JERRY OLEA
Dalawang pelikula ni Sassa Gurl ang ipalalabas sa mga sinehan next month.
Setyembre 2, 2026 ang playdate ng Saving Cherry, kung saan isa siya sa mga suporta kay Barbie Forteza.
Ang launching film niyang Multwoh (Patay na Patay sa Yo) ay kalahok sa 3rd Puregold Cine Panalo filmfest sa Setyembre 23-Oktubre 4.
Originally ay si Martin del Rosario ang leading man sana ni Sassa Gurl sa Multwoh. Nag-shoot na nga sila ng teaser, bago pa nag-qualify ang script nito sa Cine Panalo.

Pero yung lock-in shoot ng Multwoh ay conflict sa sched ni Martin, kaya pinalitan ito ni Joao Constancia.
“Yes po, yes,” mabining sabi ni Sassa Gurl sa mediacon ng Saving Cherry noong Agosto 3, 2026, Lunes, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Nagtampo ba siya kay Martin?
“Ako naman po, naniniwala naman po ako, when the right time comes, makaka-work ko talaga si Martin,” pananalig ni Sassa Gurl.
“Ako talaga, first time kong nakita si Martin, nakita ko na talaga yung commitment niya talaga dito sa pelikula.
“Unfortunately kasi, tulad ng pelikulang Multwoh, hindi agad kami nakakuha ng funding para ma-shoot agad.
“So, hindi ko masisisi si Martin kung magkakaroon siya ng ibang priority para sa career niya, di ba?
“Pero sobrang nilu-look forward ko talaga maka-work si Kuya Martin. Sobrang kinikilig ako sa kanya!”
Read: Barbie Forteza's Vegas divorce remark gets legal response
SASSA GURL'S NEW LEADING MAN
Kumusta naman ang kapalit na si Joao?
“Of course naman, siyempre, Joao na yan. Aarte pa ba ako, di ba?” sambit ni Sassa Gurl.
“So ayun. Nung nalaman ko na si Joao, sabi ko… actually, magpapakatotoo ako, ha?!
“Hindi ko masyadong napapansin dati si Joao. Ang kapal ng mukha kong sabihin ito, pero alam mo yon?!
“I mean, alam kong pogi siya pero I really don’t mind Joao nung before. Tapos nung nakatrabaho ko na, nakita ko yung depth ni kuya.
“Yung lalim niya. At saka yung talent niya.
“Dun ako mas naging interested sa kung sino siya, at saka kung ano yung kaya niyang ibigay as an actor.
“At hindi talaga ako na-disappoint sa ibinigay niya. Talagang ibinigay niya lahat. Aaayyy!!!” tili ni Sassa Gurl.

Read: Ramona Revilla reacts to former talent manager Lito de Guzman's arrest
GORGY RULA
Ano sa palagay niya ang magiging MTRCB rating ng Saving Cherry at Multwoh?
Napatili muli si Sassa Gurl: “Aaayyy!!! Etong Saving Cherry, sobrang dami naming nakakalokang ginawa. So I think, R-13.”

Maliban kina Barbie at Sassa Gurl, nasa cast ng Saving Cherry sina Khalil Ramos, Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio, Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, at Almira Muhlach, sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.
Pagpapatuloy ni Sassa Gurl: “Ganun din naman sa Multwoh. Kasi I think medyo may mga konti kami dito na mga pa-daring scenes na very, very, very, very light lang naman.
“Pero kasi ang Multwoh kasi ay love story talaga siya. And I think, ito ay puwedeng mapanood ng kahit sino man, at ma-inspire ang lahat.
“Kasi kuwentong pagmamahal lang naman ang Multwoh.”
Walang eksenang ka-X-X?
“Ay!!! Abangan nyo! Ay, yun, e! Abangan ninyo, malay niyo, meron, di ba?!” sey ni Sassa Gurl.
“Ikakataas ng libido ng mga bakla!”
Ang direktor ng Multwoh ay si Rodina Singh, na nagdirek ng Cine Silip 2025 entry na Dreamboi.
Dalawang beses na-X ng MTRCB ang Dreamboi bago nabigyan ng rating na R-18.
Read: MTRCB, ipinatawag ang Viva dahil sa pagmumura ni Sassa Gurl
NOEL FERRER
Hindi lang bida sa pelikulang Multwoh sa Sassa Gurl, kundi producer din.
Pahayag ni Sassa Gurl: “Ang natutunan ko as a producer, eto kasi, kapag aktor ka lang kasi — ang trabaho mo lang, sarili mo, e.
“Ngayon, as a producer, io-overlook mo lahat ng mga bagay. At alam mo na mahirap talagang magpelikula.
“At ang natutunan ko dito, yung kailangan mo talagang i-prepare lahat. Planuhin lahat. Lalung-lalo na sa pelikula namin, wala kaming masyadong budget.
“So, kailangan talagang maplano ang lahat ng bagay at alam mo yun, maging mabait talaga sa mga tao.
“Maging mabait sa staff. Yun talaga ang pinakaimportante. Kasi we’re doing art here. Dapat masaya ito.
“So ayun, masaya naman kami sa set.”
Read: Dagul appeals to former co-stars for work amid health woes
