PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katherine Luna breaks down over bashing after revelation

Katherine Luna on online bashing: “Huwag niyong durugin ang isang tao."
by PEP Troika
Published 14 hours ago
katherine luna facebook live
In a tearful video, Katherine Luna says she was deeply hurt after being called names and even compared to animals by some commenters. She clarifies that she never meant to glorify her past or encourage other women to follow the same path.
PHOTO/S: Katherine Luna Facebook

GORGY RULA

Sa pamamagitan ng Facebook, umiiyak na naglabas ng saloobin si Katherine Luna dahil sa mga bashing at panlalait na inabot niya sa ilang netizens na nakapanood sa kanyang kuwento tungkol sa pagkakaroon ng walong anak mula sa anim na lalaking nakarelasyon niya.

Mahigit 12 minutes ang haba ng video na ipinost ng aktres noong Martes ng gabi, September 1, 2026.

Sabi ni Katherine sa caption ng video: “Sobrang bigat lang sa loob kaya kailangan ko ilabas.”

Nasaktan daw siya sa matinding komento ng ibang netizens na hindi nagustuhan ang kuwento niya.

Himutok niya: “Ang bigat-bigat na sa loob ko. Kailangan kong i-voice out.

"Kailangan kong ikuwento, kasi parang sasabog ang pakiramdam na para akong sasabog, at hindi tama ito. Lalo na sa sitwasyon ko.”

KATHERINE LUNA HURT BY BELOW-THE-BELT COMMENTS

May mga nag-share daw at pinik-ap ang kuwento niya. Pero ang sasakit daw ng mga komento ng ibang nakapanood sa video niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita pa niya ang mga komento na tinawag siyang “Kati rin yan." Meron ding mga komentong tinawag siyang “baboy, aso, pusa.”

Himutok ng aktres: “Ang daming perfect na tao. Ang daming perfect na tao sa social media talaga.

“At hindi lang yun. Okay lang sana kung manghusga kayo nang normal lang. Hindi, e.

“Binastos niyo na yung buong pagkatao ko. Pati pangalan ko, binastos niyo.

"Inihalintulad niyo pa ako sa mga klase ng hayop. Baboy, aso, pusa.

“Grabe kayo!”

Read: Katherine Luna on having 8 children with 6 different fathers

NOEL FERRER

Palaban na si Katherine Luna sa mga sumunod niyang pahayag.

Aniya: “Tutal naman, sige! Pinakita niyo ang mga post niyo, nagpakilala kayo. Pinakita niyo kung sino kayo. O, di sige, pag-usapan natin.

“Alam ko, ako yung mali dito, e. Kasi shinare ko na yung kuwento ng buhay ko, na hindi ko inisip na maaari nga na ganun kalala ang mangyari, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang akin lang naman kasi, kaya ko ginawa yung bagay na yun, ang gusto ko lang kasi i-share yung naging story ng buhay ko, na kapulutan ng aral ng mga babae na katulad ko.

“Kasi ang aral naman dun sa kuwento ay huwag tayo magpagdalus-dalos, di ba? Magtira tayo ng pagmamahal sa sarili natin.

“Matuto tayong pahalagahan bilang babae. Matuto tayong pahalagahan ang ating mga sarili. Na dapat mas mahal natin yung sarili natin.

“Mas mahal natin yung sarili natin kesa sa karelasyon natin.

"Para pag dumating yung punto na maloko tayo, masaktan tayo, at least hindi tayo madudurog nang husto. Maka-move on kaagad tayo.

“Kasi mas mahalaga yung sarili natin, mas mahal natin yung sarili natin. At yun lang naman talaga ang gusto kong mangyari.”

KATHERINE CLARIFIES SHE'S NOT PROUD OF HER STORY

Muling nilinaw ni Katherine na kaya niya ikinuwento ang bahaging ito ng kanyang buhay, hindi para ipagmalaki kundi para may matutunan daw ang makapanood nito, lalo na ang mga kababaihan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko naman sinabi na proud ako,” diin ni Katherine.

“Proud ako sa mga anak ko, dahil sila ang mga naging anak ko.

"Pero hindi naman ako proud na yun ang naging buhay pag-ibig. Hindi ako masaya na napagdaanan ko yung mga ganung bagay.

“Hindi ko naman sinabi na gayahin nila ako. Hindi ko naman sinabi na gayahin ako ng mga kababaihan.

“Sino ba ang proud na ganun yung naging past?

“Kinukuwento ko lang kung ano yung maging aral din sa mga kababaihan kung ano yung nangyari sa akin.”

Read: Chin Chin Gutierrez resurfaces, shares spiritual journey in Miriam centennial book

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ni Katherine Luna habang ipinapaliwanag na nagmahal lang siya.

Lahat daw ng mga anak niya ay bunga ng pagmamahal, hindi dahil sa "kati" lang.

“Ang gusto ko lang mangyari, meron ka ring padre de pamilya na masasandalan na magiging katuwang mo.

"Kasi mahirap nga yung single mother, e. Kaya ganun siguro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Umasa pa rin ako nang umasa, tapos ganun yung nangyari.

“Nabuo yung mga anak ko dahil sa pagmamahal. Hindi naman nabuo dahil sa landi lang, dahil sa kati lang. Hindi naman.

“Nagmahal ako paulit-ulit, Alam ko naman na minahal din naman nila ako,” mangiyak-ngiyak niyang pahayag.

KATHERINE luna: DO NOT JUDGE ME

Nakiusap si Katherine na huwag siyang husgahan agad.

Saad niya: “Huwag niyo namang durugin ang isang tao kung hindi niyo naman alam ang buong story.

"Huwag niyong durugin ang isang tao kung wala naman kayo sa sapatos niya.

“Huwag niyong durugin ang isang tao kung hindi niyo naranasan kung ano ang naging buhay niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa mga nag-comment sa post na ito ni Katherine ang nagsabing naiintindihan nila ang pinagdaanan niya.

Isa sa nakita naming nag-comment at nagbigay ng payo ay ang dating sexy actress na si Klaudia Koronel.

Read: Former Sampaguita star Jean Lopez dies at 86

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a tearful video, Katherine Luna says she was deeply hurt after being called names and even compared to animals by some commenters. She clarifies that she never meant to glorify her past or encourage other women to follow the same path.
PHOTO/S: Katherine Luna Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results