PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

How did Always Yours, Never Mine fare at the box office?

Always Yours, Never Mine box office figures still unreleased.
by PEP Troika
Published 4 hours ago
always yours never mine box office
Star Cinema has yet to release an official box-office figure for Always Yours, Never Mine, the Joshua Garcia-Julia Barretto reunion movie that opened nationwide on September 30. According to a source, the film had reportedly grossed around PHP50 million as of Sunday, October 4.

GORGY RULA

Hinintay naming maglabas ng press release ang Star Cinema kung magkano ang box-office gross ng pelikulang Always Yours, Never Mine, pero wala kaming nakikita sa social media.

Hindi rin napag-uusapan kung malakas ba sa takilya ang bagong pelikula nina Joshua Garcia at Julia Barretto na nagbukas sa 210 cinemas nationwide noong September 30, 2026, Miyerkules.

Mag-iisang linggo na itong showing bukas, October 7, pero wala pa ring inilalabas na figures.

Ang napabalita lang sa FB page ng ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), as of October 4, Sunday ay “showing ito in over 240 cinemas nationwide.”

And as of October 5, Monday, ganoon pa rin — ito ay “showing in over 240 cinemas nationwide.”

always yours never mine
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REPORTED BOX-OFFICE GROSS OF ALWAYS YOURS, NEVER MINE

Ayon sa aming pagtatanong, naka-PHP8M daw sa first-day showing ang Always Yours, Never Mine.

Kung totoo man itong nakuha ng PEP Troika mula sa aming reliable source, mahina ito para sa isang JoshLia film.

Malayo ito sa unang araw ng showing ng reunion movie nilang Un/Happy For You, na PHP20.5M ang first-day na kinita noong Agosto 15, 2024.

Sa unang limang araw ay napabalitang naka-PHP150M ang Un/Happy For You, na showing na noon sa 350 cinemas nationwide.

Hindi ko pa napapanood ang Always Yours, Never Mine na 1 hours 52 minutes ang running time.

Sabi ng ibang napagtanungan namin ay sobra itong mahaba. Maaaring nabawasan pa ito ng screening time.

Ang sabi kasi ng aming source, naka-PHP6M lang daw sa pangalawang araw nito.

Posibleng bahagya siyang tumaas noong weekend dahil, ayon sa aming reliable source, as of Sunday, October 4, naka-PHP50M na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin kung tataas pa ito sa pagpasok sa pangalawang linggo sa mga sinehan.

Read: Zanjoe Marudo reveals wife Ria Atayde is pregnant with Baby No. 2

GELLI DE BELEN AVOIDS INTERVIEWS AMID DENNIS TRILLO ISSUE

Bukas, Oktubre 7, Miyerkules, ay may mga bagong pelikulang magbubukas.

Isa na rito ang indie film na Mantsa ng Dragon Entertainment Productions na pinagbibidahan ng talents nilang sina Shira Tweg at Khai Flores.

Kasama rito si Pilar Pilapil at ang kontrobersiyal ngayong si Gelli de Belen.

mantsa poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makakulong kaya sa Mantsa ang pagkadawit ni Gelli sa mga pahayag ni Dennis Trillo kaugnay sa isyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado?

Hataw si Gelli sa pagpo-promote ng pelikula, pero nananahimik na lang siya ngayon.

Sa premiere night ng Mantsa sa Cinema 6 ng Trinoma noong Oktubre 5, Lunes, sinamahan siya nina Janice de Belen at Candy Pangilinan, pero tikom ang bibig ng aktres sa isyu.

Ayaw na niyang magsalita. Naaasiwa na siyang nakatutok sa kanya ang lahat ng camera.

Maagang umalis si Gelli. Hindi na niya tinapos ang pelikula.

Maaaring iniwasan niyang ma-interview siya ng entertainment media na sumugod sa premiere night ng Mantsa.

gelli de belen mantsa
Gelli de Belen
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Facebook posts ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kabilang pa sa mga pelikulang showing bukas sa local cinemas ang Other Mommy, Hyoketsu: The Curse of the White Lady, The Social Reckoning; at SB19 Wakas at Simula-The Trilogy Concert Finale na exclusive sa SM Cinema.

