PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Call My Manager! Episode 4 explores daddy and mommy issues

Zsa Zsa Padilla, Karylle, Ces Quesada, Rob Gomez appear in Episode 4.
by PEP Troika
Published 20 hours ago
call my manager
Episode 4 of HBO Max’s Call My Manager! takes an emotional turn as the managers deal with family drama, love, separation, and difficult choices.
PHOTO/S: HBO Max

JERRY OLEA

Heartwarming ang Episode 4 ng limited series na Call My Manager!, na nag-streaming sa HBO Max umpisa Setyembre 3, 2026, Huwebes.

Idinirek iyon ni Mario Cornejo, mula sa panulat nina Senedy Que at Jinky Laurel.

Kuwento iyon ng mga ina, mga ama, at mga anak. Daddy issues and mommy issues.

Ang logline: “The managers navigate family drama, a looming move abroad, and a potential buyout.”

Masaya si Andrea Manuel (Judy Ann Santos) sa kanyang bagong pag-ibig, kaya pinuntahan niya ang kanyang ina (Ces Quesada) sa nursing home upang ibahagi rito ang good news.

Ang usapan nila ng kanyang ina ay reminiscent ng “Karen po” commercial ng McDo.

Sa patalastas, Gina ang tawag ni Lolo (Rudy Francisco) sa kanyang paboritong apo na si Karen (Karen de los Reyes). Remember?

Sa sobrang kabisihan ni Gab Soler (RK Bagatsing), hindi sila nagkikita ng kanyang anak na si Joey.

Lagi siyang late sa usapan. Hindi niya ito naaabutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinadalhan siya ng envelope na may nakasulat na “urgent,” hindi niya iyon agad binasa.

Tuliro kasi siya sa kaso ng alagang si Rob Gomez, na sinisingil ng BIR ng PHP15M dahil sa tax evasion.

Nang buksan ni Gab ang envelope at basahin ang laman, nalaman niyang isasama na si Joey ng kanyang ex sa Canada. May panahon pa ba si Gab para “bumawi” kay Joey?

FORBIDDEN LOVE?

Natsitsismis si Matthew Buenaventura (Edu Manzano) sa RM o road manager ni Andrea na si Camille (Christiana Zaleta).

Sa preview episodes ay napansin na nina Mother Aleta (Gina Alajar) at Paul Amir (Jose Javier) na familiar ang looks ni Camille.

Magdududa ang wifey ni Matthew na si Gina (Ayen Munji-Laurel) at mag-iimbestiga.

Makikilala ni Camille ang poging si Hector (Anjo Pertierra) at magkakagustuhan sila.

Ang young love, sweet love (YLSL) nina Camille at Hector, may bahid ng YLSL nina Jenny (Janice de Belen) at Tony (Tommy Alvaro) sa Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-remake ang pelikula as When The Love Is Gone (2013), kung saan ang young lovers ay sina Jenny (Andi Eigenmann) at Gabe (Anton Revilla).

Sa tunay na buhay, andiyan ang urban legend na muntik nang magtanan ang isang premyadong aktor at premyadong aktres noong kabataan at kapusukan nila.

Ohhh… ohhh… mmm… mmm…

Read: Laurice Guillen, Joey Reyes steal scenes in Call My Manager

PASSING THE "DIVINE DIVA" CROWN

Gusto ni Zsa Zsa Padilla na ipamana sa darling daughter niyang si Karylle ang kanyang trono.

Nais ng mesmerizing Divine Diva na sundan ng anak ang mga yapak niya bilang mang-aawit — ang kanyang estilo, ang kanyang brillo.

Pero lihis doon ang landas na gustong tahakin ni Karylle.

Nagngitngit si Zsa Zsa nang malaman na “ninakaw” ng isang “Diva in Disguise” ang kantang "Simula" na komposisyon ng kanyang anak.

Bahagi ng lyrics ng awit: “Sinayang natin ang panahon, hanggang kailan tayo ganito?/ Basahin mo ang luha ko

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Di ako susuko, aasa ako/ Aasa ako, habang buhay tayo magkasama/ Hindi maglalakbay sa mundo nang mag-isa

“Hindi mawawasak ang daan na tinatahak/ Iikot dito kung saan ang dulo ay simula…”

NOEL FERRER

Walong episodes ang limited series na Call My Manager!. Nangalahati na ito.

And may I say, ang galing-galing ni Juday bilang lesbian manager!

And nakaka-proud sa kaibigan nating ito, minsan lang siya tatanggap ng proyekto pero sisiguraduhin niyang tatatak ito at naiiba ang atake niya sa mga role na hahamon sa kanyang pagiging artist.

Andami pang aabangan sa palabas, kagaya ng episode na guests sina Lav Diaz at Monsour del Rosario.

Sa story arc, action star si Monsour na walang muwang sa slow cinema ni Lav.

JOEY REYES VS RODERICK PAULATE Roderick Paulate.

Kaabang-abang din ang pakikipagtarayan ni Paul Amir (Jose Javier Reyes) kay

Sabi ni Direk Joey, maraming tumawag sa kanya na dati niyang estudyante na ang sabi, “Sir, ang galing mo! Natural na natural!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, nag-thank you si Direk Joey.

NKKLK nga na mistulang may rivalry sila ng kanyang “kumare” na si Joel Lamangan.

Tuloy kaya sa Oktubre o Nobyembre ang pagtatanghal sa isang lumang bahay sa Intramuros ng dulang A Portrait of the Artist as Filipino kung saan si Direk Joel ang Candido Marasigan?

Siyangapala, si Direk Laurice Guillen ang pagkakalooban ng Natatanging Gawad Urian sa 49th Gawad Urian sa Oktubre.

Bidang-bida si Direk Laurice sa Episode 3 ng Call My Manager! bilang iconic Thunderwoman, na may video scandal.

Sina Direk Joey, Direk Joel, at Direk Laurice ang mentors sa The Masters Series: FDCP Acting Workshop for Filipino Talents 2026 noong Hulyo 7-16 sa Ibis Styles, Cubao, Quezon City.

Sana, magkaroon ng follow-up Season itong Call My Manager!.

GORGY RULA

Maganda na tinalakay ang kuwento ng pamilya sa episode na ito, para maka-relate ang mga manonood.

Kapag tungkol sa showbiz ang kuwento ng isang pelikula o series, madalas na binibitawan ng manonood dahil hindi sila pamilyar sa mga nagaganap sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinapakita sa episode na ito na kagaya ng mga manonood, na ang mga taga-showbiz ay may mga isyu ring hinaharap kagaya ng karamihan.

Pero ang isa sa nagustuhan ko rito sa Call My Manager!, nabibigyan ng highlight ang mga personalidad sa showbiz na hindi na pamilyar sa mga Gen Z.

Kahit paano, nalaman kung paano nagmarka sa industriya sina Nora Aunor, Vilma Santos, Snooky Serna, Maricel Soriano, Niño Muhlach, at marami pa.

Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Episode 4 of HBO Max’s Call My Manager! takes an emotional turn as the managers deal with family drama, love, separation, and difficult choices.
PHOTO/S: HBO Max
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results