PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What it’s like to shoot Kaka Sa Yawan film and meet the Mangyans

“Naging break ko po siya from everything stressful, e…yung film...."
by PEP Troika
Published 11 hours ago
kaka sa yawan shoot in oriental mindoro
The Cinemalaya 2026 full-length feature Kaka Sa Yawan portrays the life of the Mangyan Tadyawan tribe in Oriental Mindoro.
PHOTO/S: Screen Grab from Kaka sa Yawan

GORGY RULA

Noong Biyernes, August 7, 2026, nagsimula ang screening ng siyam na full-length features sa main competition ng Cinemalaya 22: Reel Reflections, na ginaganap sa Shangri-La Plaza, Gateway Cineplex, at select cinemas ng Ayala Malls.

So far, pawang positibo at magaganda ang naririnig naming komento sa mga pelikulang napanood ng mga kaibigan namin.

Kahapon lang ako nagsimulang manood, at dinaluhan ko ang gala ng pelikulang Kaka Sa Yawan, na entry ni Direk Alpha Habon.

Isa sa namataan naming dumalo sa gala at pinanood ang naturang pelikula ay si Direk Jeffrey Jeturian.

Nagpapasalamat si Direk Alpha na sinuportahan ito ni Direk Jeffrey na isa sa tinitingala niyang direktor.

Kaka Sa Yawan cast and crew
Kaka Sa Yawan cast and crew
Photo/s: Gerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: KATSEYE’s Sophia Laforteza takes hiatus to focus on mental health

Kaka Sa Yawan: Synopsis

Simple lang ang takbo ng kuwento ng Kaka Sa Yawan, na tumatalakay sa pagkakaibigan ng isang Mangyan sa isang taga-Maynila.

Pero ang isang interesting detail sa pelikulang ito ay ang pagpapakita sa kultura ng tribu ng Tadyawan ng mga Mangyan.

Ito naman talaga ang tinutukan ng naturang pelikula, kaya maingat si Direk Alpha sa pag-research, at halos isang taon niya itong tinutukan sa tulong ng National Commission of Indigenous People o NCIP.

Mabuti at nandiyan daw ang NCIP at napaka-cooperative daw ng buong tribu ng Tadyawan na Mangyan.

“Merong representative ang NCIP pag nagso-shoot po kami, and also the community, meron po kaming representative sa tabi po namin pag nagso-shoot namin, to consult kung tama ba yung ginagawa namin, yung rituals na ginagawa,” pahayag ni Direk Alpha.

Makulay raw kasi ang kultura ng mga Mangyan, at hanggang ngayon, ay napapanatili nilang buhay na buhay ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May sensitivities din po yung community that we have to follow according to the NCIP or the National Commission of Indigenous People,” dagdag ni Direk Alpha.

Ipinakita ang ilang ritwal ng mga Mangyan, kagaya ng panganganak at paglibing sa kanilang mahal sa buhay.

“So, meron silang rules to follow. So, kailangan very precise po yung galawan namin na na-achieve naman namin because of that.

“We want to represent them the best way that we could kasi the film naman is for them as well,” saad ni Direk Alpha.

Benedix Ramos and Dennis Dato
Benedix Ramos and Dennis Dato
Photo/s: Gerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: BLIND ITEM: Nepo baby, nakulong dahil sa shoplifting

NOEL FERRER

Kuwento tungkol sa friendship ng batang taga-Maynila na si Niko at ng Mangyan na si Ayan ang Kaka Sa Yawan.

Pero sa totoo lang, nabuo naman ang magandang friendship ng mga artistang kalahok sa pelikulang ito.

Naging close lalo ang batang artista rito na si Bryce Nicolo Mercader at ang batang Tadyawan na si Dennis Dato.

Nagkaroon sila ng activity sa SM Manila nung nakaraang Mayo 30, sinorpresa si Bryce ni Dennis, na napaiyak ito nang husto sa sobrang tuwa.

Matagal na kasi nilang natapos ang shooting, kaya na-miss niya ito.

"Naging magkaibigan po talaga kami, e,” sabi ni Bryce na hindi makapaniwalang lumuwas pa si Dennis ng Maynila mula Mindoro.

Ganundin sina Queenay Mercado at Beaver Magtalas, na isa rin sa mga bida sa pelikula.

Sabi ni Queenay about Dennis: “Okay siya. Actually, sobrang bait niya na sabi ko nga, first time ko siyang makakatrabaho, and to be honest, nagkakuwentuhan agad kami na alam niyo first time pa lang kami mag-meet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ang tagal na naming nagkakilala. Ayun po. Nakakatuwa lang siyang makatrahaho."

JERRY OLEA

Si Beaver Magtalas naman ay sobrang natuwa dahil siya ang napiling gumanap na older Niko.

Iba raw ang experience nang mag-shoot sila sa bundok kung saan naninirahan ang mga Mangyan.

First day niya sa shooting sa Oriental Mindoro ay nagkaroon muna siya ng immersion.

Iba raw talaga ang feeling. Nakakatanggal ng stress.

“Naging break ko po siya from everything stressful, e…yung film. Yung parang stress na naramdaman ko here, napahinga po ako dun. The fresh air and everything, iba po talaga,” bulalas ni Beaver.

Pero mas iba raw ang feeling nang nasa Cinemalaya na ang kanilang pelikula at nakikita na raw niya ang mga bigating artistang bahagi ng ibang entries.

Iba raw ang feeling na nahihilera na siya sa mga iniidolo niyang artista.

Pero dito sa Cinemalaya, mas interesado raw siya sa mga pelikulang kalahok.

“Masaya po ako to see them. I wish I got more time with them and be able to talk to them nga po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ang naramdaman ko po talaga, my entire focus po was the film itself. Parang, ‘O, I wanna watch this. Gusto ko mapanood ito.’ Ay ang ganda nito, ito ang dapat na mapanood ko.' Ganun po ang naramdaman ko,” saad ni Beaver.

Dito raw sa Cinemalaya, mas naramdaman ni Beaver ang pagka-aktor niya.

“Kasi parang as an actor po, yun po yung parang tumatak po sa akin—the characters that we play as actors.

“Parang, ‘Ay parang ang interesting ng character ni ano dito, I wanna see this,” dagdag ni Beaver.

May mga binanggit siyang full-length film at short films na gusto rin niyang panoorin sa Cinemalaya.

Pero dahil kasisimula pa lamang, dito raw muna siya mag-focus sa Kaka Sa Yawan.

Matapos ang gala ng Kaka Sa Yawan noong Friday night, emotional ang lahat ng kabahagi sa pelikula, kabilang sina Beaver at Benedix Ramos na gumanap bilang older Ayan.

Pero ang napaluha nang lubos ay si Bryce Nicolo Mercader.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Cinemalaya 2026 full-length feature Kaka Sa Yawan portrays the life of the Mangyan Tadyawan tribe in Oriental Mindoro.
PHOTO/S: Screen Grab from Kaka sa Yawan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results