GORGY RULA
Nakakalungkot na nakakahiya na ganoon pa rin pala ang sistema sa ilang Local Government Units (LGUs) kapag merong nagso-shoot na pelikula sa kanilang lugar.
Mas masaklap lalo kapag international production ang involved.
Nangyari ito sa Korean film na The Guardian, na prinodyus ng international production na Noori Pictures kasama ang Parallax Studio, Inc. at Robosheep Studios.
THE GUARDIAN: CAST
Idinirek ito ng Korean director na si Jeaong Jang Hwan, at tampok dito ang mga Korean stars na sina Nam Woo Hyun, Han Jae Syok, at Park Eun Hye.



Kasama nila ang mga Pinoy actors na sina Yassi Pressman, Wilbert Ross, Eric Ejercito, Joko Diaz, Jeric Raval, Ashtine Olviga, at iba pang Viva artists.
THE GUARDIAN's experience with lgu
Sa media conference na ginanap sa Viva Café noong Biyernes, August 14, 2026, humarap ang producers na sina Wesley Villarica ng Parallax Studio, Inc. at si Micah Fernandez ng Robosheep Studios.

Idinaing ni Wesley ang paniningil nang mahal ng isang barangay.
Sabi niya: “Yung mga barangay tanod pa yung nagpapahirap. Kasi, let’s say, ang barangay tanod sasabihin, ‘Ahh gusto nyo, tulungan namin kayo, kailangan bayaran niyo kami ng ganun.'
"Tapos biglang naging double, magiging triple yung babayaran. Bakit ganun? Parang pahirap naman, di ba? So, yun ang na-experience namin.
“Sabi na lang namin, like moving forward to the other locations, 'Ah, small project lang ito, para hindi kami tatagain.
“Tinataga ka, e, pag nalaman nilang international ka. Taga! Automatic!”
Dito sa Pilipinas kinunan ang kabuuan ng pelikula kaya nahirapan daw sila sa paghahanap ng maayos na LGU at location.
“Pero some LGUs naman were very very helpful,” pakli ni Wesley.
“So, I think it really depends on where, ah, siguro which area and how willing the people really to help.
“We’re very happy to work with Quezon City, actually… for this,” napangiti niyang pahayag.
Itong The Guardian ay nagkaroon na ng international showing, pero dito sa Pilipinas ay sa September 2 mapapanood sa mga sinehan.
Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education
NOEL FERRER
WHAT IT IS LIKE TO FILM IN SOUTH KOREA
Naikukumpara tuloy nila kung paano sumuporta ang South Korea sa mga pelikula.
Nakita raw ng South Korean producers, actors, at mga staff ang ganitong sistema sa ating bansa.
“They are aware of it, and they’re quite shocked because, you know, in Korea naman, it’s a blanket permit,” pakli ni Wesley.
Ikinuwento niya ang nakakamanghang pag-approve sa mga shot requests sa South Korea.
“And anywhere in Korea, you can shut down a busy thoroughfare like in the middle of the day, pero kailangan mo i-timing na, 'O, sige, you have one hour to shoot or 15 minutes to shoot a sequence over here. Kaya nilang i-time yun.
"Tapos the cost? Ten thousand pesos. Ganun lang! Kailangan mo lang ipaalam sa mga Korean.
“Why can’t we have that here? I love to have that here. I think it would be advantageous to the Filipino film industry to have that kind of system and support over here.”
WHAT IT IS LIKE TO FILM IN CANADA
Si Wesley ay bahagi rin sa isang international film outfit na Birns and Sawyer sa Canada, kung saan may tax rebate ang mga film producers.
Ani Wesley: “In Canada, if you go beyond the certain threshold for the budget, it’s an automatic 30 percent tax rebate.
“And here, you have to apply, and then agawan, and sometimes...it could be politicized.
"So, yun ang something we had over here, ah, you know that kind of financial support.
“Cause you know, I mean, we all pay our taxes, entertainment tax, and everything like that, so, hopefully, some of that taxes could also go back to rebates. To help filmmakers to create more films. Dun kasi, automatic 30 percent, babalik sa iyo.”
Read: Heart Evangelista gets candid about “hindi ko ma-take” influencer
JERRY OLEA
Nandoon din sa mediacon ng The Guardian si Wibert Ross at nagbigay rin siya ng opinyon.

Ani Wilbert: “Kasi po sa Korean kasi, di ba, sobrang kitang-kitang, di ba, nagbibigay talaga sila ng support, kahit monetary para sa mga filmmaker. They really support the film.
“Ayun kasi, nakikita ko ngayon, laging reklamo ng mga tao sa social media na paano susuportahan ang mga Filipino film, e, ang papangit, ganun-ganun.
“Ang daming reklamo, e, it boils down kasi parang… alam naman natin na talented talaga ang mga Pilipino kung bibigyan lang talaga ng right projects.”
Sayang lang daw dahil naniniwala siyang marami talaga sa kababayan natin na magagaling at kayang gumawa ng matinong pelikula. Kailangan lang talaga ng suporta ng gobyerno, lalo na sa pagpapababa ng ticket price.
“Madami tayong mga scriptwriters na magagaling. So yun yun… medyo naaano lang talaga sa budgeting.
“So, yun lang talaga, e. Pag the moment na yung budget mo, bitin na, parang maliit, kahit gaano kagaling yung crew, yung artista, yung ano…ano lang.
"Parang the chances are… parang ano siya, e, diskarte. Parang hindi naman puwedeng lagi na lang didiskartehan na lang ng direktor paano mapaganda with this budget.
“Hindi natin masisisi yung mga producers, kasi yun nga, mahirap dito sa Pilipinas.
“The only thing siguro na if ever, kung meron lang talaga support from government, e, sana mas maganda sana yung kalalabasan or kung may suporta sa government, puwede sigurong babaan yung ticket price para maging masa ulit yung cinemas,” lahad ni Wilbert.
May binubuo ang technical working group sa Congress na Philippine Film Commission.
Sana, ma-approve ito sa committee level at ang mga concerns na ito ay ma-address ng Philippine Film Commission.
