PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash

Kara David: "Mahigit isang buwan po naming sinaliksik ang isyung ito."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 7 hours ago
boss toyo kara david subic dumpsite
Vlogger Boss Toyo (left) clarifies his stance and apologizes after his posts about journalist Kara David's I-Witness documentary on the Subic dumpsite went viral.
PHOTO/S: YouTube

Humingi ng paumanhin ang content creator-businessman na si Boss Toyo matapos sitahin ng netizens ang pagtungo niya sa lugar ng mga Aeta sa Subic, Zambales.

Ito ay matapos iere sa award-winning documentary program ng GMA-7 na I-Witness ang dokumentaryong Ibinasurang Paraiso ni Kara David noong July 11, 2026.

Tinalakay sa dokumentaryo ang isang Aeta ancestral land sa Subic, Zambales, na ginawang dumpsite ng lokal na pamahalaan simula pa noong 2019.

Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash
Photo/s: IWitness
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na nakausap ni Kara, pinili nilang gawing pansamantalang dumpsite ang lugar dahil sa paniniwalang wala itong kalapit na komunidad na maaapektuhan.

Ngunit taliwas ito sa salaysay ng mga Aeta na nakapanayam sa dokumentaryo.

Ayon sa kanila, matagal na silang naninirahan sa lugar bago pa man ito gawing tambakan ng basura.

Sinabi rin umano sa kanila ng LGU ng Subic na pansamantala lamang gagawing tambakan ng basura ang kanilang lugar habang naghahanap pa ito ng permanenteng lokasyon.

Read: Bea Alonzo "at my happiest" after marrying Vincent Co

Dito na nagsimula ang kanilang kalbaryo dahil araw-araw ay may mga truck ng basura na nagtutungo sa kanilang komunidad upang magtapon ng iba't ibang uri ng basura mula sa siyudad.

Unti-unti ring kumalat ang mabahong amoy mula sa tambak na basura, na nakaapekto sa kanilang kabuhayan, pinagkukunan ng inuming tubig, at kapaligiran.

Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, napilitang lumikas ang ilang pamilyang Aeta mula sa lupa ng kanilang mga ninuno.

Hanggang sa noong 2022, natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng dumpsite na nagsimula noong 2019, at doon inutusan ang lokal na pamahalaan na ipatigil ito dahil lumalabag ito sa Ecological Solid Waste Management Act.

Gayunman, tumagal ang operasyon nito ng halos tatlong taon pa bago tuluyang isinara noong March 2026.

BOSS TOYO's DUMPSITE VISIT

Mabilis naging usap-usapan online ang dokumentaryo ni Kara. Maraming netizens ang nagpahayag ng simpatiya sa kalagayan ng mga katutubong Aeta.

Isa sa mga nagpunta sa lugar ay ang content creator na si Boss Toyo.

Sa kanyang Facebook post noong July 18, ibinahagi niya ang naging karanasan matapos personal na bumisita sa dumpsite na tinawag niyang "ground zero."

Taliwas sa dokumentaryo ni Kara, ani Boss Toyo, wala siyang nalanghap na masangsang na amoy mula sa mga basura.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, maging ang mga residenteng Aeta na kanyang nakausap ay nagsabing wala rin umano silang naaamoy.

Mababasa sa post ni Boss Toyo (published as is): "Masuwerte kaming pinayagan at nakarating kami sa ground zero ng Subic dumpsite kasama ang mga katutubong Aeta na nakatira sa paanan ng dumpsite.

"Nagulat ako dahil wala akong naamoy na masangsang na amoy. Tinanong ko sila kung normal ba iyon, at sinabi nilang wala raw talagang mabahong amoy—kahit mga langaw ay halos wala.

"Tinanong ko rin kung saan sila nakatira. Itinuro nila ang kanilang komunidad sa ibaba ng bundok.

"Wala nang ibang kabahayan sa paligid at kailangan pang bumiyahe ng humigit-kumulang 7 kilometro bago makarating sa susunod na lugar.

"Nalaman ko rin na pribadong tao na ang may-ari ng lupang ito."

Ayon pa kay Boss Toyo, hiwa-hiwalay o segregated ang mga basurang nasa dumpsite at karamihan umano ay mga hindi nabubulok, gaya ng plastic.

Saad niya: "Gayunpaman, nakakalungkot pa rin isipin na ang mga basurang narito ay nagmula sa ating mga lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil wala nang sapat na mapaglagyan ng basura sa mga siyudad, nauuwi itong dinadala sa mga liblib at malalayong lugar.

"Ayon din sa mga impormasyong nakalap ko, segregated na ang mga basurang narito at karamihan ay mga hindi nabubulok na plastik.

"Kaya sana, tayong mga nakatira sa siyudad ay magsimulang bawasan ang paggamit ng mga single-use at non-recyclable plastic.

"Hindi lang ito tungkol sa tamang pagtatapon ng basura, kundi sa pagbabawas ng basurang nalilikha natin araw-araw.

"Dahil ang tunay na tanong ay: Saan nga ba talaga mapupunta ang lahat ng basurang galing sa ating mga siyudad?"

Giit pa ni Boss Toyo, hindi lang lokal na pamahalaan ang dapat sisihin sa nangyari, kundi maging ang mga taga-siyudad na gumagamit ng plastic.

Ito'y kahit pa malinaw sa dokumentaryo ni Kara David na ang LGU ang nag-utos na sa lupain ng mga Aeta itapon ang mga basura galing siyudad.

Sabi ng content creator: "Hindi lang mga LGU o ang DENR ang dapat nating sisihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bilang mga mamamayan, may pananagutan din tayo.

"Hangga't patuloy tayong gumagamit ng mga plastik at iba pang materyales na hindi madaling mabulok nang walang pag-iingat, patuloy ding lalaki ang problemang ito.

"Ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin."

BOSS TOYO FACES CRITICISMS AFTER CONTROVERSIAL DUMPSITE VISIT

Lumalabas na magkaiba ang karanasan at nasaksihan ni Kara at ni Boss Toyo.

Dahil dito, marami sa netizens ang nagbitiw ng alegasyong tila kinokontra ni Boss Toyo ang nauna nang ipinakita sa dokumentaryo ni Kara.

Komento ng isang netizen: "Kara David studied the situation, researched, and made a documentary that will not only help the Aeta but also the environment. Tapos, ganun lang comment wala daw amoy. Apaka good job mo naman Boss Toyo."

Sabi pa ng isa: "Boss Toyo. You're my idol. The way you help others by doing charity for the indigenous people or simple people who you know need it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I hope you will study and learn more deeply about what Ms. Kara David has been doing for years, dedicating her life to journalism.

"We all know that what she does is not a joke. It's serious and all studied, balanced and fair in simple words. Everything is detailed.

"It's much better to focus on where we are known. And not to prioritize or belittle the previous documentary."

Read: Guests at Bea Alonzo and Vincent Co’s intimate civil wedding

Dagdag pa ng isa: "Before creating or posting content, it's important to do proper research and understand what is really happening.

"Being a content creator should not be about using other people's experiences or situations simply to gain views or engagement.

"It should be an opportunity to inform, educate, and help Filipinos better understand reality.

"When a creator presents a perspective that appears to contradict well-researched journalism, it's important to support claims with firsthand observation, credible sources, and verified facts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Posting content without taking the time to explore the area or understand the situation can easily spread misinformation and give people the wrong impression."

KARA DAVID'S REACTION TO BOSS TOYO'S POST

Nagkomento rin si Kara David sa Facebook post ng isang netizen na nagbahagi ng screenshots ng pahayag ni Boss Toyo.

Isa sa kanyang itinuwid ay ang pahayag ni Boss Toyo na pribadong indibidwal ang nagmamay-ari ng lupang kinaroroonan ng dumpsite.

Read: Kara David at Karen Davila, may maanghang na komento sa korapsyon

Pahayag ng veteran broadcast journalist: "Mahigit isang buwan po naming sinaliksik ang isyung ito.

"DENR mismo ang nagpasara sa dumpsite dahil ito ay declared illegal.

"NCIP (National Commission on Indigenous Peoples) mismo ang nagsabi, na ito ay ancestral land (not owned by a private individual).

"Nag-interview kami ng mga Ayta at pinuntahan ang mga bahay nila.

"At para patas, kinuha din namin ang panig ng mayor’s office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malinaw na may paglabag sa batas at sinabi ng Mayor’s Office, we accept accountability."

"Napanood niyo naman siguro. Kayo na lang po ang humusga,” hamon pa ni Kara.

Boss Toyo apologizes after posts on Kara David

Humingi ng paumanhin si Boss Toyo matapos makatanggap ng batikos.

Sa isang Facebook post noong July 19, nilinaw niya ang kanyang naratibo matapos ang pagbisita sa naturang dumpsite.

Boss Toyo apologizes after Kara David documentary backlash
Photo/s: Boss Toyo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, wala siyang intensiyong ipagtanggol ang sitwasyon sa lugar o ang lokal na gobyerno ng Subic.

Saad ni Boss Toyo: "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa aking naratibo sa pagbisita ko sa dumpsite sa Subic.

"Pareho niyo, ayaw ko ring makita ang ating kabundukan na maging tapunan ng basura.

"Kaya nga po ako nagpunta dun agad dahil para makita ang kalagayan nila."

Ayon kay Boss Toyo, base sa kanyang nakausap na mga kagawad na malapit sa dumpsite, wala umanong komunidad na lumikas o nawalan ng tirahan sa lugar.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla eyed for a reunion movie?

Gayunman, humihingi siya ng paumanhin sa publiko anuman ang naging pananaw ng mga tao sa nauna niyang pahayag.

"Ayon sa mga kagawad sa baba ng dumpsite, walang komunidad na lumikas o nawalan ng tirahan dun.

"May amoy o wala. May komunidad o wala. May langaw o wala. Pasensya po sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko rin lang na mamulat tayo na sa atin din galing ang mga basurang yan. Sa siyudad na wala nang mapaglagyan.

"Kung hindi tayo magkakadisiplina, tanggapin man natin o hindi, darating ang araw na talagang marami pang dumpsite na katulad nito ang makikita natin."

Nilinaw ni Boss Toyo na wala siyang balak makipagtalo sa mga kritiko at trolls.

Ayon sa kanya, ibinahagi lamang niya ang personal na naabutan sa dumpsite at ang mga impormasyong nakuha mula sa mga namamahala at mga opisyal ng komunidad.

Lahad niya: "Muli, pasensya po sa lahat. Wala po akong planong makipagtalo o mag-argue, lalo na po sa mga trolls.

"Ang aking naratibo ay ang aking naabutan sa dumpsite at ang iba pang kasagutan ay mismo sa mga namamahala at mga kagawad sa komunidad na malapit sa dumpsite.

"Walang sobra walang kulang. Pasensya po sa lahat. Pasensiya po kung iba po ang naging punto ko sa punto niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pasensiya po, wala po akong pinagtatanggol. Sinabi ko lang po ang aking naabutan sa dumpsite; walang labis at walang kulang.

"Yung mga galit niyo at mga trolls, mas maigi na simulan niyo nang huwag gumamit ng mga plastic at non-recyclable materials upang hindi na makadagdag sa basura."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger Boss Toyo (left) clarifies his stance and apologizes after his posts about journalist Kara David's I-Witness documentary on the Subic dumpsite went viral.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results