PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon working hard to provide for daughter Felize

His priority: "...masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya."
by PEP Troika
Published 22 hours ago
Mccoy De Leon at Kutis Reveal media launch
McCoy de Leon's priority: "...Masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya."
PHOTO/S: Gorgy Rula

NOEL FERRER

Hindi nakaligtas si McCoy de Leon sa ilang nakakaintrigang tanong sa mediacon ng skin-transformation reality series na Kutis Reveal noong Biyernes, October 9, 2026, sa B Hotel.

Inusisa si McCoy about Elisse Joson at ang kanilang five-year-old daughter na si Felize.

MCCOY DE LEON'S PRIORITY

Bukod sa trabaho at pamilya ay naka-focus muna siya sa kanyang anak.

“Ngayon nga po ay kasama ko siya, e. Iniwan ko lang muna sa family ko,” napangiting pakli ni McCoy, na leading man ni Liezel Lopez sa upcoming movie na The Flying Red Balloon, na idirek ni Louie Ignacio.

"Ang baby ko, laging happy. Wala namang ano. Wala namang kahit na anong… lagi ko siyang tintanong, ‘Are you happy?’ ‘Yes, I’m happy, Daddy,’ ganyan.”

Okay naman daw sila sa co-parenting set-up nila ni Elisse. Wala raw silang problema. Hindi raw siya nagkulang sa suporta, at talagang sinisikap daw niyang magampanan ang responsibilidad niyang maging ama ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Trying my best po. Honestly, hindi pa naman din ako sanay and first time ko din…” sabi ni McCoy.

“May mga adjustment, pero hangga’t maaari, mahirap pag ano sa panahon ngayon wala kang maibibigay. Mahirap pag hindi gumagalaw.

“Inuna ko po munang ma-secure yung future ng anak ko, kahit po hindi ko siya laging nakakasama niya…

"Yung school niya or kung ano ang puwede niyang….Actually, iniisip ko ngayon, gusto ko siyang dalhin sa ibang bansa balang araw.

“Basta gusto ko secure yung future niya, masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya. Kasi mahirap po talaga. Ang hirap po ng panahon ko ngayon.”

Dalawang beses na ang breakup nila ni Elisse. Posible kayang muli niyang susuyuin para magkabalikan sila uli?

“Hindi ko po alam, e. Siguro ang Diyos na po ang makakasabi niyan, di ba?

“Si God naman po talaga, and ako naman, priority ko yung happiness ng baby ko. Yun lang po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, nanay ng anak ko. Hindi naman maitanggi yun na naging part siya sa career ko and same sa personal ko.

“Lagi naman siya may part dun,” safe na sagot ni McCoy.

Read: Meryll Soriano happy to see dad Willie Revillame looking "well-rested"

GORGY RULA

SKIN-TRANSFORMATION REALITY SERIES

Magsisimula itong Kutis Reveal sa Oktubre 17, Sabado, at 10:00 A.M., sa Bilyonaryo News Channel.

Host nito ang dermatologist na si Dr. Kei George Rebolledo, na nagmamay-ari ng Kutis By Kei.

Humarap si Dr. Kei sa mediacon kasama ang brand ambassadors na sina Charlie Dizon at McCoy de Leon.

Mccoy de Leon, Dr. Kei George Rebolledo, Charlie Dizon at Kutis Reveal media launch
Mccoy de Leon, Dr. Kei George Rebolledo, Charlie Dizon at Kutis Reveal media launch
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibinahagi ni Dr. Kei na nag-guest si McCoy sa isa sa mga episodes ng kanyang programa.

Sinorpresa ng Kapamilya actor ang isa sa pasyente.

Ang konsepto kasi ng naturang programa ay pumili sila ng labindalawang (12) pasyente na may problema sa balat.

Iba’t iba ang skin concerns, kagaya ng melasma, acne scars, psoriasis, scarring at pigmentation.

Ilan sa napiling pasyente na i-feature sa naturang programa ay cancer survivor, nurse, breadwinner, aspiring actress, LGBT advocate, at estudyante.

Bukod sa pagpapagamot ng problema sa kanilang balat, kundi sa kuwentong dala ng pasyente.

Ani Dr. Kei: “I-feature namin yung mga kuwentong nakaka-relate ang mga manonood.

“We wanted to tell stories that people can relate to while showing that every person has a different journey.”

Hindi raw nila maipapakita ang instant na transformation, pero malaki raw ang pagbabago pagkatapos ng treatment na gagawin nila.

“The different thing about the show is we do not offer false promises para lang mag-viral, no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Although masu-surprise kayo sa narating ng aming show.”

Sa isang episode ay tampok ang cancer survivor na ginamot nila ang skin problem dahil dumaan ito sa chemotherapy.

Sobrang tuwa raw nung pasyente nang dumating si McCoy para kumustahin ito.

Read: Lino Cayetano new Presidential Communications Office secretary

JERRY OLEA

Hindi nabanggit kung saang episode ang guesting ni McCoy de Leon, pero sobrang tuwa raw ng aktor dahil naging bahagi siya sa programang ito.

Hindi lang daw pala ito parang beauty and wellness show.

“...Meron silang side to help people. Ang ganda nga nung sinabi niya [Dr. Kei] na hindi porke’t clinic, aesthetic agad, maganda.

“Tapos yun nga, tinatanong nila ako kung puwede akong maging part nito, oo naman. Kasi mas malaking impact din sa mga patients siguro na makita na nandiyan kami ni Dr. Kei na na-witness namin yung magiging growth nila as ano.

“Kung ano yung improvement nila o magiging kagandahan nila, yung changes nila.

"Sobrang happy ako dun. Nakakaantig ng puso na may ganung bagay, at thankful ako kay Doc na may ganun siya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon's priority: "...Masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results