas, choreography by Geleen Eugenio.

rock 'n roll poster

Credited ang Hotdog para sa musika ng tatlong pelikulang yan. Kasama pa ang Hotdog sa cast ng Annie Batungbakal at Bongga ka Day!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Leading man ni Guy sa tatlong pelikulang yan si Lloyd Samartino.

Nasa cast din ng tatlong pelikulang yan sina Rez Cortez at Chichay.

Si Nora mismo ang nag-produce ng Annie Batungbakal at Rock n’ Roll sa ilalim ng NV Productions.

Ang tunay na pangalan ni Ate Guy ay Nora Villamayor, kaya NV ang kanyang initials.

Associated Entertainment Corporation ang credited na producer ng Bongga Ka 'Day!.

Read: MVP, Ramon Ang tease possible collaboration, mum on ABS-CBN rumors

JOLINA MAGDANGAL'S ANNIE B.

Napabalita na magsasama sina Nora at Jolina sa sequel ng Annie Batungbakal na ang title ay Anak ni Annie Batungbakal. Hindi iyon nag-push through.

Sa halip, nagbida si Jolens sa musical comedy film na Annie B. (Bida ng Ukay-ukay, Bongga siya, ‘day!) na ipinalabas noong 2004.

Leading men dito sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Prinodyus ito ng Viva.

annie b. poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit sa Annie B. ang Hotdog song na "Annie Batungbakal," pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga pelikulang Annie B. at Annie Batungbakal.

WATCH IT FIRST BEFORE JUDGING

Itong musical comedy play na pagbibidahan ni Atasha ay… Bongga ka Day! The Annie Batungbakal Musical (Based on the Songs of Hotdog).

Take note… ibinatay ang musical play sa mga kanta ng Hotdog, hindi sa pelikulang Annie Batungbakal, o Bongga ka Day! for that matter.

Ang mga pelikula ni Nora na Annie Batungbakal, Bongga ka Day! at Rock ‘n Roll, maging ang musical play na bida si Atasha — ay pawang inspired ng musika ng Hotdog.

Hindi kailangang gayahin ni Atasha ang OG Annie Batungbakal 1979 ni Nora o Annie B. 2004 ni Jolina.

Si Atasha ang Annie Batungbakal 2026.

Panoorin muna natin ang pag-awit ng kanyang puso sa Setyembre bago natin husgahan kung may “K” ba siyang yumugyog nang bonggang-bongga sa isang musical play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yun na, Annie Zabungera!!!

Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss

GORGY RULA

Tanggapin na natin!

Malaking bagay at makakatulong ang isang kilalang personalidad para sa isang proyekto, kagaya nitong musical play na Bongga Ka, 'Day! The Annie Batungbakal Musical (Based on the Songs of Hotdog).

Noong in-announce sa last night ng Bagets The Musical na ang Annie Batungbal ang kasunod na gagawin ng Viva at PhilStar, ramdam ko nang si Atasha ang gaganap.

Nginitian lang ako ni Atasha nang sinabi kong siya na ang magbibida sa kasunod na musical play.

ATASHA AUDITIONED FOR THE ROLE

Pero dumaan pa rin siya sa tamang proseso.

May nagpatunay na ibinigay ni Atasha ang nararapat na ibigay sa audition. Kaya abangan natin kung kakayanin ba ito ng kakambal ni Andres Muhlach.

Tatlong beses naming pinanood ang Bagets The Musical, at nakita namin ang malaking pagbabago kay Andres bago ito natapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuto siya at gumaling na siya sa pagsayaw at pagkanta.

Ang lamang ni Atasha, may talent talaga siya sa pagkanta at pagsayaw. Nai-flex na niya ito nang napabilang siyang Dabarkads sa Eat Bulaga!.

Kaya tingin ko, kakayanin niya ito sa entablado.

NORA VS VILMA MUSICAL MOVIES

Huwag nang ikumpara sa OG Annie Batungbakal, dahil magiging iba itong interpretasyon nila kay Atasha, sa nagawa ng nag-iisang Superstars Nora Aunor.

Kung naalala pa ng mga Noranians at Vilmanians, ginawa ang Annie Batungbakal dahil nag-hit ang musical movies ni Gov. Vi na Disco Fever (1978) at Swing It… Baby! (1979) na parehong idinirek ni Al Quinn para sa Lea Productions.

vilma santos musical movies
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanggap ni Ate Guy na pagdating sa sayawan ay lamang si Ate Vi.

Kagaya ng pagtanggap ng Star For All Seasons na hindi niya kayang tapatan sa kantahan ang namayapang Superstar.

Kaya naman napansin na namin doon sa Annie Batungbakal na madalas ay lifting-lifting ang hataw ni Ate Guy.

Ang lakas lang talaga ng dating ng karakter na Annie Batungbakal, lalo na ang kantang ito ng Hotdog.

Ngayon ay iba na ang Annie Batungbakal na mapapanood natin kay Atasha Muhlach.

Panoorin muna natin, saka natin siya husgahan.

NOEL FERRER

I was actually able to talk to Direk Chris Millado tungkol kay Atasha Muhlach, at hopeful ako na she will pull this through.

Pero that will take a lot of hardwork talaga na I think Atasha is up to it naman!

Challenge talaga ang magpakamasa. Kasi, dispatchadora levels na masa siya dapat… aaralin niyang i-internalizeiyan talaga.

And to gain the respect of the viewers who will be paying the ticket price plus the theater community, talagang tall order iyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

All the best, Atasha!!!

Read: Atasha Muhlach reveals what being "bongga" means to her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Even before opening night, Atasha Muhlach (right) has become the subject of online criticism after being cast in Bongga Ka 'Day! The Annie Batungbakal Musical, with many comparing her to the iconic Nora Aunor (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results