NOEL FERRER
Inilunsad ang bagong libro ni National Artist Ricky Lee na Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan (Trip to Quiapo 2) noong Agosto 14, 2026, Biyernes, sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.
Bahagi ito ng ongoing Cinemalaya 22: Reel Reflections.
At 2:30 P.M. sa lobby, nag-autograph signing na si Sir Ricky sa mga bumili ng libro niya.
At 4:00 P.M., itinigil muna ang book signing para paghandaan ang programa sa launch, na nag-umpisa ng 5:30 P.M.
BOOK LAUNCH'S PROGRAM
Pawang may pelikula sa Cinemalaya 2026 ang 10 readers ng excerpts, maging ang dalawang hosts na sina Hershey Neri at Yani Villarosa.
Ang nag-iisang performer ay ang Katutubong Diva na si Bayang Barrios, na suki sa mga book launch ni Sir Ricky.
Nag-opening remarks ang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) na si Paolo Villaluna.
Ang FAP ay co-publisher ng Quiapo Ilalim, at sponsor sa Batch 30 at Batch 31 ng libreng scriptwriting workshop ni Sir Ricky.
First batch ng nagbasa ng excerpts sina Epy Quizon, Martin del Rosario, at Zaijian Jaranilla.

Sumunod si Jackie Lou Blanco.

Naging tagapagsalaysay si Rocco Nacino.
Habang isinabuhay ng tatlong aktres ang mga narration sa screenplays ni Ricky Lee.
Nauna si Yayo Aguila, na binasa ang narration ni Charito Solis sa Karnal.
Pumangalawa si Nour Houshmand na may pa-shades pa nang i-emote ang narration ni Rita Avila sa Alyas Stella Magtanggol.
Mas masidhi si Chai Fonacier sa narration ni Rosanna Roces sa Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga.

Panghuli ang reenactment nina Meryll Soriano at Cherry Pie Picache sa paghaharap nina Sandy Andolong at Dexter Doria sa Moral.

Sumama raw ang pakiramdam ni Miguel Odron kaya absent ito sa book launch.
Inimbitahan ding maging reader ang Cinemalaya 2026 box office queen na si Marietta Subong, a.k.a. Pokwang, pero may rehearsal ito para sa sold-out musical play nitong Tulog Na.
Nagbigay ng maikling mensahe ng pasasalamat si Sir Ricky sa mga nakibahagi sa book launch.
Nagkaroon ng ceremonial turnover ng libro para sa CCP at Cinemalaya Foundation, sa pangunguna nina Direk Laurice Guillen at Dennis Marasigan.

