GORGY RULA
Que horror! Ang supernatural horror film na Mag-iina (The Mothering) ang wagi ng major awards sa Cinemalaya 22: Reel Reflections.
Sa closing ceremony ng indie filmfest noong Agosto 17, 2026, Lunes, sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City, ginawaran ng Balanghai ang Mag-iina sa mga kategoryang best film, best director (Giancarlo Abrahan), best screenplay (Guelan Varela-Luarca), best supporting actor (Lucas Andalio), best production design (Katrish Aristoki), at best musical score (David Yuhico).

Katabla ni Lucas bilang best supporting actor ang kapwa bagets na si KD Omalin (Hand of God). Cinemabata?!

Tabla bilang best actress sina Marietta Subong aka Pokwang (2 Valid IDs) at Ruby Ruiz (Status: Rejected).
Ang dalawang pelikula ng best actresses ang topgrossers ng Cinemalaya 2026.

Yun ngang 2 Valid IDs ay nagtamo ng Audience Choice Award, at Special Jury Award.
Yung Status: Rejected ang nag-accept ng Netpac Award.
Best actor si Martin del Rosario para sa Tayo Lang Ang Nakakaalam, na nagkamit din ng Best Ensemble.

Sina Martin, Miguel Odron, Yayo Aguila, at Epy Quizon ang apat na pangunahing tauhan sa nasabing queer drama.

Ang best ensemble last year ay ang iginawad kina Jasmine Curtis-Smith, Janella Salvador, Klea Pineda, at Leanne Mamonong para sa Open Endings.
Wagi rin ang Tayo Lang Ang Nakakaalam sa mga kategoryang best cinematography (Adam Dumaguin) at best sound design (Elian Idioma).
Ang best supporting actress ay si Bituin Escalante, na hayup sa galing sa A.Ni.Mal.

First time ba sa kasaysayan ng Cinemalaya na horror ang genre ng best film?
R-16 ang rating ng Mag-iina, samantalang R-13 ang A.Ni.Mal, Tayo Lang Ang Nakakaalam, at Status: Rejected.
PG ang 2 Valid IDs, Ganggang, Tirik, at Hand of God.
Ang Kaka Sa Yawan lamang ang G.
Maliban sa 2 Valid IDs at Status: Rejected, pumalo rin sa takilya ng Cinemalaya 2026 ang Mag-iina at Tayo Lang Ang Nakakaalam.
Ang mga hurado sa full-length films ng Cinemalaya 2026 ay sina Sari Lluch Dalena, Marian Pastor Roces, Pradip Kurbah, Lorenzo “Lello” Carvelli, at Dan Villegas.
Ang nag-confer ng Network for the Promotion of Asian Cinema (NETPAC) Award ay sina Alvin Yapan, Haolun Shu, at Perci Intalan.
Read: Cinemalaya 2026: Pokwang and Ruby Ruiz tie for Best Actress, Martin del Rosario wins Best Actor
WINNERS OF CINEMALAYA 2026 SHORT FILMS
Sa labanan ng short films… best film ang Silkscreen ni Rey Anthony Villaverde, Special Jury Awardee ang Para-paraan, best director si Gabriela Serrano para sa Elenita Elena Elaine, at Netpac Awardee ang The River Flows in Different Places.
Ang best screenplay ay natamo nina Lysa Catolico at Jazmine Gin Pateña para sa Runo!, at Audience Choice Award ang Hoy, Hoy, Ingat! ni Norvin de los Santos.
Ngayong Agosto 18, Martes, ang ika-13 at huling araw ng Cinemalaya 2026.
Naka-post sa Facebook page ng Cinemalaya ang schedule ng showing ng award-winning films sa Shangri-La Plaza, Gateway Cineplex, at select cinemas ng Ayala Malls.

JERRY OLEA
Waley sina David Yuhico (best musical score) at Guelan Varela-Luarca (best screenplay) sa awards night ng Cinemalaya 2026.
Ang tumanggap ng kanilang Balanghai trophy para sa Mag-iina ay ang direktor na Giancarlo Abrahan.
Mabuti at si Giancarlo ang tinanghal na best director.
GIANCARLO ABRAHAN CALLS OUT POLITICAL DYNASTIES
Bahagi ng acceptance speech ni Giancarlo: “Marami sa nanonood ng Mag-iina ay may parehong reaction. Sabi nila, mindf*ck daw iyong pelikula namin.
“Nakakasuka raw. Nakakadiri. Tama sila!
“Pero ang gusto ko pong bigyang-diin ngayon ay kung ano ang totoong nakakasuka. Ang totoong nakakadiri ay ang paulit-ulit na nangyayari sa totoong buhay.
“Ang paulit-ulit na mga pangalan ng mga umuupo sa poder. Ang mga political dynasty. Magkakapatid sa Senado.
“Magkakamag-anak sa iba’t ibang posisyon. Iisang angkan sa iba’t ibang upuan.”
Palakpakan at hiyawan ang audience.
Pagpapatuloy ni Direk Giancarlo: “Itong walang katapusang pagpapalit-palit ng asawa, anak, kapatid, meron pa bang mas incestuous diyan?
“Sabi rin nila, sobrang predictable ng Filipino films. Pero ang totoo, mas paulit-ulit ang mga pangalan sa Philippine politics.
“Kaya po kung nandidiri kayo sa pelikula, pasensya na po, pero sana po ito ay paalala na huwag maging manhid.
“Marami pa tayong dapat kasuklaman at ikagalit sa labas ng sinehan. Dahil ang totoong horror story ng bansang ito ay hindi ang nangyayari sa aming pelikula.
“Nangyayari ito sa Malacañang, sa Kongreso, sa Senado.”
Pagdidiin ni Direk Giancarlo, ang kabulukan at katiwalian sa gobyerno ang tunay na “intergenerational trauma” natin.
“At dapat hindi tayo maging manhid sa mga nangyayaring ito,” pagmamatwid ni Direk Giancarlo.
“Pasensya na po, mahaba ang speech, maraming dapat kasuklaman at pasalamatan.”
Pinasalamatan ni Direk Giancarlo ang mga katuwang sa pagbuo at pagtataguyod ng Mag-iina.
Natatawang sabi ni Direk Giancarlo, “Of course I would like to thank my family. Hindi po ito base sa kanila pero ahhmm… pero iaalay ko po ito sa aking ina.
“Mama, I love you. This is for you.
“At siyempre salamat sa lahat ng nanood at nandiri. Salamat sa pagtangkilik. Gracias por venir. Ang panonood ninyo ay patunay ng inyong tapang.
“Huwag po tayong matakot. Huwag po tayong mamanhid. Makibaka, reject Pax Silica!”
Kung hindi kami nagkakamali ng bilang, apat sa awardees ng Cinemalaya 2026 ang nanawagan na tutulan ang Pax Silica.
Read: Ateneo de Zamboanga confirms two dead in shooting incident

