PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BLIND ITEM: Health-conscious Actress, nagtatatalak sa condo lobby

"Talak to high heavens" daw si Health-Conscious Actress sa mga sekyu. Anyare?
by PEP Troika
Published 2 hours ago
blind item about health-conscious actress
Nang dahil sa hindi mahanap na delivery, tila na-trigger si Health-conscious Actress at tinalakan ang mga security guards sa lobby.
PHOTO/S: ChatGPT

GORGY RULA

Noon pa man ay mahilig na sa sports at physical fitness kemerut si Health-Conscious Actress.

At kahit hindi na siya gaanong active sa showbiz ay pinapangalagaan pa rin niya nang lubos ang kalusugan ng kanyang katawang lupa.

PERO, isang malaki at naghuhumiyaw na PERO, healthy rin kaya ang kanyang emotional being?

Naninirahan si Health-Conscious Actress sa isang condo unit kung saan neighbor niya ang isa naming non-showbiz friend.

Nagulat ang aming friendship nang ma-witness niyang nagsisisigaw si Health-Conscious Actress kamakailan sa lobby ng kanilang condo.

Pinapagalitan ni Health-Conscious Actress ang mga sekyu o jaguar na naka-assign noong araw na yun.

"Talak to high heavens" daw si Health-Conscious Actress sa mga sekyu. Anyare?

Read: Bela Padilla announces breakup with tech CEO Martin Tan

JERRY OLEA

EKSENA NI HEALTH-CONSCIOUS ACTRESS SA LOBBY

Inalam ni friendly neighborhood Marites kung ano ang ugat ng insidente.

Bumaba raw si Health-Conscious Actress sa lobby ng condo upang kunin ang pina-deliver na produktong in-order niya online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kaso, nung tsinek niya sa reception, wala naman doon.

Kaya nagtatanong na ito kung nasaan na, dahil na-notify na siya ng courier na nai-deliver na iyon sa reception.

Tila na-trigger raw agad-agad si Health-Conscious Actress.

Nagsisigaw raw ito sa lobby at pinapagalitan ang mga sekyu.

Nataranta raw ang mga nasa security, kaya hinanap nila ang delivery, ginalugad doon sa lobby.

Nagtanung-tanong kung nasaan na ang delivery ni Health-Conscious Actress.

Nalaman nilang nai-deliver pala iyon sa kabilang gusali ng condo. Kaya sinabi kay Health-Conscious Actress na nasa kabilang building, puwede niyang i-pick up doon.

Tila nagpanting daw ang mga tenga ni Health-Conscious Actress. Nagtatalak na naman sa mga sekyu. Bakit daw siya ang papupuntahin doon, e, pagkukulang daw ito ng nasa security at staff ng naturang condo?!

Nabulabog daw ang mga tao sa lobby sa pagsisigaw at pagwawala ni Health-Conscious Actress.

Ang sabi raw ng sekyu, hindi puwedeng sila ang mag-claim kundi ang mismong may-ari nung delivery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw ni Health-Conscious Actress.

Bakit daw siya ang papupuntahin gayung hindi raw niya ito pagkakamali. Responsibilidad daw ito ng nasa security at mga staff doon sa condo.

Hindi na alam ni friendly neighborhood Marites kung paano na-resolve ang sitwasyon.

By the way, hindi ganoon kalayo ang reception sa next building.

Approximately 200 meters lang daw ang distance nito sa kabilang condo kaya kung mahilig sa exercises and fitness si Health-Conscious Actress, hindi ba kayang lakarin o takbuhin ang kabilang building para makuha ang delivery niya?

Read: Deniece Cornejo, Cedric Lee granted release by Court of Appeals

NOEL FERRER

Nakakalungkot pakinggan.

Kasi para sa akin, simple lang ang sukatan ko ng mabuting tao. Mabait sa lahat. Hindi lang mabait sa nakakataas, sa may posisyon, sa nasa kapangyarihan, o sa mayaman. Mas makikita mo ang tunay na ugali ng tao kung paano siya makitungo sa maliliit, sa mga nasa ibaba, sa mga taong walang maibabalik sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Doon mo makikita kung tunay ang kabaitan o pakitang-tao lang.

Sana, bad day lang iyon. Sana, may pinagdadaanan lang siya. At sana, hindi normal para kay Health-Conscious Actress ang ganoong pakikitungo sa kapwa.

On second thought, bakit nga ba hindi masyadong umasenso ang kanyang karera? May something ba?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang dahil sa hindi mahanap na delivery, tila na-trigger si Health-conscious Actress at tinalakan ang mga security guards sa lobby.
PHOTO/S: ChatGPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results