PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Reason behind Erik Matti-Neil Daza rift revealed

...according to PEP Troika sources.
by PEP Troika
Published 20 hours ago
neil daza-erik matti rift
According to PEP Troika sources, the Erik Matti–Neil Daza rift is reportedly linked to a concern raised by the late actress Sue Prado.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Type na type talaga ng karamihan ang isyu ng mga nag-aaway sa showbiz.

Akala namin, hindi interesado ang karamihan sa bangayan ni Direk Erik Matti at ng cinematographer na si Neil Daza.

Pero ang daming nagtanong sa amin kung bakit sila nag-aaway.

Nagpalitan sila ng maanghang na pahayag sa social media, pero hindi nilinaw kung saan nag-ugat ang kanilang hidwaan.

May kinalaman ba ito sa Eddie Garcia Law o Republic Act No. 11996, na pinuprotektahan ang "welfare, health, and safety of movie and television industry workers?"

Kailangan pa nilang magharap sa Film Academy of the Philippines (FAP), pero tila mas lumala pa.

Hindi pinalagpas ni Direk Erik ang patutsada ni Neil.

neil daza vs erik matti
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Erik Matti at Neil Daza, nagtatalo dahil sa Eddie Garcia Law

What sparked Erik Matti–Neil Daza rift

Pero ano ba talaga ang kanilang pinag-awayan?

Wala pa kaming nakakausap sa dalawa, pero may mga ilang reliable sources kaming nakakausap na may ideya sa hidwaan nila.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, nagsimula raw ito sa hinaing ng namayapang aktres na si Sue Prado, na kasama sa BuyBust: The Undesirables na ginagawa ni Direk Erik.

sue prado tributes
Sue Prado
Photo/s: Mercedes Cabral Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May shooting daw silang naka-lock in, pero hindi naman lahat ng araw ay nagagamit ang mga artista.

Diumano'y binabayaran ang artista kung may shoot. Kung walang trabaho sa lock in, walang bayad.

Ito raw ang inireklamo ni Sue dahil nanghihinayang siya sa mga araw na hindi siya nakasalang at nakatengga lang sa location.

Sana, nakatanggap pa raw siya ng ibang trabaho kung hindi siya naka-lock in.

Hindi namin alam kung paano nakarating kay Neil Daza, pero siya ang nakipaglaban para kay Sue.

Hindi na namin inurirat kung ano ang koneksiyon ni Neil kay Sue, na pumanaw noong Abril 14, 2026.

Nakamatayan na ng aktres ang isyu, na nabuhay dahil sa post ni Neil.

Umabot pa ang isyu sa assistant director na diumano'y idinamay rin ni Neil.

Kaya lalong tumindi ang rift.

Sabi ng ilang napagtanungan namin at kakilala ang cinematographer, may ganung ugali raw siya na pag nakaka-relate sa isang issue, he will make a stand.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala pag balita kung na-resolve ba ng FAP ang naturang isyu.

May mga nasagap pa tuloy kaming ibang kuwento kaugnay sa isyung ito, at lalo na kay Neil na hindi namin personal na kilala.

Read: Vice Ganda apologizes over criticized It’s Showtime jokes

NOEL FERRER

Oo, nasa jurisdiction ng FAP talaga ito.

At umaasa talaga tayong maresolba ito at magkaroon ng maayos na kahihinatnan.

Iba na talaga ang panahon.

At dahil may social media na, yung mga dati-rating gusot ay nabibigyan ng lunas at nailulugar nang tahimik.

Sa mga isyung nilalantad sa publiko, may tendency talagang nahahati tayo.

At nakakapag-comment ng masakit at imbes na maresolbahan, lumalalim, at (huwag naman sana) lumalala pa ito.

Sana talaga, humantong ito sa maayos na resolusyon. Ceasefire muna sa parunggitan at personal na tirada.

Sa huli’t huli, sana’y manaig yung ikabubuti ng tao at ng ating industriya!

JERRY OLEA

Nagtanong kami kay FAP Director General Paolo Villaluna via Messenger kung maghaharap muli ang mga panig nina Direk Erik Matti at Neil Daza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tugon ni DG Paolo: “The Film Academy can't discuss or comment regarding ongoing legal processes—and urges all parties involved to refrain from further commenting publicly in order to protect the integrity and impartiality of the Academy’s process.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to PEP Troika sources, the Erik Matti–Neil Daza rift is reportedly linked to a concern raised by the late actress Sue Prado.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results