Ayon kay MTRCB Board Member Nestor Cuartero, mae-enjoy ng mga A’TIN ang concert film ng SB19.

Read: Dennis Trillo reacts to Gelli de Belen's comments on Patrick-Jennylyn issue

JERRY OLEA

Nanguna sa takilya ng North America last weekend (October 2-4, 2026) ang bagong bukas na Verity starring Anne Hathaway, Dakota Johnson, and Josh Hartnett.

Ayon sa Box Office Mojo, $32M ang opening weekend gross sa North America ng nasabing erotic psychological thriller.

Pumangalawa ang Resident Evil with $12.6M, at pangatlo ang Heart of the Beast with $10.9M.

Certified flop ang pelikula ni Tom Cruise na Digger, na nagbukas sa fourth place with $8M. Ang production budget nito ay hindi bababa sa $150M.

Panlima ang Primetime na tinatayang $8M ang hinamig last weekend sa US at Canada.

FORGOTTEN ISLAND

On its second weekend ay bumaba sa pang-anim na puwesto ang Forgotten Island with $7.2M.

Ang domestic gross ng Forgotten Island ay $23.6M pa lamang, samantalang ang worldwide gross nito ay $38.5M pa lamang.

Kahit hindi humataw sa North America at sa international market ang Forgotten Island, super-ariba naman dito sa atin.

Noong nakatsikahan nga namin ang COO ng TIEZA na si Mark Lapid, tuwang-tuwa siya sa pelikula at ipinakiusap pa niya sa aming tulungan naming i-promote ang pelikula.

Palakas nang palakas pa ang Forgotten Island sa Pilipinas. Pinilahan last weekend.

Ayon sa aming reliable source, as of Sunday, October 4 ,ay naka-PHP186M na ang Forgotten Island sa lupang hinirang.

Salama at hindi "forgotten" ng ating mga kababayan itong animated film ng Dreamworks kung saan tampok sina H.E.R., Liza Soberano, Dave Franco, Jenny Slate, Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy, Ronny Chieng, at Lea Salonga.

Read: Always Yours, Never Mine now showing; Forgotten Island hits PHP100M

forgotten island box office
Forgotten Island
Photo/s: Dreamworks

BOX-OFFICE MEGA BLOCKBUSTERS

Noteworthy na umabot na sa $2.5B ang worldwide gross ng Spider-Man: Brand New Day.

Ang worldwide gross ng Avengers: Endgame na nag-encore ay $2.926B — na-reclaim ang spot sa top lifetime grosses.

Kinabog nito ang Avatar na $2.924B ang worldwide lifetime gross.

Pangatlo sa pinakamalalakas yung Spider-Man: Brand New Day.

Pang-apat ang Avatar: The Way of Water with $2.334B, samantalang panlima ang Ne Zha 2 with $2.270B.

Sa tingin ninyo, aabot kaya sa $3B ang worldwide lifetime gross ng Avengers: Endgame?

avengers endgame encore

NOEL FERRER

Guilty naman din ako at hindi ako nakakapanood ng pelikula sa sinehan these days. Ang dami lang talagang ganap.

Pero susubukan kong habulin ang Forgotten Island at Always Yours, Never Mine sa mga sinehan.

Aminin natin, wala namang compelling reason para panoorin natin ang mga ito, maliban sa Gawang Pinoy and honoring our kababayans lalo na sa animation movie.

Basta sana, manatili tayong hopeful at nagtutulungan.

At sana, makahanap pa rin ng mga pelikulang tatangkilikin natin at makakabawi sa box office para tuluy-tuloy ang pagpo-produce nito.

Ang hirap talaga ng panahon ngayon, ano?

(Back to the Impeachment Trial)

Read: October 2026 Awards Rush: Golden Screen, Urian, FAMAS, Star Awards, PASADO

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Cinema has yet to release an official box-office figure for Always Yours, Never Mine, the Joshua Garcia-Julia Barretto reunion movie that opened nationwide on September 30. According to a source, the film had reportedly grossed around PHP50 million as of Sunday, October 4.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results