PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes reacts to Spider-Man, The Odyssey box-office success

FDCP Chair: "Hindi presyo ng sinehan ang problema."
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
joey reyes the odyssey spider-man
With Spider-Man: Brand New Day nearing PHP600 million in the Philippines and The Odyssey also posting strong numbers, FDCP Chairman Joey Reyes says audiences are still willing to pay as long as the movie is worth watching.
PHOTO/S: Jerry Olea / Universal / Marvel

JERRY OLEA

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $1.188B ang worldwide gross ng Spider-Man: Brand New Day.

Yung The Odyssey ay $939M na ang global gross.

Dalawang linggo lang ang pagitan ng showing ng The Odyssey at Spider-Man: Brand New Day.

Parehong nasa cast ng dalawang pelikula sina Tom Holland, Zendaya, at Jon Bernthal.

Ayon sa Columbia Pictures Philippines, naka-PHP587M ang Spider-Man: Brand New Day sa unang limang araw nito sa lupang hinirang, mula Hulyo 29, 2026, Biyernes, hanggang Agosto 2, Linggo.

JOEY REYES ON BACK-TO-BACK BOX-OFFICE SUCESS OF HOLLYWOOD MOVIES

Sa opening ceremony ng Cinemalaya 22: Reel Reflections noong Agosto 6, Huwebes, sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, isiniwalat ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Jose Javier Reyes aka Direk Joey na naka-PHP600M na ang Spider-Man sa takilya ng Pilipinas, samantalang yung The Odyssey ay umabot sa P400M.

“Nagpapatunay lang ng isang bagay,” sabi ni Direk Joey nang makatsikahan ng PEP Troika bago ang programa sa opening ceremony ng Cinemalaya 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na hindi presyo ng sinehan ang problema. Dahil kung gustong panoorin, papanoorin!

“Kung gustong kayanin panoorin, kakayanin.

"Dahil hindi mo naman sasabihin, na yung gumawa ng PHP600M in a week and a day, ay puro mayayaman lang.

“So, nangangahulugan, it better be worth your money!”

Nakakalungkot ding five weeks na walang bagong pelikulang Pinoy na ipinalabas sa ating mga sinehan. Walang bagong Pinoy movie sa local cinemas sa buong buwan ng Hulyo 2026.

“Well, hindi ako nagtataka. Dahil sa hirap ng paggawa ng pelikula,” hinay-hinay na tugon ni Direk Joey.

“Yung gastos sa paggawa ng pelikula na pataas ng pataas. At saka bihirang-bihira ang kumikita.

“Kasi up to now, ilan ba ang kumita [this year]? Dalawa?

“E, kung minsan, sasabihin mo, ay! Talagang hindi sila magpo-produce. Kaya iyon ang problema natin — mahikayat ang producers na mag-produce pa rin.”

Kabilang sa Pinoy movies na ipinalabas sa first half ng 2026 ang The Loved One, A Special Memory, Tayo Sa Wakas, Love, Ngo, at Home Along Da Riles: Da Reunion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Spider-Man: Brand New Day becomes 2026's highest-grossing movie

GORGY RULA

May netizens na nag-react sa pahayag ni Direk Joey Reyes kaugnay sa playdate ng pelikulang Remember starring Dingdong Dantes and Marian Rivera, kung saan isa sa producers ang ABS-CBN Productions o Star Cinema.

Sabi ni Direk Joey noong Hulyo 8 sa Cinemalaya mediacon doon din sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza: “November yan. Pakiwari ko, surefire hit yan. Kasi Quebec et cetera chuva-chuva.

“Right before the filmfest [MMFF]. Apektado niyan ang filmfest. Tarantado rin talaga ang Star Cinema.

“Magandang playdate ang November, kasi November ang bonus! November ang bonus.”

Sa mga nag-hanash, ang pahayag ni Direk Joey: “Strategy yon. Alam mo, kung ipapaliwanag mo ang lahat ng sinasabi mo sa lahat ng tao, mauubos na ang laway mo, mapuputol na ang dila, hindi mo pa rin mabibigyan ng paliwanag.

“Ang ibig ko lang sabihin, kanya-kanyang diskarte yan. But I will not be surprised na mangyayari uli iyan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ramona Revilla reacts to former talent manager Lito de Guzman's arrest

NOEL FERRER

Facebook post ni Direk Joey Reyes recently: “A most fruitful and fulfilling day at the Office of the Ombudsman!”

Ang tamis ng ngiti ni Direk Joey sa litrato.

“Meron lang tinanong sa akin. Mga bagay-bagay na hindi ko puwedeng sabihin,” pakli ng multi-awarded writer-director.

“May mga tinanong lang sa akin. Mabait naman sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

22ND CINEMALAYA

Ano ang inaasam niya para sa 22nd edition ng Cinemalaya indie filmfest?

“Sana, pagbigyan ng tao. Sana puntahan nila at panoorin nila yung mga bagong boses ng mga Filipino filmmakers,” sambit ni Direk Joey.

“Dahil ngayon, para sa akin, wala nang pagkakaiba ang commercial at ang independent. Lahat yan, Philippine cinema.

“Ang importante, subaybayan nila at tulungan nila ang Philippine cinema.

“At sa mga producer, dahil diyan sa nangyari sa Spider-Man at sa The Odyssey, sana matauhan sila.

“Na ang importante, yung ginagawa mo ay may kahalagahan para sa tao na maglabas ng pera at lumabas ng bahay.”

Ang Cinemalaya 2026 ay mula Agosto 6, Huwebes hanggang Agosto 18, Biyernes.

Ang prime venue ay ang Shangri-La Plaza, kung saan apat na sinehan ang inilaan para sa pagpapalabas ng siyam na full-length films at dalawang sets ng short films.

Palabas din ang mga iyon sa apat na sinehan ng Gateway Mall II sa Cubao, Quezon City, maging sa piling sinehan ng Ayala Malls (Ayala Malls Manila Bay, Glorietta, Ayala Malls Circuit, Market! Market!, at Trinoma).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ticket prices para sa Cinemalaya 22 ay PHP350 (regular) at PHP250 (student).

May 20% discount para sa senior citizens, PWDs, national coaches, at national athletes.

Read: Cinemalaya 2026 Ultimate Guide: Schedule, tickets, venues, FAQs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With Spider-Man: Brand New Day nearing PHP600 million in the Philippines and The Odyssey also posting strong numbers, FDCP Chairman Joey Reyes says audiences are still willing to pay as long as the movie is worth watching.
PHOTO/S: Jerry Olea / Universal / Marvel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results