PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project

Vice: "Actually, kahit wala namang contract, habang-buhay akong Kapamilya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 10 hours ago
Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project
Vice Ganda remains a Kapamilya after signing a new ABS-CBN contract while teasing an upcoming project with GMA-7.
PHOTO/S: Vice Ganda on Instagram

Muling pinatunayan ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang kanyang katapatan at pagmamahal sa ABS-CBN matapos niyang pumirma ulit ng bagong kontrata sa kanyang home network.

Nitong Biyernes, August 7, 2026, naganap ang contract signing ni Vice, kasama ang ABS-CBN executives na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President and CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer Cory Vidanes, at Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr.

Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project
Cory Vidanes, Carlo Katigbak, Vice Ganda, Mark Lopez, and Ricardo B. Tan Jr. (left to right).
Photo/s: Vice Ganda on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ni Vice sa TV Patrol, inihayag niya ang labis na kagalakan.

Aniya, may kontrata man o wala, nananatili siyang tapat sa ABS-CBN at habambuhay siyang magiging Kapamilya.

Nakangiting pahayag ni Vice: "Pumirma na ulit ako ng kontrata sa ABS-CBN, ang aking pagpapatuloy ng pagiging Kapamilya.

"I am very, very happy.

"Actually, kahit wala namang contract, habang-buhay akong Kapamilya.

"Isang malaking honor and privilege na matawag na Kapamilya."

Read: How is It's Showtime faring in the ratings game without Vice?

Hindi rin nakaligtaang magpasalamat ni Vice sa kanyang mga bosses sa ABS-CBN dahil sa patuloy na pagtitiwala ng mga ito sa kanya.

Saad niya: "Siyempre, we always professionalize the partnership kaya maraming-maraming salamat po sa lahat ng aking mga bosses.

"Sa lahat ng pagmamahal na patuloy kong natatanggap mula sa mga Kapamilya."

VICE GANDA TEASES UPCOMING PROJECTS WITH GMA-7

Kasunod nito, nangako si Vice na patuloy niyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang makapaghatid ng saya at de-kalidad na mga proyekto sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Vice Ganda signs new ABS-CBN contract, teases GMA-7 project
Photo/s: Vice Ganda on Instagram

"Patuloy akong gagawa ng proyekto sa mga Kapamilya under ABS-CBN.

"Sila na ang pinakamalaking supplier ng pinakamalaking content sa iba’t ibang platforms.

"Masaya ako na isa pa rin ako sa pinipili nila na magdala at gumawa ng contents nila na maipapalabas sa iba’t ibang platforms."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vice Ganda apologizes over criticized It’s Showtime jokes

Sundot na tanong sa kanya, "So, marami pang aabangan sa iyo?"

Mabilis na sagot ng It's Showtime host, "Yes, next month mayroon silang nakalinyang project sa akin sa GMA-7 at marami pang susunod."

Diin pa niya: "Sa lahat naman ng projects ko, kung saang platform man ako makita, hindi puwedeng hindi ko kasama ang ABS.

"Sa lahat ng project na gagawin ko sa ibang platforms ay kasama ko ang ABS."

NETIZENS REACT TO VICE GANDA’S UPCOMING GMA-7 PROJECT

Bagamat walang detalye na ibinigay si Vice tungkol sa proyektong gagawin sa GMA-7, marami sa kanyang mga tagahanga ang excited.

Read: Vic Sotto-Vice Ganda movie among first 4 MMFF 2026 entries

Sabi ng isang netizen sa X: "I hope GGV ito. Kasi kung ito nga, mas masaya ito kasi mas malawak ang sakop ng magiging guest niya."

Hiling pa ng isa, "Sana GGV!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy nilang GGV ay ang Gandang Gabi Vice, ang dating late-night talk show ni Vice sa Kapamilya Network na umere mula 2011 hanggang 2020.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda remains a Kapamilya after signing a new ABS-CBN contract while teasing an upcoming project with GMA-7.
PHOTO/S: Vice Ganda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results