PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal proud of Mommy Guard's director Roman Perez Jr.

Wala ba talagang malisya sa pagitan nila ni Marvin Agutsin?
by PEP Troika
Published 17 hours ago
jolina magdangal with marvin agustin
Jolina Magdangal reunites with long-time screen partner Marvin Agustin--after sharing the big screen last year, the two are now teaming up for a TV series.
PHOTO/S: Gerry Olea

JERRY OLEA

Ang haba ng hair ni Jolina Magdangal sa morning serye na Mommy Guard ng TV5.

Sa takbo ng istorya, bale tatlo ang leading man o love chuva choo-choo ni Mommy Jolens—sina Marvin Agustin, Dominic Ochoa, at Cedrick Juan.

Jolina Magdangal's LEADING MEN

Natatawang sabi ni Jolina sa mediacon noong Agosto 6, 2026, Huwebes, sa MVP Studio, Sheridan St., Mandaluyong City: “Oo, bago nga yung isa, si Kuya Guard!

“Pero ano, natutuwa ako na meron kaming makakatrabaho na yung si Cedrick nga, and si Papa Dom, at saka si Marvin.

Two consecutive na silang may project ng perennial screen partner niyang si Marvin.

Dugtong niya: “Pero si Papa Dom, iba rin yung relationship ni Papa Dom dahil sa lagi nga naming pinagsasamahan ay siya yung third, yung kumbaga third wheel?

“Ahhmm siya yung… ano ba? Ano ba yung tawag sa ganun? Love triangle? Siya yung love triangle.

“So iba rin na ngayon dito, hindi siya triangle. Kasi asawa ko siya talaga dito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero mabigat o magaan man yung role, yung sila, yung kasama ko, isa yun sa nagpa-yes din sa akin.

“Bukod dun sa siyempre, number one, yung story and yung support na binigay at love ng TV5.

“Nakakatuwa kasi yun din ang gusto ko hanggang ngayon, ipakita sa mga tao na lahat ng pinipili kong project, meron silang bago na makikita sa akin.”

Kasama rin sa bantay seryeng Mommy Guard sina Susan Africa, Roxanne Guinoo, Pearl Gonzales, Amo Wilding, Nathalie Apollo, Patrick Ballesteros, Celyn David, Ge Villamil, Quinn Carrillo, at ang Pitik Queen na si Ian Mark Kamangkang.

Read: Kris Aquino returns to the screen as Netflix's new C.H.I.K.A.

NOEL FERRER

THE MARJO LOVE TEAM

Halos tatlong dekada na ang MarJo tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Tampok sila sa “Tameme” episode ng twinbill na FLAMES: The Movie noong Hulyo 1997, na nasundan agad ng mga pelikulang Kung Ayaw Mo, Huwag Mo noong Pebrero 1998, at Labs Kita… Okey Ka Lang? noong Agosto 1998.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ilang taon yung supposedly mga roles nung mga anak namin ngayon?” say ni Jolens.

“Sabi ko, ‘Ay, kung talagang nagkatuluyan pala dati, may mga 28 years old na tayo, mga ganun.”

Huling tambalan nila ni Marvin sa pelikula ay sa Ex Ex Lovers na ipinalabas noong Pebrero 12, 2025.

“Kaya naman ako doon naki-co-produce, kasi parang tinuturuan din ako ni Marvin about business,” sambit ni Jolina.

“And natutuwa ako na tinuturuan niya ako. At saka siguro kaya rin parang sumali ako doon, dahil gusto kong nalalaman ko lahat yung story, paano mangyayari, ganyan.”

Read: KATSEYE’s Sophia Laforteza takes hiatus to focus on mental health

GORGY RULA

MOMMY GUARD'S DIRECTOR

Sabi ni Direk Roman Perez Jr., tatlong season na ang nakalatag para sa bantay seryeng Mommy Guard.

“Alam niyo ba na si Direk Roman ay kasama ko rin dati? P.A. [production assistant] siya noon,” pagsisiwalat ni Jolina Magdangal.

“Sobrang napa-proud ako sa kanya nung maging direktor siya. Tapos sabi ko dati, sana makatrabaho ko uli si, [ang] tawag ko pa, Roman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So ngayon na dito, antagal na pala niya ako hinahanap, di ba?”

Umarangkada si Direk Roman sa Vivamax (VMX) movies na Siklo, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, Salakab, Paluwagan, Pasahero, Sitio Diablo, Taya, Balik Taya, Kalakal, at Unang Tikim.

Idinirek din niya ang Boy Kaldag, Putahe, Aliwan Inn, The Housemaid, Takas, House Tour, Adan, Domme, Kamadora, Litsoneras, Las Ilusyunadas, Balahibong Pusa, Maalikaya, Bayo, at iba pa.

Nang mapabalitang si Direk Roman ang magdidirek ng bagong MarJo project, may mga nagbiro na magbi-Vivamax na sina Jolina at Marvin.

Natawa si Jolina.

Payag ba siyang makipag-bed scene kay Marvin?

Mabining tugon ni Jolina, “Alam niyo, may ginawa kami dating soap opera, yung FlordeLiza [Enero-Agosto 2015], meron dun.”

Parang walang malisya pa rin, e.

“Talaga ba? Baka talagang walang malisya kapag kaming dalawa!” bulalas ng 47-anyos na si Momshie Jolens.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal reunites with long-time screen partner Marvin Agustin--after sharing the big screen last year, the two are now teaming up for a TV series.
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results