GORGY RULA
Natapos na ang taping ng A Secret in Prague kung saan kasali si Dylan Menor.
Kaya ngayon pa lang daw siya magsisimulang maghanda para sa kanyang first solo concert na pinamagatang D(ylan)-Day na nakatakda sa October 13, 2026 sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.
“Medyo ngayon pa lang po talaga makapag-prepare, So I have, bale a month or less to prepare. Medyo malapit na,” pakli ni Dylan nang nakatsikahan siya ng PEP Troika sa backstage ng Vibe+ sa MVP Studio, TV5, Sheridan St., Mandaluyong City, noong Sabado, September 12.
Hindi raw maiwasang kabahan, pero excited daw siya dahil mismong kaarawan pa niya ito.
Dito na niya ipagdiriwang ang kanyang 25th birthday.
“Medyo kinakabahan, pressured. But I’m very excited kasi this concert naman is not for me, but to all the supporters, to all the fans.
“It will be held on my birthday but I want to spend it to the people I love and who appreciate me,” dagdag ni Dylan.
May mga naisip na raw siya ng mga kakantahin niya, pero wala pa silang napa-finalize.
Aniya: “Most of my songs, honestly, it’s gonna be fun.
"Most of them are gonna be… for sure familiar kayong lahat sa mga songs na yun. And most of them are my personal favorites.
“Some are songs na na-perform ko na rin. Yun!
"Sobrang meaningful ang mga songs sa akin, kasi parang it reflects my journey sa showbiz. So, you guys would see pag nanood kayo ng concert.”
DYLAN MENOR ON VEHNEE SATURNO ISSUE
Naintriga si Dylan nang nagreklamo si Vehnee Saturno dahil sa hindi ito binanggit ni Dylan na siyang composer nang inilunsad ang revival song nitong Sa Aking Puso.
May natutunan si Dylan sa isyung kinasangkutan niya.
“Yun nga. I learned to be somehow more aware, be more careful, be more alert sa mga bagay na sa actions o sa words na sasabihin mo.
“So, yun lang naman. As long as you stay respectful.
“Dapat you should know… kung tama man o mali yung ginagawa mo, dapat aware ka rin sa mga actions and words na sinasabi mo. Yung walang masagasaan na tao,” saad ni Dylan.
Para kay Dylan, naayos na yun pagkatapos niyang humingi ng paumanhin sa batikang songwriter. Imbitahin ba niya si Vehnee sa kanyang concert sa October 13?
“Nag-message ako sa kanya. I apologized and I told him na kung babanggitin man yung song, I could mention na he was a composer.
“So, every time I get a chance to talk about the song, I’m gonna mention Sir Vehnee and of course, gusto kong i-invite lahat.
“Lahat ng mga… who’s been part of my journey. So, sana ma-appreciate nila itong show na gagawin ko. Not just for me, but for everyone,” matamang pahayag ni Dylan.
Read: Vehnee Saturno reacts to Dylan Menor’s "Sa Aking Puso" launch
JERRY OLEA
Hindi nakaligtas si Dylan Menor sa mga intriga, lalo nang ipinakilala siyang isa sa major stars ng Kapatid network.
Binigyan siya ng mga magagandang projects at itong pagkakaroon niya ng concert ay suportado rin ng TV5.
Sabi naman ng aktor, naapektuhan siya sa mga intriga, pero ayaw niyang makasira pa ito sa trabaho niya.
“It did bother me a bit. Pero hindi to the point na masisira niya yung buong day ko,” pakli ni Dylan.
“So, I just read it, and take it, and then reflect if may nagawa bang tama, o may nagawa bang mali.
"Para at least I can assess kung kailangan ba talagang ano… kasi ever since naman, even a few years ago may mga critics, bashers.
"So, ahhm issues… so may mga times na hindi ko na masyadong pinapansin. I just look at the bright side.
"Kasi kung wala naman akong sinasagasaan o tinatapakan na tao, I shouldn’t think about it or dwell about it too much. Na para bang pag-isipan ng ano…” saad ng Kapatid actor-singer.
WHAT TO LOOK FORWARD TO D-DAY CONCERT
May pasabog kaya siya sa kanyang D-Day concert?
Basta, doon daw niya ibahagi ang buong journey niya sa industriyang ito.
Pina-finalize pa raw nila ang special guests niya na naging bahagi sa kanyang career bilang singer-actor.
Saad niya: “So far, may mga guests naman. Yun ang mga dapat abangan niyo.
“Hindi pa ako 100 percent sure, pero pumayag naman na. So, we’re just finalizing pa.
"Kasi, ngayon pa lang kami magre-rehearse e. So, hangga’t wala pang rehearsal, hindi pa sure.
“Mas maganda sana pag naano na…”
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
NOEL FERRER
Tinaguriang "Harana-Pop Heartthrob" si Dylan, kaya nalilinya talaga siya sa pagkanta.
Pero pareho raw niyang nae-enjoy ang pagkanta at pag-arte, kaya ayaw niyang isantabi ang isa.
“Parehas naman, e. I enjoy doing both,” bulalas ni Dylan.
Sa ngayon ay naka-focus muna siya sa preparasyon ng concert, kaya hindi muna siya nagte-taping.
NEXT DRAMA SERIES
Natapos na niya ang A Secret In Prague. Meron na ba siyang bagong drama series na sisimulan?
“Hindi pa nag-i-start pero hindi pa sure, e. We’re still finalizing everything.
"Pero for sure, and I can feel it na baka magkaroon ng bagong series, last quarter of the year.
“Probably after the concert. Kasi ngayon, I have to prepare talaga,” pakli ni Dylan.
Nagpapasalamat si Dylan dahil isinali siya sa finale weeks ng A Secret In Prague, dahil na-experience daw niyang mag-taping sa ibang bansa.
Kasama kasi siya sa ilang main cast na nag-taping sa Italy.
“Grabe! Sobrang saya po nilang kasama lahat,” sambit ni Dylan.
“From artists, from prod, from mga crew. Lahat kasi parang pag nagsu-shoot kami, parang masaya lang. So, very happy.
“And ang bait nina Direk Barry [Gonzales], lahat ng mga PA, EP, mga co-artists sina Kuya Quen, sina Blythe.
“Everyone was so nice."
Ang A Secret in Prague ay pinagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.
"So, it was an unforgettable experience. And also, that I got the chance to shoot abroad.
“First time ko mag-shoot abroad, e, sa Italy. So, grabeng experience yun, parang dream come true na siya.
“So, I’m very thankful sa management, sa TV5 of course, sa Stages who’s given me these kind of opportunities.
“So, I make sure na I do my best, para matuwa din sila sa mga… grabeng experience po talaga,”saad ni Dylan.
Read: Alden Richards breaks down as he opens up about pressure to find love at 34
