GORGY RULA
Noong Huwebes, August 6, 2026, bumalik si Vice Ganda sa It’s Showtime at mukha namang inabangan siya ng mga followers niya dahil tumaas ang rating ng noontime show.
Nung araw na yun ay nakapagtala ito ng 5.9%, habang ang Eat Bulaga! ay may 3.8%, ayon sa NUTAM TV ratings.
Kinabukasan, Biyernes, ay pumirma ang Unkabogable Superstar ng renewal ng kontrata sa ABS-CBN.
VICE GANDA'S TV PROJECT
Doon niya sinabing may gagawin siyang show para sa GMA-7.
Halos iisa ang hula ng karamihan, malamang na Gandang Gabi Vice daw ito.

Ito rin kasi ang request ng karamihan na sana nga raw ay ibalik na ni Vice Ganda ang masaya niyang celebrity talk show.
Nung naka-dinner ang actor-host ng ilang entertainment media, gusto rin daw niyang maibalik na ang Gandang Gabi Vice.
At ito rin ang nasagap ng PEP Troika na simula September ay babalik sa ere ang Gandang Gabi Vice, at mapapanood na sa GMA 7.
Ayaw lang kumpirmahin ng aming reliable source dahil mas mabuting ang ABS-CBN na raw ang maglabas ng official announcement tungkol sa pagbabalik ng programa.
Read: Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project
JERRY OLEA
Kapamilyang Kapuso si Vice Ganda dahil ang ABS-CBN noontime show niyang It’s Showtime ay umeere sa GMA-7.
Kapamilyang Kapatid din ang Unkabogable Superstar dahil napapanood sa Singko tuwing weekend ang kanyang Everybody Sing!
Sa pagsasanib-puwersa nila ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival 2026 official entry na The Greatest Showdown, abang-abang tayo kung bubulaga si Vice sa Eat Bulaga!, at kung magso-show si Bossing Vic sa It’s Showtime.
Ang saya-saya! Bonggang-bongga ka talaga, Vice Ganda!!!
Read: KATSEYE’s Sophia Laforteza takes hiatus to focus on mental health
NOEL FERRER
Agree ako rito!
Vice Ganda is more than the ratings, more than box office hits, more than the network. For me, cultural icon na siya.
Kaya nakaka-excite kung ano pa yung kaya niyang gawin na maganda at kapaki-pakinabang para sa atin dahil sa kakayahan at impluwensiya niya.
He can inspire people to do good hindi lang para sa sarili, o sa pamilya, kundi para rin sa bansa! Tuluy-tuloy lang, Vice!!!
