GORGY RULA
Ayaw kumpirmahin ng ilang taong malapit sa mag-asawang Bea Alonzo at Vincent Co kung honeymoon na itong biyahe nila sa Italy.
Last week pala sila umalis pero noong Linggo, September 6, 2026, lang nag-post si Bea kung nasaan sila.
Ang ganda ng mga tanawing ibinahagi ng Kapuso actress na kuha sa Dolomites, na nasa northeastern na bahagi ng Italy.
Ang unang Instagram post ni Bea ay kuha sa Cortina d’Ampezzo, na kilala bilang Pearl of the Dolomites.
Unang araw nila ito sa naturang lugar.
Post ni Bea sa Instagram: “Can’t believe it took me this long to explore this side of Italy. The Dolomites are unreal.
“We stayed in Cortine d’Ampezzo, which turned out to be such a good base.
"There are so many little villages scattered around the Dolomites, so choosing the right town really makes a difference if you want everything to feel easy and convenient.
“Started our first night with dinner at Alajmo and wow, definitely a must-try. Then we made our way to Lago di Braies the next day.
“The line for the boats was very ambitious so we skipped it and just walked around the lake instead. Still every bit as beautiful.”
View this post on Instagram
DOLOMITES MOUNTAIN RANGE
Nang sumunod na araw, nag-post uli si Bea ng mga larawang kuha sa mountain range ng Dolomites.
Nasa caption nito: “No mountain too high for a good photo. Lagazuoi really took things to another level.”
View this post on Instagram
Pawang positibo ang mga komento sa kanya, at pinuri ang mga kuha nito. Magaling daw ang photographer.
Hindi kaya si Vincent mismo ang nagkukuha sa kanya roon?
Sabi ng ilang napagtanungan namin, hindi na raw nila tinanong kung honeymoon na ba nila ito.
Wala rin daw silang ideya kung hanggang kailan ang kanilang bakasyon sa Italy.
Read: Pinay tourist slams alleged bullying of older Pinoys in Switzerland
JERRY OLEA
Noong Lunes, September 7, 2026, ay nag-post uli si Bea Alonzo ng maraming pictures nito na kuha pa rin sa Dolomites, Italy.
Solo photos and videos lang ni Bea at mga magagandang tanawin lamang ang makikita sa posts.
Walang mga litrato si Vincent.
Meron lang isang video ng dalawang kamay na magka-holding hands sa loob ng sasakyan habang nagbibiyahe.
In-assume ng lahat na mga kamay nila ito ni Vincent.

Marami ang natuwa sa post na yun.
Isa sa agad na nag-comment ay si Angel Locsin: "Hoooy [laugh emoji]."
Nag-comment din si Karen Davila: “Great weather too! [smiling face with hearts emoji].”
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Masaya talaga ako para sa aking Classmate Bea.
Deserve niya itong bakasyon na ito.
After all that she's been through, she truly deserves this soft little escape in the Dolomites.
Ang ganda ng pinili nilang lugar — Cortina d'Ampezzo, Lago di Braies — very Bea, very peaceful, very private.
Kung honeymoon man ito o hindi, huwag na nating usisain.
BEA ALONZO IN HER WIFE ERA
What I wish for Bea Alonzo is genuine happiness on both fronts.
Sa private life niya with Vincent, sana tuloy-tuloy na yung tahimik at masayang wife era na pinili niya after their intimate civil wedding.
At sa professional life naman, we know she's in a good place — Kapuso na, minamahal, and thriving.
Sigurado naman tayo na babalik si Bea soon dahil may nakatakda pa rin siyang natitirang taping days para sa kanyang teleserye sa GMA-7 na Whispers From Heaven.
In the meantime, let's leave Bea to experience her taste of marital heaven now.
Deserved niya yan! Maging maligaya na lang tayo for her!
Read: Brent Manalo addresses "unwarranted hate" after banter with Darren Espanto