GIANCARLO ABRAHAN'S FULL-CIRCLE MOMENT AT CINEMALAYA
Nang i-announce na best film ang Mag-iina, inamin ni Direk Giancarlo na, “Wala na po akong prepared speech para dito, pero nais kong pasalamatan muli ang Cinemalaya at CCP para sa pagkakataong ito.
“Nagsimula po ako 12 years ago. Estudyante pa po ako noon sa college nung nagsugal ang Cinemalaya nung nagsulat ako ng pelikulang Transit. 2013.
“Kaya po full circle moment sa akin na bumalik dito sa Cinemalaya. Maraming-maraming salamat po, Direk Laurice [Guillen].
“Maraming-maraming salamat po sa lagi ninyong pagsuporta sa mga filmmakers, sa pagsusulong ng mga pelikulang Pilipino.”
Pinasalamatan muli ni Direk Giancarlo ang pambihirang cast ng Mag-iina, na kinabibilangan nina Janine Gutierrez, Lucas Andalio, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Ness Roque, Jackie Lou Blanco, Bart Guingona, at Alejandra Cortez.

“Grabe po sila. At ang aking pambihirang crew, palakpakan po natin sila,” saad ni Direk Giancarlo.
“Noong gala premiere namin, sinabi ko, nung sinubmit namin ito ni Guelan Luarca last year, ang nasa utak ko, ‘Siguro hindi nila tayo kukunin kasi we’re trying to do an impossible film,’ I think, no.
“And I’m really, really so glad. It takes a village, it takes a family to make something impossible possible.
“And I’m really, really so grateful, no. So maraming-maraming salamat po sa lahat.
“Pero gusto ko lang pong ulitin dahil palagay ko, napakahalaga. Nakakadiri yung ating film, nakakasuka.
“Pero mas maraming nakakasuka diyan sa labas.
“Kaya sana po talaga — ikulong na yan, mga kurakot!”
NOEL FERRER
Generally, masaya tayo sa resulta ng Cinemalaya 2026 awards night. Iyun ang inaasahan nating winners except that sana, nag-tie na rin lang sa Best Ensemble ang Tayo Lang Ang Nakakaalam sa team ng Mag-iina na pawang deserving din!
Otherwise, we kinda predicted the Mag-iina win sa Best Picture, Director at Screenplay as it was always referred to as “pushing the boundaries of filmmaking; for its layered narrative, unraveling dark family secrets, deep-seated grief, and a matriarchal dynamic that subtly exposes broader truths about Philippine society and politics; for its exceptional technical artistry; for the commanding performances from its predominantly female cast; and for its bold, fearless, and visionary filmmaking.”
Sa isang citation, sinabi pang ito ay isang haunting cinematic masterpiece na may deeply resonant performances. Maayos ang choices.
CINEMALAYA 2026 AWARDING CEREMONIES
I may be expecting more sa production ng awarding ceremonies pero parang ginawa na itong mall show with Mikoy Morales’ hosting.
Ewan natin kung binaha yung ibang past winners but usually Cinemalaya comes up with bigating presentors na either filmmakers and stars, and even performers.
I was telling festival director Sir Chris Millado in a chat that when the group KAIA was performing, sa CCP usually, ibang kalidad ng performances ang inaasahan…
OK naman ang KAIA na mag-perform for the P-pop audience.
Pero to make it more compelling at revelant na may visual tie-up sa number, nag-flash sana ng Cinemalaya films na kinayang magwagi at magwagayway ng ating bandera sa mga international competition.
Iyan talaga ang legacy ng Cinemalaya.
Hindi na siguro kinaya ng oras at budget na ultimo si Mikoy (sa kanyang maraming side comments) ay binuko at ginawang obvious na hindi na tumaas ang kanyang talent fee sa hosting, at kinailangang pasalamatan ang Viva at ang gumawa ng kantang inawit ni Jeffrey Hidalgo sa In Memoriam segment para walang babayaran.
Oh well, sa pagbabalik CCP (sana next year), sana mas less of the mall-show tenor na ang conduct ng awards.
Still, congratulations to the winners and to everyone involved in the wonderfully curated and beautifully staged Cinemalaya 22: Reel Reflections.
To the production teams who made much out of little, to the volunteers, to Direk Laurice Guillen and the whole Cinemalaya Foundation, to CCP, and to the audiences who proved that quality can sell…
You can all take a bow, sana lang mapanood pa ng mas marami ang magagandang pelikulang lahok sa Cinemalaya 22 (na ayon sa isang presenter, 2022)!
Read: Basty Askri apologizes after outburst over 911 response delay
