GORGY RULA
Excited si Bianca Umali na sa malapit na panganganak si Rere Madrid-Sotto, ang kapatid ng nobyo niyang si Ruru Madrid.
“Malapit na malapit na,” sambit ni Bianca nang saglit naming nakatsikahan sa premiere night ng Saving Cherry noong Martes, September 1, 2026, sa Gateway 2, Cubao, Quezon City.

“Nung isang araw, sila ay nakapag-baby shower na. Ahhh, I’m so excited. I’m so excited for the baby.”
Isa si Bianca sa laging nangungumusta sa kalagayan ni Rere.
Excited daw kasi silang lahat sa first baby ng pamilya.
“Actually, hindi lang naman po ako. Kami, buong pamilya ay nandito para suportahan yung pagbubuntis ni Rere.
“Lahat kami… every time na weekend, nangangamusta kami sa kanya, to ask her updates kung ano ang kailangan niya.
“And I also ask her all the time that if she needs assistance, she can always come to me,” saad ni Bianca.
Napag-usapan din namin ito ni Ruru sa nakaraang press conference ng Cinemalaya 22, at lalo raw siyang na-excite nang nalamang baby boy ang ipinagbubuntis ni Rere.
Tinanong namin si Bianca kung may natutunan ba sila ni Ruru dito sa nangyari kay Rere.
“Ang natutunan namin all the more is how to support family especially in time of… whenever we need more emotional support.
“Ahh, hindi talaga… hindi mababago kung sino yung mga taong tatakbuhan mo, lalo kung hindi mo alam kung sinong pupuntahan mo. Family will always be number one,” saad ni Bianca.
Read: Alex Gonzaga: "I am so happy to be a mommy
NOEL FERRER
BIANCA UMALI ON FUTURE WITH RURU MADRID
Expected na ni Bianca Umali na matatanong na naman siya kung napapag-usapan na ba nila ni Ruru Madrid ang plano nila sa kanilang relasyon.
Sila na kaya ni Ruru ang susunod na magpakasal at magkaka-baby?
Natawa ang Kapuso actress.
“Naku! Walang ganun,” bulalas ni Bianca. “Pero if it is God’s will, it will be God’s will. Kami naman po ni Ruru ay mina-maximize namin ang kung anong meron kami as individuals ngayon.
“Ahhh in God’s own timing.”
Ang maganda ay talagang suportahan sila sa kani-kanyang trabaho. Abala si Ruru sa kanyang Hari ng Tondo.
Si Bianca naman ay surprise daw muna kung ano ang susunod na gagawin niya sa GMA-7.
“Maraming sorpresa. I’m happy with all the work that I’m also doing now, although, hindi pa lahat ay announced. Pero excited din po ako sa lahat na ginagawa ko,” sabi pa ni Bianca.
Kaibigan ni Bianca sina Barbie Forteza at Mikee Quintos kaya sumuporta siya sa premiere night ng Saving Cherry na showing pa rin ngayon sa mga sinehan.
Basta ako, alam naman ng tao na mahal ko sina Bianca at Ruru, at nandito lagi tayong nakasuporta—sa kanilang career man o sa personal na buhay!
Read: REVIEW: Barbie Forteza delightfully unhinged in Saving Cherry
All’s well that ends well, ika nga.
Masaya si Rere Madrid sa piling ng husband niyang si Kai Sotto.
Masaya rin sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa kani-kanyang career.
Bumilib tayo kay Ruru sa pagganap niya sa Cinemalaya 2025 entry na Hand of God.
Si Bianca naman ay suporta sa bagong JoshLia movie na Always Yours, Never Mine.
