JERRY OLEA
Winakasan ng UnMarry ang pamamayagpag ng Wonderful Nightmare sa Netflix Philippines.
Wonderful ang pag-ariba ng Wonderful Nightmare sa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix PH.
Sixteen (16) consecutive days sa top spot ang pelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles, mula Hulyo 8, 2026, Miyerkules, hanggang Hulyo 23, Miyerkules.
Sa Pinoy movies na nag-Netflix streaming this year, so far ay ito ang pinakamatagal na No. 1.

Yung Everyone Knows Every Juan at Meet, Greet & Bye ay parehong naka-14 days na No. 1, samantalang yung The Loved One ay naka-10 days.
Hindi nakaporma sa Wonderful Nightmare ang MMFF 2025 entries na Rekonek at Love You So Bad.
Hulyo 7 nag-Netflix streaming ang Wonderful Nightmare, na sinundan ng Rekonek noong Hulyo 12, at Love You So Bad noong Hulyo 16.
Nag-peak sa No. 2 ang smorgasbord na Rekonek. Hindi masyadong nakakonek ang mga manonood.

Nag-peak sa No. 3 ang Love You So Bad. Hindi masyadong love ng Netflix subscribers ang pelikula nina Will Ashley, Bianca de Vera, Dustin Yu, at Anne Curtis.

“Iginanti” ng UnMarry ang Rekonek at Love You So Bad.
MMFF 2025 official entry rin ang UnMarry, na tinampukan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, at Zac Sibug, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.
Ilang araw kayang topnotcher ang UnMarry?
Read: Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react

UPCOMING PINOY MOVIES ON NETFLIX
Sa Hulyo 30 ay streaming na sa Netflix ang nag-iisang horror entry sa MMFF 2025, yung Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Sa Agosto 13, umpisa ng Ghost Month, mag-i-streaming naman ang Ganito, Ganyan, Ganoon nina Agot Isidro, Jodi Sta. Maria, Gardo Versoza, Ruby Ruiz, RK Bagatsing, Mitch Valdes, Angel Aquino, Joel Saracho, at Floyd Tena.

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies sa Netflix PH ngayong Hulyo 24, 2026:
- UnMarry
- Wonderful Nightmare
- Quarantine 2 Terminal
- The Debt Collector
- Sniper: No Nation
- San Andreas
- Love You So Bad
- 23,000 Lives
- Desire
- Un-Ex You
Read: Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash
NOEL FERRER
Nag-streaming sa Netflix noong Hulyo 21, Martes, ang Episode 80 ng Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Hunyo 11, Huwebes, ang huling araw na nasa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ang nasabing teleserye kung saan tampok din ang tatlong Padilla na sina Robin, Rommel at Bela.
Hindi na ito nakabalik sa listahan ng Top 10 TV Shows hanggang magwakas.
Yung A Secret in Prague (115 episodes) ay Hulyo 1 ang last day na nasa Top 10, samantalang noong Hulyo 21 ang last day na nasa Top 10 ang The Master Cutter (100 episodes) ni Dingdong Dantes.
Hanggang Setyembre pareho ang Netflix streaming ng The Master Cutter at A Secret in Prague.
Yung Sanggang Dikit FR na nag-Netflix streaming ang 80 episodes umpisa Hunyo 30, bigo na makapasok sa talaan ng Top 10 TV Shows.
Hulyo 24, Biyernes ng gabi, ang umpisa ng Netflix streaming ng Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Ilang araw kaya itong magna-No, 1?

Yung Alex Calleja: Past is Past, The Master Cutter, at A Secret in Prague ay pawang nakalimang araw bilang No. 1.
Yung Blood vs. Duty ay two days lang nanguna.
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows sa Netflix PH ngayong Hulyo 24, 2026:
- The East Palace
- Elite Force
- Agent Kim Reactivated
- Spooky in Love
- Teach You A Lesson
- The Apartment Job
- Avatar: The Last Airbender
- Mercy for None
- Muskoku Tensei 1
- Though I Am An Inept Villainess
Read: Kakai Bautista considers legal action over Apple David backlash
GORGY RULA
Matagal ding namayagpag sa No. 1 slot ang Wonderful Nightmare, bago ito napalitan ng UnMarry.
Tingnan natin kung gaano naman katagal sa No. 1 itong pelikula nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
Sunud-sunod na nga raw ang streaming ng MMFF 2025 official entries.
Abangan natin ang pagpasok ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins at ang I’mPerfect.
THE LOYALTY GAME ON PRIME VIDEO
Bukod sa Netflix, sinusubaybayan ko ang The Loyalty Game nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa Amazon Prime Video.
Matagal din itong nag-No. 1, at No. 2 trending na ito ngayon sa naturang streaming service.
Ang ganda ng The Loyalty Game, lalo’t ang gagaling nilang lahat. Ang pulido, at mukhang mamahalin.
Pero si Jericho ang pinakamagaling sa lahat, pati sina Janine at si Charlie Dizon.

LOVE, SIARGAO ON VIU
Sinusubaybayan din namin ang Love, Siargao nina Alden Richards at Nadine Lustre sa Viu.
Magaling silang dalawa lalo na si Alden, na may mabibigat na eksena na na-deliver ng Kapuso actor nang maayos.

Read: James Graham says moving to the U.S. helped him come out
