GORGY RULA
PG (Parental Guidance) ang rating ng roadtrip thriller na Tirik (To Set Upright).
Bida rito si Rocco Nacino bilang pari na nagngangalang Bert, at si Floyd Tena bilang taxi driver na nagngangalang Santos.
Inspired ito sa totoong buhay.
Sabi ni Rocco matapos ang gala screening ng Tirik nitong Agosto 8, 2026, Sabado, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City: “Sana po, nagustuhan ninyo at kita niyo naman yung banter namin ni Floyd, ano?
“And it’s my first time watching the film… and ladies and gentlemen, this is Tirik.
“Sana po ay you guys can spread the word about this film at panoorin ng mga kaibigan ninyo. Maraming salamat!”
Pagbibiro ni Floyd, “Maraming-maraming salamat po! Kami na po pala ni Rocco! Ha!”

Sambot ni Rocco, “Special bati ko lang sa parents ko, Mommy Linda and Daddy Ralph. Thank you for being here all the way from Baguio.
“Sir Charlson Ong, maraming salamat po, Sir! And our director, Direk May-i Padilla.”
Katuwang ni Direk May-i si Charlson sa pagbuo ng screenplay ng Tirik.
Sabi naman ni Floyd, “Maraming salamat din sa parents ko na galing pang Bicol, at sa pamilya ng kapatid ko, galing Abu Dhabi para lang suportahan ako. Nay, ayan na, o!”
Dagdag ni Rocco: “At siyempre panoorin din natin lahat ng entries for this year’s Cinemalaya. Napakaganda ng lahat.
“And they will make you think, make you appreciate, and suportahan na natin ang pelikulang Pilipino.”
ROCCO NACINO'S NUDE SCENE
Naghubo’t hubad si Rocco sa isang nag-aalab na eksena sa Tirik…
Natatawang pagtatapat ni Rocco, “Sabi ko nga, first time kong mapapanood today. Kabadung-kabado ako! Both butt cheeks ba ito?
“Ha! Ha! Ha! Yung nanay ko, nagre-react kanina. Sabi ko, ‘Mommy, manood ka na lang!’”

Read: Is Gandang Gabi Vice show making a comeback on GMA-7?
JERRY OLEA
Eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika afterwards sina Rocco Nacino at Floyd Tena sa may media table sa lobby ng Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza.
Parehong pam-best actor sila sa Cinemalaya 22: Reel Reflections. Mahirap ba iyon, na magkalaban sila?
Tugon ni Floyd, “Hindi naman siya laban, e. I mean, getting into the movie, ang sabi namin, our goal is to tell the story the right way. Kasi iyon naman ang trabaho namin as actors.
“Kung manalo, it’s a bonus. And grateful, ganun lang.”
Matapang ang Tirik.
Napangiti si Rocco: “Maraming nabanggit. Maraming napag-usapan. Tapang, yes! Credits to Sir Charlson and Direk May-i.”
Sundot ni Floyd, “Saka naghubad ka. Tapang mo! Ha! Ha! Ha!”
FIRST NUDE SCENE OF ROCCO
First ever nude scene yon ni Rocco.
Pagsisiwalat ng Kapuso actor, “Ngayon lang ako naglakas-loob… eto na nga, naglalabasan na naman yung mga photo ko sa Bench. Mukhang nai-spoil na, na may makikita sila.”
Nasa script ang paghuhubad ni Rocco. Ang ganda ng simbolismo.
Tumango si Rocco, “Tama, tama. Naghubad. Tinanggal lahat. Nilinis lahat. Yun ang point nun.”
Pagbibiro ni Floyd, “Ako, nagprisintang mag-frontal — ayaw nila.”
Read: FAP chief Paolo Villaluna urges restraint amid Erik Matti-Neil Daza dispute
NOEL FERRER
Ambigat nung eksena bago nagtalop si Rocco Nacino sa pelikulang Tirik.
Paggunita ni Rocco: “Mahaba yung take. Pero malaking pasasalamat na binigyan nila kami ng time to really sink it in, let it sink in talaga.
“So kita naman, kita naman. Sabi ko nga kay Floyd, first time ko siyang panoorin, e.”
Sabi ni Floyd: “Yung eksenang yun, it was just one take. And then... kasi hindi namin ginamit yung top view.
“So that’s just one take. And then ayaw na nilang ulitin. Kasi I think, sabi nila, that’s the pinaka-raw na ginawa.
“So, ‘We’ll keep it.’ Ganun na lang.”
Nasa cast din ng Tirik sina Chai Fonacier, Jess Mendoza, Glenn Sevilla Mas, Justin Mclaire, Brian Arda, Hershey Neri, Bor Ocampo, at Hope Summer Skye.

Read: Cinemalaya 2026 Ultimate Guide: Schedule, tickets, venues, FAQs
