GORGY RULA
Hanggang ngayon ay dala pa rin ng negosyanteng si Joel Cruz ang pangamba niya bilang isang saradong Katoliko.
Nasa isip daw niya ngayon ang sinasabi ng ilang pari sa kanya dahil sa lifestyle niya at pagkakaroon ng walong anak through surrogacy.
Saad ni Joel nang nakapanayam namin sa DZRH noong Linggo, September 20, 2026: “Kasi sa Roman Catholic, sinabi ng isang bishop na it’s immoral yung surrogacy.
"Napaano ako dun, napaisip ako dun.
"Kasi nga sa Roman Catholic, gusto nila mag-asawang tao na because of their love, mabubuo yung anak.
“E, sa akin, hindi ko asawa yun, e. Surrogate mother yun, e, o egg donor, e.
"So, parang, yun nga! Kung pakikinggan ko yung Katoliko, nakokonsensiya rin ako.
“But you know, sabi ko nga, ang daming pari ang nagdasal sa akin na magkaanak ako through surrogacy.”
Ito raw ang isa sa inaalala niya ngayong 61 years old na siya—na baka raw nilabag niya ang utos ng simbahan.
“Kasi minsan, naaano ako na baka I will not enter in the kingdom of God.
"But I still keep on praying for that.
“But after saying that, madami talaga akong na-receive na positive comments.
"Even yung mga sister-in-law ko, sabi nila, ‘Sabihin mo kay Joel Cruz, huwag siyang mag-alala. Mabait siyang tao, makakapasok siya sa kaharian ng Diyos.' Yung ganun,” pagbabahagi ni Joel.
Read: How single dad Joel Cruz is raising his eight kids
JOEL CRUZ WANTS TO LIVE A LONG LIFE
Nasa retirement age na si Joel, pero patuloy pa rin siya sa pag-aasikaso ng negosyo.
Pero gusto niyang humaba pa ang buhay kaya nagpapaka-healthy living na raw siya.
“I’m 61 years old right now,” pakli ni Joel.
“Ang sabi kasi sa akin, sa Bibliya din, ang tao daw kapag… like Filipino, ang sabi daw, 71 years old ang lalaki, ang babae 72 years old.
“Ang average life daw ng tao, 70. Kung healthy daw, 80.
"So, sabi ko dapat healthy living ako, para umabot ako sa 80.
“E, 61 years old na ako. Magkaroon pa sana ako ng 19 years.
“So, right now, namumuhay ako nang healthy living. Nagbawas ako ng malaking sugar.”
Sa Huwebes, September 24 ay ipagdiriwang ni Joel ang 26th anniversary ng Aficionado Germany Perfume.
May malaking selebrasyon na gaganapin sa Solaire North, Quezon City.
Ilulunsad daw nila ang sampung line ng perfume kasabay ng brand ambassadors nito.
NOEL FERRER
Wala na palang artistang endorsers si Joel Cruz.
Na-phase out na raw ang mga pabangong dala ng mga artistang nag-e-endorse ng mga line of perfume niya.
Pinag-iisipan pa raw niya kung kukuha pa siya ng mga artistang endorsers.
Ayon kay Joel: “Sa dami ng celebrity endorsers before, wala nang natira sa amin.
“Meron silang yearly na binayaran kami. Tapos after nun, dumating kami sa puntong every bottle sold, binibigyan namin sila ng commission.
“Na-phase out na rin ang perfume nila. So, right now kasi…. malakas talaga ang mga content creators.
“Alam niyo naman ang mga tao ngayon, nasa social media talaga.
“Hindi lang kami naghahanap ng mga content creators na nagpo-focus sa pabango, kundi pinag-aaralan din ang mga celebrities, e.
“Kasi sa celebrities... minsan may perfume na rin sila.
“Kaya pinipili na rin naming talaga yung gagamitin talaga yung pabango namin. Yung naniniwala talaga sa pabango namin.
“Kasi mahirap kasi sa akin yung kukuha ka ng artista, sikat na sikat. Pag maamoy mo siya, hindi naman siya amoy-Aficionado.
“Para sa akin, medyo offensive. Ayaw ko ng ganun.
“Gusto ko sana, isusuot niya yung ganun. Kasi, pinu-promote mo, e. Gamitin mo, kumbaga.”
Read: Shanaia Gomez shares old DMs from male celeb; Carlos Agassi and wife respond
JERRY OLEA
Bumili si Joel Cruz ng bahay sa Japan, dahil isa raw ito sa paborito niyang bansa.
Meron pa raw siyang bibilhing lupa sa Japan na patatayuan din niya ng bahay.
Hindi naman daw siya magre-retire sa Japan dahil gusto pa rin niyang personal na asikasuhin ang kanyang negosyo.

Read: Joel Cruz gives tour of sprawling home in Japan
JOEL CRUZ'S CHILDREN WANTS TO LIVE IN FIRST WORLD COUNTRIES
Gusto raw kasi ng mga anak niyang manirahan sa malalaking bansa.
“Ang mga anak ko, ang tingin ko na hindi mag-retire sa Pilipinas,” pakli niya.
“Ako ang magre-retire sa Pilipinas. Pero ang mga anak ko, baka ang mga anak ko, hindi ko masabi, 'no?
"Pero baka ang iba sa Japan, o Amerika o Australia. Sa first world country ba.
“Para makita nila yung difference ng first world sa third world, at sinasabi na nila sa akin ngayon, na gusto talaga nila sa first world country.
“Hindi ko talaga alam kung ano ang mangyayari in the future.”

Ipinagmamalaki ni Joel na naturuan daw niya ang kanyang mga anak kung paano humawak ng pera. Kaya nakikita raw niyang puwedeng ipagkatiwala sa mga ito ang kanyang negosyo.
Nakikita raw niya sa panganay niyang anak na si Prince ang interes nito sa negosyo.
Pero hindi pa masabi ni Joel kung gusto ba ng anak niyang i-manage ang kanilang negosyo balang-araw.
Aniya: “Masyado kasi akong kuripot sa mga anak ko. Kasi I want them to see the value of money.
“Pag may nabibili sila na pagkain or toys, yung mura lang para budget na budget. Para they know talaga the value of money.
“So, nagtatago na sila ng pera. Pinapagamit ko na yung pera nila, para makita ko na kung bibili sila, nagtitipid na rin sila. Practical na rin sila.
“Yung anim kong anak... total of walo yan sila e.
"Pero yung anim kong anak, walang cellphone yan. Wala silang cellphone.
“Kung gusto nilang bumili, e, di bumili sila, pero siguro at the age of 16. Hahaha!” saad ni Joel.
Read: Mga anak ni Joel Cruz five months nang di gumagamit ng cellphones
