PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rita Daniela on Archie Alemania verdict: “I’m doing better now.”

Rita Daniela careful in speaking about Archie Alemania case.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
rita daniela archie alemania case
Rita Daniela opens up about her current state following the Bacoor RTC’s guilty verdict against Archie Alemania. The singer-actress says she is doing better but remains cautious about discussing the case because legal proceedings are still ongoing.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

GORGY RULA

Maingat si Rita Daniela sa pagsagot tungkol sa kasong acts of lasciviousness na isinampa niya laban kay Archie Alemania.

Pinagtibay ng Bacoor Regional Trial Court (RTC) ang hatol nitong guilty beyond reasonable doubt sa aktor.

Ngunit puwede pa ring mag-file ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Archie.

Ito ang dahilan kaya hangga't maaari ay ayaw ni Rita na magsalita dahil ongoing pa rin ang kaso. Nasa korte pa.

“I think I’m doing better. I’m okay,” pakli ni Rita nang makausap ng PEP Troika matapos ang gala screening ng Puregold CinePanalo movie niyang Wantawsan noong Setyembre 27, 2026, Linggo ng gabi, sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

“Ahhmm, natatakot po akong magsalita about it, kasi as much as possible, the fact na it’s still an ongoing case, you know.

“So, gusto ko po talaga na yung justice na lang po yung bahala doon, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But, yeah, yung sa akin po, I can probably say naman na I’m doing so much better now.”

Read: Bacoor RTC reaffirms guilty verdict vs. Archie Alemania

RITA GETS SUPPORT FROM BOYFRIEND MCLAUDE GUADAÑA

Bagamat mahirap daw ang pinagdadaanan niya, malaking bagay yung nandiyan ang suporta ng basketball player na boyfriend niyang si McLaude Guadaña.

“Yes, of course, malaking bagay si Mac that he came into my life.

"He’s been really a big help. Sobrang supportive, and wala akong masasabi,” sey ni Rita.

Dagdag ng singer-actress: “Grabe yung love din niya for my son, si Uno.

"Actually, yun talaga yung naka-help sa akin, you know, to really be a better person.”

Rita Daniela and boyfriend Mclaude Guadana.
Rita Daniela and boyfriend Mclaude Guadaña.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RITA ON FORGIVENESS

Pumasok na ba sa puso niya ang pagpapatawad?

Tugon ni Rita: “Alam na po ni Lord yun, alam na po ni Lord yun.

"Kasi, yun naman yung itinuturo Niya sa atin, hindi ba?

“And ako po, as a Christian, hindi ba, parang isa yun sa pinakamahirap na bagay na gawin bilang tao, or bilang Kristiyano.

“Kasi yung itinuturo Niya sa atin, pero ganun talaga, e, which is to really forgive.”

Mahirap din ang pinagdadaanan ni Archie sa ngayon, pero ayaw magkomento ni Rita tungkol dito.

“I’m sorry, I cannot say anything about that. What I can only say is yung sa akin lang,” wika ni Rita.

Sabi pa ng singer-actress, hindi lang para sa mga kababaihan ang ipinaglalaban niya, kundi pati na sa lahat ng walang boses para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Saad niya: “Hindi po siya madali. Ang iniisip ko na lang po, ginawa ko siya hindi lang din po dahil para sa akin, kundi para din sa mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi lang din babae, hindi lang din babae.

"I’m very sure there are also lot of men who, you know, experienced things like that, and they didn’t have voice. They didn’t have the confidence or the heart to do it.

“So, kasama po yun sa dasal ko na maisama po yung mga tao na yun, hindi lang po sa akin.”

Read: Rita Daniela details text exchange with Archie Alemania

JERRY OLEA

Ngayong nasa Viva na si Rita Daniela, inaasahan naming mare-release na ang album niyang naglalaman ng original composition niya.

Alin sa mga kanta sa album ang best na magde-describe sa estado ng buhay niya?

Sagot ni Rita, "Ikaw at Ako" na oyayi (lullaby) niya para sa anak niyang si Uno who’s turning four sa Disyembre.

“Kahit noong nasa sinapupunan ko pa siya, kinakanta ko na yon talaga,” sey ni Rita.

“Hanggang ngayon, isa yon sa pampatulog ko kay Uno.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umpisa ng lyrics ng "Ikaw at Ako": “Yakap mo’y walang kasinghambing/ Liwanag ang siyang natatanaw/ Pag-ibig sa iyo’y isisigaw/ Na narito lang para sa iyo

“Bahagi ka na ng buhay ko/ Ika’y para sa akin/ At ako’y para sa iyo…”

Bagay nga na kanta ng nanay para sa anak ang "Ikaw at Ako."

Swak din iyon bilang romantic song.

“Oo, actually, puwede rin… If you’re gonna listen closely to the lyrics, maaari mo siyang i-dedicate sa taong talagang… yung hindi mo inaasahang darating sa buhay mo, na babaguhin iyung buhay mo,” sabi ni Rita.

RITA DANIELA AS KOREAN?

Siyangapala, may bagong project na isu-shoot si Rita next month, kung saan magsasalita siya ng Korean.

First time iyon sa tanang career niya.

“Kabado pero excited din naman!” bulalas ng singer-actress.

Read: Bela Padilla announces breakup with tech CEO Martin Tan

NOEL FERRER

Mag-asawa ang papel nina Rita Daniela at Joross Gamboa sa pelikulang Wantawsan.

Introducing dito si Zion Cruz bilang anak nila.

Nominado silang tatlo sa acting categories ng Puregold CinePanalo 2026 filmfest.

Ang green-carpet awards ceremony ay sa Setyembre 30, Miyerkules, sa Cinema 5 ng Gateway Mall 1, Cubao, Quezon City.

rita daniela joross gamboa wantawsan
Rita Daniela and Joross Gamboa
Photo/s: Jerry Olea

Ano ang reaksiyon ni Rita matapos mapanood ang Wantawsan?

“Ano din, kakaiba! Kumbaga fresh take, new take, OK naman. Halo siya ng funny saka meron ding pakurot sa puso nung sa dulo. May paganun,” sambit ni Rita.

“Ako, naramdaman ko talaga after mapanood yung movie, parang sobrang blessed ko pala, 'no. Sobrang blessed natin.

“Kasi sila, talagang maski limang piso, parang hirap na hirap kunin. I think we should really be grateful.”

Mapapanood ang entries ng Puregold CinePanalo 2026 filmfest hanggang Oktubre 4, Linggo, sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, and Market! Market!.

Ang regular price ng tiket ay PHP250, samantalang ang discounted price ay PHP200 para sa PWD, senior citizens, students, national athletes, at Aling Puring cardholders.

Read: FULL LIST: CinePanalo Film Festival 2026 nominees

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela opens up about her current state following the Bacoor RTC’s guilty verdict against Archie Alemania. The singer-actress says she is doing better but remains cautious about discussing the case because legal proceedings are still ongoing.
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results