At 7:00 P.M., natapos ang programa.
Matapos ang photo op ay bumaba na sa lobby si Sir Ricky para sa pagpapatuloy ng book signing. Pagkahaba-haba ng pila. Kabilang doon ang isang lalaking naka-wheelchair at isang nanay na karga ang kanyang sanggol na apat na buwan pa lamang.
Mahigit dalawang oras na pumirma with matching dedications si Sir Ricky na kahit nag-brownout ay tuloy siya sa book signing.
Noong pasado 9:00 P.M. ay pinagsabihan ang mga nasa pila na autograph at picture-taking na lang, wala nang dedication.
Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education
GORGY RULA
ABOUT THE BOOK
Lubos ang pasasalamat ni National Artist Ricky Lee sa readers, hosts, organizers, performer, at audience sa book launch ng Quiapo Ilalim: Pagsusulat ng Iba’t Ibang Daan (Trip to Quiapo 2).
Bahagi ng mensahe ni Sir Ricky sa programa: “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi wala akong script.
“Ahhmm ito na yung pinakamabilis kong nasulat at na-publish na libro. Dalawang buwang pagsusulat. Dalawang linggo sa printing press. And then lumabas siya the other night.
"And everyday, nag-o-autograph kami ng daan-daang libro doon sa mga um-order online. So anlaki ng pasasalamat ko.”
Pumalakpak ang audience, saka nagpatuloy si Sir Ricky: “Actually, hindi naman ganun kahirap isulat yung libro dahil alam na alam ko na iyong nilalaman niya.
“Compilation ito ng lahat ng mga lectures ko. Discussions namin. Exercises sa mga nakaraang workshops ko mula pa noong 1998 when I published Trip to Quiapo, and then ito yung follow-up.
“Kaya parang refresher na rin itong librong ito para sa mga nag-workshop na sa akin.
“At doon naman sa mga hindi pa nag-workshop, para na rin silang nag-workshop sa librong ito.”
Ang readers at hosts ng book launch na ito ni Sir Ricky ay mga actors na may pelikula sa Cinemalaya.
Mensahe ni Sir Ricky sa kanila: “Congratulations. Napanood ko lahat ng mga pelikula ninyo dito sa Cinemalaya.
“Para sa isang writer, maski hindi ako nagsulat doon sa mga pelikula, nakakataba pa rin ng puso na makita kung paano ninyo pinortray yung karakter.
“Kasi kaming mga writers, binubuo namin yung characters sa aming mga utak habang nagsusulat, pero pag ginampanan ng mga artista, ibang level na, e.
“Parang buhay na buhay siya, e. Kaya minsan ang feeling mo as a writer, ngayon mo lang siya nakilala.
“At ngayon lang siya ipinakikilala ng mga artista sa iyo dahil sa kanilang mahusay na pagganap.
“At iyon ang naramdaman ko at nakita noong napanood ko yung mga pelikula ninyo. All the nine films na pinanood ko dito sa Cinemalaya.
“So maraming salamat sa inyong mga pelikulang ginampanan.”
Nagpasalamat din si Sir Ricky sa mga katrabaho sa "isang industriyang matagal nating minahal, at matagal pa nating mamahalin!”
Read: ABS-CBN Broadcasting Center's main gate permanently closed
JERRY OLEA
RICKY LEE FESTIVAL?
Maituturing na Ricky Lee festival itong Cinemalaya 22: Reel Reflections.
Sa siyam na full-length films, pito ay idinirek ng mga nag-workshop kay Sir Ricky.
“And then doon sa dalawang natitira, yung isa doon, hindi ko alam kung line producer or executive producer,” pagtatapat ng most-awarded Filipino scriptwriter nang makausap namin matapos pumirma sa lahat ng pumila.
“And then yung isa naman, cinematographer, workshopper ko din. Sa ibang mga areas of production, workshopper. Pero yung sa direktor, pito.”
First time sa kasaysayan ng Cinemalaya na ang mga direktor ng competing full-length films ay sumailalim sa kanyang free scriptwriting workshop. Tumango si Sir Ricky,
“Yeah, usually mga tatlo, apat. Ngayon lang nangyari na ganito karami.
“Siyempre masarap sa pakiramdam. Kasi, unang-una, ang ganda ng line-up this year. Isa sa mga best line-up.
“At kitang-kita mo yung magkakaibang boses actually nung siyam. Kanya-kanyang boses sila ng pagkukuwento. And yet napa-work nila yung boses nila. Nakaka-proud siyempre sa akin na nakita yung mga workshoppers ko na tuluy-tuloy na gumagawa ng pelikula.”
May favorite ba siya sa mga direktor ng full-length films sa Cinemalaya 2026?
“Wala. I make it a point na wala akong maging favorite. Na lahat sila, appreciate ko,” tugon ni Sir Ricky.
“Respetuhin ko, i-encourage ko kasi may kani-kanya naman silang naibibigay sa iyo, e, kung ikaw yung mentor. May iba silang naibibigay, so, masarap.”
Tagumpay sa takilya ang Cinemalaya 2026.
Kahit malakas ang ulan, dagsa ang mga manonood sa Shangri-La Plaza, kung saan pinanood ni Sir Ricky ang mga gala.
Top-grosser ang 2 Valid IDs ni Marietta Subong, a.k.a. Pokwang, na sold-out ang screenings sa tuwi-tuwina.
Pangalawa sa box-office ang Status: Rejected ni Ruby Ruiz.
“Andami-daming nanonood—nagso-sold out, yeah—at considering the baha,” sambit ni Sir Ricky.
“Sabagay lagi namang umuulan pag Cinemalaya. Pero ngayon, andami-daming warnings sa cellphone habang nanonood, e.
“So masaya ako sa line-up ngayon at siyempre masaya ako dito sa book launch ko. Kasi as usual, nandiyan yung suporta ng mga kaibigan ko sa industriya.
“And we made sure na lahat silang may mga pelikula ngayon, makapag-participate doon sa book launch.”
May rehearsal daw ang Cinemalaya 2026 box-office queen na si Pokwang kaya hindi ito nakasama sa line-up ng readers sa book launch. “Next time daw,” pakli ni Sir Ricky.
“So masarap sa pakiramdam na nagtatrabaho ako sa industriyang ito at napapalibutan ako ng mga taong nagmamahal at mapagmahal, bukod sa ang huhusay.”
Matapos ang programa sa book launch, mahigit dalawang oras ang second batch ng book signing.
Hindi ba siya napagod?
“And then hanggang ngayon, hindi pa ako nagdi-dinner. Hindi pa ako nagpapahinga,” pagngiti ni Sir Ricky.
“Pero alam mo, mawawala yung pagod mo habang ginagawa mo [ang book signing]. Kasi, may mga nanggaling Bulacan. May nanggaling Laguna. May nagbiyahe sa ulan na ito. At marami sa kanila na nagpunta rito, para lang doon sa book launch.
“Andito na sila kaninang before 2:00 o’clock at naghintay sila. And then pumila sila hanggang… 9:20 na ngayon.
“Mula kaninang 7:00 na natapos [yung program], at may isang nanay na may karga-kargang four months old na baby na pumila rin siya. Sabi ko, huwag nang papilahin, e. May naka-wheelchair. Kung saan-saan.
“Para sa isang writer na gaya ko, ang sarap-sarap na andaming taong nag-a-appreciate ng pelikula, andaming taong nag-a-appreciate ng mga libro, ng literature.”
