PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cherry Pie Picache ready for empty nester era--and for love, too

However, her son, now 24, is still single.
by PEP Troika
Published 4 hours ago
cherry pie picache
Cherry Pie Picache: "Pero empty nester na parang ganun. Empty na, ganun. Alam ko na. So, nagdadasal na ako ng partner."
PHOTO/S: Gerry Olea

GORGY RULA

Isa nang empty nester ang turing ni Cherry Pie Picache sa sarili.

Twenty-four years old na kasi ang nag-iisa niyang anak na si Nio.

At tanggap na niyang darating ang araw na magpapaalam ito para mag-aasawa.

CHERRY PIE PICACHE'S UNICO HIJO IS SINGLE

Pero sa tingin ng aktres, matagal pa. Hindi pa raw sa ngayon, sabi ni Cherry Pie sabay umiiling pa.

“Wala siyang girlfriend,” bulalas niya nang binanggit ko na baka maisip na ng anak niyang mag-asawa.

Read: HOW MUCH? Queenie Pacquiao’s U.S. college education

cherry pie picache and her son nio
Cherry Pie Picache and her son Nio
Photo/s: Pie Picache on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi na raw niya madalas na nakakasama ang anak dahil may sarili na itong lakad.

“Naku, nangyayari na! Mag-isa na nga ako, o,” pakli ng premyadong aktres.

“He’s busy with work. In his own na, e. Oo. May sarili na siyang schedule. May sarili na siyang activities, di ba? So, it’s getting there.”

Ang sinasabi niyang “getting there” ay tungkol sa pagiging empty nester niya, kahit wala pa raw planong mag-asawa ang kanyang anak.

“Hindi pa. Pero empty nester na parang ganun. Empty na, ganun. Alam ko na.

“So, nagdadasal na ako ng partner,” natatawa niyang pahayag.

Nakatsikahan namin si Cherry Pie sa book launch ng Quiapo Ilalim ng National Artist na si Ricky Lee noong nakaraang Biyernes, August 14, 2026, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Kabilang din si Cherry sa main cast ng Mag-iina, isa sang Cinemalaya entry.

Read: Cinemalaya 2026 box-office ranking

NOEL FERRER

IS CHERRY PIE PICACHE SINGLE?

Napatango si Cherry Pie Picache nang tinanong namin sa kanya kung gusto talaga niya ng partner na makakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw niyang tumandang mag-isa.

“Oo. Kung mangyayari. Kung hindi, e, di hindi,” sambit ni Cherry Pie.

“Wala pa,” mabilis niyang sagot sa tanong namin kung may nakaka-date na ba siya ngayon.

Samantala, very proud si Cherry Pie sa Cinemalaya movie nilang Mag-iina nina Janine Gutierrez, Lucas Andalio, Agot Isidro, Ness Roque, at Jackie Lou Blanco.

Isang tomboy kasi ang role dito ni Cherry Pie na nagawa na niya sa pelikulang Kaleldo (2006) ni Brillante Mendoza.

Pero ibang-iba raw ang portrayal niya rito, na ngayon pa lang daw niya nagawa ang ilang eksena niya sa pelikulang ito.

“Ang hirap ng pelikula, di ba? And I haven’t done that kind of role. Iba, e. ibang-iba,” sambit ni Cherry Pie.

Saan siya medyo nahirapan? Yung napaisip siya bago niya ito ginawa.

“Yun nga! Sabi ko game ako sa lahat, di ba?I just wanted to know kung ano yung treatment dun sa bathroom. Kasi yun yung medyo...kung paano yun, e.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON MAG-IINA

Natawa siya nang tinanong kung ano ang reaksiyon ng anak pagtapos panoorin ang Mag-iina.

“Sabi ko lang sa anak ko, ‘Alam mo na, ang nanay mo, aktres. So, sana maintindihan mo.’ Naintindihan naman niya.

“Yun naman ang importante, basta maintindihan. Yun naman ang importante, basta maintindihan.

“Sabi ko nga, hiwalay yung pagiging ina ko sa pagkatao ko. Dahil yung pagkatao ko bilang aktres, di ba?

“So, sana maintindihan mo na bukod sa ina, tao rin ako na may sariling ano,” pagmamatwid ng aktres.

Nakaka-proud si Cherry Pie dahil inaalagaan niya talaga ang proyekto kaya ang ganda ng kanyang filmography!

Sana talaga, mabiyayaan ang mahusay na ensemble cast ng Mag-iina sa Cinemalaya 2026 Awards Night!

JERRY OLEA

Sobrang tuwa ni Cherry Pie Picache na nakagawa siya ulit ng pelikula para sa Cinemalaya.

Ang huling ginawa raw niya para sa naturang independent film festival ay ang Isda (2011) ni Adolf Alix Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful siyang napasama sa Mag-iina dahil gusto raw talaga niyang makatrabaho sina Giancarlo Abrahan at Guelan Varela-Luarca.

Nakakatuwa raw na marami talaga sa mga pelikulang kasali na pawang magaganda.

“Solid yung selection this year,” bulalas ng premyadong aktres.

“Sobrang nagpapasalamat ako. Kasi to begin with, sobrang fan ako ni Guelan. And I’m so happy to be able to work with Gian Abrahan.

“So, familiar ako sa mangilan-ngilang trabaho ni Guelan at sa mangilan-ngilan na yun, at sa mga plays niya, sobrang fan na ako.

“So, nung inalok nila ako, sabi ko ito yung gusto ko matagal na, makagawa ng material niya.

“Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay yun nga, kay Direk Gian Abrahan, you know they considered me and I’m a part of that project. Sobra!

“So, I’m so happy. It’s a solid selection this year di ba? Ang galing!”

Nakaka-proud daw ang pelikula nila, na sana ay masundan pa.

"And sarap na ang hirap, e, yun yung bumubuhay sa passion natin, no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masarap na mahirap din. Kasi ang hirap talaga. Hindi lang naman yung role ang iisipin mo dun ,e. Kailangan yung timpla mo, amongst the other characters tapos sa buong pelikula. Ang sakit sa ulo,” natatawa na niyang pahayag.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache: "Pero empty nester na parang ganun. Empty na, ganun. Alam ko na. So, nagdadasal na ako ng partner."
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results